Chapter 13: Wine

5.6K 261 38
                                    

Niks' POV

"Panagutan mo 'ko, Zyra Nixen.." she whispered, her voice is almost pleading.

I almost choke on my own breath when I heard her say those words. Maamo ang mga mata niya, tunay na mukhang nakikiusap. My heart is thumping loudly.

"W-what did you say?" I asked in my shaky voice. What does she mean panagutan? Nabuntis ko ba s'ya?

"You're so stupid!" She exclaimed, kasabay ng pagwalin ng kamay n'ya kaya nabitawan ko ang braso n'ya. Padabog s'yang naglakad papunta sa table n'ya and there I saw a bottle and a glass of wine. She wiped her tears with tissue.

I felt relieved, at the same time-disappointed. I thought she meant something else, like panagutan yung kiss? But maybe she's just drunk, or not in her right mind.

Naglakad ako palapit sa table n'ya. Akmang magsasalin s'ya ng wine sa baso n'ya nang hawakan ko 'yon. "Tama na, Miss Cuesta." Pigil ko sa kanya. Tinapunan niya lang ako ng tingin, inirapan, inagaw sa'kin ang bottle of wine saka tinuloy ang pagsalin.

"Galvez!" Sigaw n'ya nang mabilis kong kinuha ang glass ng wine niya. I chugged it, bottom's up.

I coughed, "Lasang mamahalin," I said while smirking at her.

"Give it back." Tukoy n'ya sa wine glass na hindi ko parin binabalik sa table. Umiling naman ako. Nangalahati na yung bote ng wine, ibig sabihin marami na s'yang nainom. I'm impressed na nakababa pa s'ya kanina sa ground floor.

"No." Mariing saad ko. Kinuha ko pa yung wine bottle kaya mas lalong sumama ang tingin n'ya sa'kin. Dinala ko 'yon sa table ko. Iuuwi ko 'to, masarap e.

"So you're acting like you're the boss here huh?" Nakataas ang kilay na tanong n'ya. "Fire kita, you want?" Maarteng saad n'ya. My lips curved a little.

"Set me on fire na lang, ma'am." Pambabara ko. "But not the literal fire," I added then chuckle.

Sumandal ako sa table. Nagsalin ako ng wine sa glass. I poured just a little. Hinawakan ko yung glass and shake it, gaya ng napapanood ko sa mga mayayaman. Then I tasted it. Masarap talaga.

"You're getting too comfortable here, Miss Galvez. May I remind you that I'm your boss, and you're just my assistant." She said in her CEO tone.

"Hindi ko naman nakakalimutan, your highness." Binaba ko sa table ang wine glass. "Ano po bang maipaglilingkod ko?" Magalang na tanong ko na inismidan n'ya lang.

"Clear my schedule for Tuesday next week. Set those appointments and meetings for later days." She said firmly. Naupo s'ya sa swivel chair n'ya at kalmanteng sumandal doon.

Kinuha ko naman yung ipad kung saan nakatala ang schedule n'ya. Oh, that's February 14th. Bumaling agad ako sa direksyon n'ya.

"May Valentine Date ka, ma'am?" Pabirong tanong ko, nakangisi pa.

"Yes." She answered in a serious tone. Walang bakas ng ekspresyon sa mukha n'ya kaya hindi ko mawari kung nagsasabi s'ya ng totoo o nagbibiro lang. But knowing her, wala sa bokabularyo n'ya ang magbiro.

Biglang nawala ang ngisi ko, bumagsak din ang balikat ko. I pursed my lips tightly.

"Copy, ma'am." I said in a formal manner. Gaya ng gusto n'ya, inayos ko yung schedule niya. Lahat ng meeting, appointment, at kung anu-ano pang nakahambalang sa araw na 'yon ay nilipat ko sa ibang araw.

"Call those people and tell them the new schedule of their appointments." Utos n'ya ulit.

"Noted, ma'am." I said. Pinagcocontact ko sila lahat, explained that their schedule is moved to later days. "Oks na, ma'am." Bagot na wika ko.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon