Chapter 17: Married

9.4K 353 41
                                        

Niks' POV

I don't know what to feel. Dapat ba akong mainis dahil may date s'ya bukas, o dapat ba akong matuwa dahil atleast kasama ako? At mababantayan ko s'ya?

Tinakpan ko ang mukha ng unan at doon nagsisigaw.

I'm currently at Soul's guestroom. Dito ako matutulog, dahil kailangan n'ya rin ako bukas, at kailangan daw ay maaga. Bakit? Ano ba yung date nila-maghapon? Magdamag? Grabe naman 'yon.

I'm wearing her clothes na wala akong balak ibalik sa kanya. Yung oversized shirt n'ya, naging normal na shirt lang sa akin. Pati yung shorts na sa tingin ko pinakamaluwag na sa kanya, ay sakto lang sa akin. Akin na 'to, for souvenir.

Hindi ako makatulog, kaya mabuti pang mag open nalang ako ng social media ko bago pa ako tuluyang mabaliw.

Bumungad sa notification ko ang message ni Saji.

Sapriya Jayne Choi:

I'm free tomorrow, incase
you don't have a date! haha

Zyra Nixen Galvez:

Sorry, I have work tom.

Sapriya Jayne Choi:

May bago kang work?

Hindi ko pa pala nababanggit sa kahit sino sa mga kaibigan ko ang bago kong trabaho.

Zyra Nixen Galvez:

Yup, assistant ng boss sa
isang company.

Sapriya Jayne Choi:

Wow! That's a good catch.

What company?

Zyra Nixen Galvez:

Why? So curious HAHAHAHA

I don't wanna tell her the company, dahil may possibility na malaman n'yang si Soul ang boss ko. I don't know why, pero ayaw kong ipaalam sa kanya.

Sapriya Jayne Choi:

I just wanna make sure
you're safe. duhh

Zyra Nixen Galvez:

I'm always safe, doncha
worry about me.

Ikaw? How's work?

Nagtuloy pa ang usapan namin ni Saji hanggang sa nagising nalang ako dahil sa katok sa pinto. I immediately checked my phone. It's 6AM, sakto. At natulugan ko si Saji. Sanay naman na s'ya sa'kin kaya nag-good morning nalang ako.

Bumangon ako para pagbuksan ang kumatok. Nagkukusot pa ako ng mata. I was expecting it to be nanay Kusing, or some other maids but I was shocked to see my gorgeous boss, in her pajamas and glasses.

Tang inang mukha 'yan-ang ganda.

"Did you just cursed?" Tanong n'ya habang salubong ang kilay.

"Huh?" Inosenteng tanong ko. Nasa isip ko lang dapat 'yon! Nasabi ko ba nang malakas? Buti sana kung narinig n'ya lahat. "Hindi ah, hindi ako nagmura." Pagtanggi ko.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon