Niks' POV
"About what I said, in your studio—" panimula palang n'ya ay pinutol ko na agad.
"'Wag muna nating pag-usapan." Sabi ko habang hinuhubad ang sapatos ko. Ayoko munang pag-usapan kung ano man yung sasabihin n'ya, ayoko munang pag-usapan yung tungkol sa naging sagutan namin ni Carol, ayoko munang maalala.
After what happened, we both decided to go home. Pina-cancel ko muna lahat ng appointment ngayon. May shoot nga dapat sa isang sikat na brand ngayon pero pina-cancel ko rin. Hindi ko rin naman kayang magfocus kapag ganito.
I know that's very unprofessional of me. Hindi ko dapat pinagsasama ang personal na bubay at trabaho pero sa ganitong isip ko ngayon, magulo, paniguradong wala akong magagawang maganda.
I try my best to act unaffected but I can't help myself to think about it. Muntik kong masaktan ang kaibigan ko. Si Carol, one of my best friends. Ano bang nangyayari sa'kin?
"Nixen, it's important—"
"Please?" Kalmadong pakiusap ko. "Let's rest, baby." Masuyong wika ko habang tinatapik ang kandungan.
She sighed heavily. Hindi s'ya naupo sa kandungan ko, sa tabi ko lang kaya ngumuso ako. Ang bilis kong lumambot pagdating sa kanya.
"Are you mad at me?" Tanong n'ya.
"Nope, never," umiiling na wika ko.
"Why?" Tanong n'ya ulit.
"Anong why?" Natatawang tanong ko. She shrugged. "For me, 'galit' is a big word kaya parang 'di ko kayang magalit sa isang tao with just a shallow reason." Sagot ko, seryoso.
May dalawang tao lang akong tingin ko hindi ko kayang patawarin. Sadly, it's my parents. Siguro hanggang mamatay na ako galit parin ako sa kanila.
"What if I lied?" She asked seriously.
"Why would you lie though?" I banters. Nakangisi ako.
"White lies?" She asked, still in serious mode.
"We all hate liars." Kibit-balikat na sagot ko.
"So you'd hate me?" Tanong n'ya ulit.
Napakunot na ang noo ko.
"Are you keeping something from me?" Tanong ko habang nilalapit ang sarili sa kanya.
"What if?" Hamon n'ya. She then crossed her arms below her chest.
"You won't." Confident na sagot ko. I leaned forward and scooped her. Tumayo ako habang bitbit s'ya.
"Nixen! Put me down!" Reklamo n'ya habang himahampas ang balikat ko pero syempre 'di ako sumunod. Naglakad ako papasok ng kwarto. I put her down on the bed.
"If ever you're lying to me.. this is your advance punishment." Nakangising asar ko habang gumagapang sa kama.
"Punishment your face—Nixen!" She exclaimed while laughing dahil kiniliti ko s'ya. Oh, her laugh. Music to my ears. Ang sexy ng tawa niya. It's not my first time hearing it but it always give me chills. "Stop it—" then she laugh again.
Corny ko na pero sobrang mahal ko 'to.
We spent the day together. Tinuruan ko s'yang magsaing. One step at a time lang. Sa susunod na yung ulam. Kanin muna dahil kanin is life ako. Mamamatay ako kapag walang kanin.
After eating, I show her my collection. What's my collection? Pictures of her. Videos. Everything about her that I collected. Happy memories. Mga pictures n'ya talaga pinagpa-practice-an ko sa pag-eedit noon.
![](https://img.wattpad.com/cover/325435578-288-k406879.jpg)
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐇𝐞𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐱 [TSS #3]
RomanceZyra Nixen Galvez - From her childhood, she was deprived of freedom and happiness as she is an illegitimate child of the Mayor that soon became the Governor. She believed that no one will love her, until she met this girl named Soul. She easily fall...