Chapter 5: Glance of the Past

8.5K 298 22
                                        

Niks' POV

"N-no.. I'll stay here.." mahinang sabi n'ya, mahihimigan ang takot sa boses.

Nagkibit balikat nalang ako saka tumalikod para itago ang ngiti.

Naglakad ako papunta sa kama, dumapa ako at pumikit.

"Make yourself comfortable, matutulog na ako." sabi ko nang walang lingon-lingon sa kanya. Pagkalipas ng ilang segundo ay wala parin akong naririnig na kung ano, ni yapak niya ay wala.

"Where can I sleep then?" she asked in a low voice, halos bulong nalang sa sobrang hina.

Hinarap ko ang mukha ko sa kabilang side, I opened my eyes and made it look like I'm sleepy. "Here.." I said while tapping the space beside me.

"With you?" tumaas ang boses n'ya, her eyes also widen. Nakakainis. Bakit ba hindi niya ako makilala? Nagka-amnesia ba s'ya?

"Yeah," I answered nonchalantly, "Unless you want to sleep in the other room with rats and cockroaches," dugtong ko pa.

Guest room dapat 'yon kaso hindi ko na nalilinis dahil doon ko nilalagay mga gamit ko, artworks, at kung anu-ano pa. Pero wala namang daga ag ipis do'n.

She looks hesitant but left with no choice. Pinikit ko nalang ang mga mata ko. Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa kabilang side. Sinilip ko ito using one eye. Ginagamit n'ya ang cellphone n'ya habang may suot na salamin.

"Hindi ba masakit ang ulo mo?" tanong ko. Hindi sana 'yan ang gusto kong itanong, I want to ask if she didn't really remember me.. pero huwag nalang.

She stopped using her phone. Bumaling s'ya sa'kin, "Not really," she replied shortly. "Where are you going?" she then asked after I get up from the bed.

Huminga ako nang malalim, tipid na ngumiti.

"Sa sala ako matutulog, I'm just joking around." I said, naglakad na ako palabas ng kwarto ko.

"Your bed is huge-"

"Nasa sala lang ako, if you need anything gisingin mo lang ako. If you want to take a shower, that's the bathroom and there are new clothes in my cabinet, those on the left side." bilin ko bago tuluyang umalis.

Nang maisara ko ang pinto ng kwarto ay para akong nakahinga nang maluwag. Hindi ko maexplain yung pakiramdam. Parang nakaka-suffocate na ewan.

Hindi naman sa nasasaktan ako na hindi n'ya manlang ako nakilala, it just feels odd. Nasanay lang siguro ako na kahit iyong mga naka-one night stand ko ay kilala parin ako kahit ilang buwan kaming hindi nagkita, o yung flings ko na bumabati parin kahit makasalubong lang ako sa daan.

Sabagay ay ilang taon na rin ang nakalipas. But we hang out for almost two weeks if I'm not mistaken. We created a bond that only the two of us can understand. Pinatumba nga namin yung mga bullies n'ya, nagdate kami, I dedicated my song for her during foundation week.

Maybe it's just my ego. Hindi ko lang matanggap dahil ako kilalang kilala ko parin s'ya. Isang tingin lang narecognize ko agad s'ya.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa sofa. Paggising ko ay masakit ang katawan ko dahil pilit kong pinagkasya ang katawan ko sa makitid na sofa. Nag unat-unat muna ako bago sumilip sa kwarto. It's slightly opened.

Kinukusot ko ang mata habang naglalakad papunta sa kwarto. Kumatok muna ako bago buksan nang mas maluwag ang pinto. Nilibot ko ang tingin sa kabuoan ng kwarto ko. There's no sign of Soul here. Wala na rin ang gamit n'ya sa bedside table ko.

I checked the bathroom and kitchen, wala talaga. She just left. Wala manlang pasabi. Her name suits her, para s'yang kaluluwa na biglang susulpot pero bigla ring maglalaho.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon