Chapter 22: Lied

6.8K 241 32
                                    

Niks' POV

"Kapag naagaw mo sa'kin 'tong bola, may kiss ka sa'kin." Hamon ko sa kanya habang nakangisi.

"Stop assuming that I'm dying for your kiss, Miss Galvez." Naiinis na usal n'ya habang binabantayan ang bola na dini-dribble ko.

Nandito kami sa school gym. Oo, gabi na, at tumakas lang kami para makapunta rito. Nag-aalinlangan pa s'ya nung una e pero ngayon enjoy na enjoy rin naman.

Pawisan na kami pareho. Kanina pa kami naglalaro. Tinatry namin lahat ng sports dito. And we're having so much fun. Tama ako, mas masaya kapag solo mo ang buong school. With someone you want to spend your time with.

"Hindi ba, Miss Cuesta? Sa pagkakaalala ko ikaw ang unang humalik noong Valentine's-hey! Madaya! Nagkikwento pa ako e!" Sigaw ko dahil naagaw n'ya sa'kin ang bola. Mabilis s'yang tumakbo para i-shoot 'yon pero natapalan ko. Ang liit ba naman. Tumawa ako bago nagyabang. "Palaki ka muna, lods."

"The game is clearly unfair. Look at our height difference." Nakahalukipkip na wika n'ya. Pinapaikot ko ang bola sa index finger ko.

"Wala sa height 'yan, nasa performance 'yan." Wika ko saka humalakhak. Akma ko pang ibabato sa kanya ang bola, sinangga n'ya agad ang kamay sa mukha pero hindi ko naman talaga binato. Tumawa ulit ako.

"One more game." Hamon n'ya. Seryoso na ngayon ang ekspresyon.

"Okay, madam." Wika ko saka pumwesto. "Kapag naishoot ko, tayo na?" I asked while grinning.

"Three shoots." Pakikipagnegotiate n'ya. Mas lalo akong napangisi. Sabi ko pa naman willing to wait ako. Dalawang linggo palang akong nanliligaw pero malay natin manalo ako, 'di ba? Bakit kasi malay? I'm sure I'll win.

"Game!" I exclaimed then smirked.

Nagsimula kami. Hawak ko ang bola and I'm dribbling it. I'm doing fake attempts on running different directions. Tumakbo ako sa kanan but I crossed over kaya nalagpasan ko s'ya and boom, one point!

"One point for Galvez!" I said habang naglalakad palapit sa kanya.

"What if I won?" Tanong n'ya nang nakatingin sa'kin. Seryoso parin ang ekspresyon.

"You won't." Mayabang na sagot ko. Of course, inirapan n'ya lang ulit ako. "Hoy, walang ganyanan! Ibalik mo 'yan!" Reklamo ko dahil tinanggal n'ya ang shirt n'ya. Naiwan tuloy ang bralette n'ya. Madaya 'to ah.

"What? Naiinitan ako." Masungit na wika n'ya. "Come on, let's continue."

Napailing nalang ako. Hawak ko parin ang bola at nasa harapan ko s'ya. Pakiramdam ko nagduduling ang mata ko. Hindi ko alam kung saang goal ako titingin.

Because of that, naagaw n'ya ang bola sa'kin. At nai-shoot pa.

"Palakas ka pa, lods." Panggagaya n'ya sa sinabi ko kanina saka binalibag sa'kin ang bola. Wow ha? Ako pa? Kung hindi s'ya naghubad ng damit hindi naman s'ya makaka-score e.

"Ganon ba, Miss Cuesta?" I removed my shirt too. Naiwan ang sportsbra ko. Napatitig naman s'ya sa'kin. "Oh kita mo 'to? Wala ka nito!" I said while flexing my physique. "Tulala s'ya e."

"Let's just do it. So noisy." She complained then positioned herself. Syempre sa pagkakataong ito ako naman ang naka-score. Ikaw ba naman matulala sa abs hindi ka ba maaagawan ng bola?

Sa sumunod na play ay naka-score ulit s'ya. Tie na kami. This is the last one. Ano kayang kondisyon n'ya kapag nanalo s'ya? Baka basted-in ako?! Hindi pwede 'yon. Bawal 'yon.

"Ready ka ng matalo?" Tanong ko habang hawak ang bola.

"You should ask that to yourself." She matched my energy and smirked. Tsk. Ako pa niyabangan e walang nakakatalo sa'kin sa payabangan.

𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon