Epilogue

13.4K 405 59
                                        

[a/n; Yes po, may special chapters. Pa-wait nalang, and drop your requests here kung mayro'n.]

...

Niks' POV

"Ano, kayo na ba?" Napalingon ako sa kung sinong nagsalita.

It's my father. At 'yan, 'yan ang tanong ng bayan. Ilang beses ko ba 'yang naririnig sa isang araw? Hindi ko mabilang.

"Hindi pa," umiling ako at ngumiti.

"Mabagal ka pala, Zyra." He said and chuckled.

I just made face.

About my father, hindi na niya ako pinush na sundan ang yapak n'ya sa politika. But someone will do it. Sanara Yael, the youngest of the three. Hindi s'ya pinilit ni papa, nagkusa s'ya kaya labis ang tuwa ng tatay ko.

"May nakausap na pala ako. Someone is willing to make the project with you." Wika n'ya na ikinagalak ko.

"Talaga?" Excited na tanong ko.

Ito na yung pinaplano namin ni Blake. My father helped me for this.

"Yes. My secretary will inform you kapag tumawag na sila para i-set ang meeting." Dagdag n'ya na lalo kong ikinatuwa.

This is really happening. Magiging direktor na ako. Oo, hindi agad ako sisikat, alam kong marami pang pwedeng mangyari but I am one step ahead.

Tumayo ako. Naglakad ako palapit sa tatay ko. Nakaabang lang s'ya sa gagawin ko. I felt his body stunned when I hug him. Niyakap ko s'ya nang mahigpit.

"Thank you.. papa." I said softly as I bury my face on his shoulder. If it's not because of him, wala ako rito. He helped me a lot.

Naramdaman ko ang kamay n'ya sa likod ko, marahan itong hinahaplos. It gives me different kind of comfort. Iba pala yung comfort na galing sa tatay.

"I just did what a father would do." He said in his baritone voice and I felt his sincerity. "Nakabawi na ba ako, anak?"

Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha. Hindi naman ako malambot e, nasanay akong hindi umiyak kahit gaano na ako nahihirapan. But right now, nanlalambot ako. Nanlalambot ako sa tuwa.

"Nakabawi ka na, pa." Nakangiting sagot ko. He may not see my smile but I can assure him that I am very happy right now.

Patuloy n'yang tinapik ang balikat ko. Hindi ako bumitaw sa yakap. Gusto ko lang damhin ang yakap n'ya, yakap ng isang ama.

"Gusto ko lang din pong sabihin," I paused. Bumitaw na rin ako sa yakap at tumingin sa kanya. "That I forgive you now, papa." Wika ko saka ngumiti.

My father smile, and nods his head. Bumuga s'ya ng hangin. Ako nga hindi ko na tinago yung patulo kong luha. I know he's containing his emotions. Nasa lahi yata namin yung ganyan.

"Salamat." Tinapik n'ya ang balikat ko nang may ngiti sa labi.

"Salamat din, pa." I said as I tap his shoulder too.

He just chuckled.

"You ready?" He asked while he examine me.

I'm wearing a semi-formal attire. Oo, nakadress ako. Bagay naman sa'kin e. Hind lang naman ako pogi, maganda rin.

"Yup." I said.

"Shall we?" My father asked. Nilahad n'ya sa'kin ang kamay n'ya.

"Tara na, paps." Nakangising sagot ko. Imbes na humawak sa kamay n'ya ay kinuha ko 'yon at inakbay sa balikat ko. Napailing nalang s'ya.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon