05

63 2 0
                                    


"Shannie!" tawag sa'kin ni Arvin nang mamataan niya 'kong papalapit. Sumulyap naman si Lionel sa'kin at tinanguhan lang ako.

"Thank God, it's Friday," aniko nang makaupo sa high-stool. "Kumusta ang mga buhay-buhay natin?" tanong ko nang abutan ako ni Arvin ng baso. Sinalinan naman iyon ni Lionel ng alak. "Thank you."

"Kumain ka na ba?" tanong sa'kin ni Lionel at agad akong umiling. Napangiti na lang ako nang mapansing itinaas niya ang hintuturo niya sa isa sa mga staff. Agad naman lumapit ang staff ni Arvin at kinuha ang order ni Lionel.

"Should I add more foods sa menu?" tanong ni Arvin sa'min na abala sa pagpupunas ng baso. "Sorry ah, pizza, burger and fries lang ang meron ako dito. People just normally visits for drinks."

"It's fine. I'm not really expecting anything from you since the beginning," sagot ni Lionel at uminom ng alak. Agad akong natawa nang mapasimangot si Arvin. Padabog niyang inihagis ang tuwalya kay Lionel na agad namang sinalo ito at pinatong sa counter. Nagdadabog naman na naglakad papasok sa likod si Arvin. Napatingin ako kay Lionel na natatawang nailing.

Pagkatapos noong gabing 'yon ay tinangka nina Owen na magsampa ng reklamo kay Arvin pero ginamit naman ni Lionel ang screenshots ng conversation namin para patahimikin ang grupo nila, blackmailing. Pero tuso si Lionel, kahit hindi nagsampa ng kaso si Owen, ay nagsampa naman ng kaso si Arvin, kasabay noon ay ang paglalabas niya ng screenshots ng usapan nila tungkol sa'kin kaya naman kahit anong pambabackstab nila sa bar ni Arvin ay hindi na siya pinaniwalaan, naging katuwaan pa siya sa social media.

Lalong sumikat ang bar ni Arvin kaya naman punong-puno na ang reservation niya hanggang June ng susunod na taon. Mabuti na lang at kahit paano ay naging malapit na 'ko sa kanya kaya kahit kailan ko gustuhing pumunta ay nakakapunta ako.

Nakatanggap ako ng maraming pangungumusta mula sa mga schoolmates ko dahil sa lumabas na screenshots, kasama na nga doon si Benedict na panay hingi ng tawad sa'kin. Paulit-ulit niyang sinasabi sa'kin na sana daw ay hindi na lang niya 'ko sinaktan, baka daw hindi pa 'ko nalapitan ng grupo ni Owen. Hindi ko na lang siya nireplyan sa chat niyang 'yon. Kahit sino sa kanila ni Owen, nagpapasalamat ako na hindi na 'ko konektado.

"Why are you smiling?" tanong ni Lionel sa'kin at agad akong umiling.

"Wala naman. Ang bilis lang ng nangyari, two weeks?"

"Syempre, pera," aniya at sumubo ng fries bago itulak sa'kin ang platong puno ng fries. Kasabay noon ay lumabas na si Arvin na may dalang isang pitsel ng iced tea.

"Mag-juice naman tayo, puro na lang alak ang dumadaloy sa mga ugat natin," aniya at inabot ang bote ng alak na agad namang inilayo ni Lionel.

"Bahala ka nga diyan," pagtuon ni Arvin ng pansin sa'kin. Agad ring bumalik ang atensyon niya kay Lionel nang magsindi ito ng sigarilyo. "Lionel, sabi nang may smoking area dito, huwag ka manigarilyo dito!" paypay niya sa hangin. Para bang nang-aasar pa ay binugahan niya ng sigarilyo ang pinsan sa mukha. Agad akong natawa nang magsimula silang maghabulan dito sa loob.

"Bwisit ka talaga," inis na habol ni Arvin kay Lionel na nasa may gilid ko na. Natigilan naman ako nang pasimpleng kurutin ni Lionel ang pisngi ko bago bumalik sa upuan niya. Napangiti na lang ako nang umupo na silang dalawa. Nakangiting tumingin sa'kin si Lionel.

"Do you smoke?" alok niya sa'kin ng sigarilyo at sinamaan naman ako ng tingin ni Arvin. Umiling ako. "Do you mind if I smoke?"

"It's okay," iling kong ngiti at kumain na ng pizza.

"It's. Not. Okay," ani Arvin na hindi naman namin pinansin.

Nasa sasakyan ako ngayon ni Lionel, ihahatid na niya 'ko pag-uwi dahil iniwan ko sa talyer ang kotse ko. Pagkatapos ng engkwentro ko kay Owen ay hinatid rin ako ni Lionel sa apartment ko. Kasama namin si Arvin na nagmaneho ng sasakyan ko pauwi. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay komportable ang pakiramdam ko na sila ang kasama ko. Nasampal ko ang sarili ko, baka masyado na 'kong nagtitiwala sa kanila, tapos sa huli ay tatraydurin lang pala ako ng dalawang 'to.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon