53

53 1 0
                                    


| LIONEL |

"Kay Lionel lang 'yon!" sigaw ni Damian, basang-basa na siya ng luha niyang umaagos sa leeg niya. "Kay Lionel lang sobrang taas ng halaga ni Shan pero sa'kin, katulad lang din siya ng ibang babae, ng ibang tao. Ordinaryong bato lang siya sa'kin, pero ikaw Macy! Sa'kin, nag-iisa ka lang sa taas. Nag-iisa ka lang na mahalaga sa'kin, walang kapantay... Sa'kin... sobrang halaga mo sa'kin at naiinis ako na ginaganyan-ganyan lang ni Lionel ang babaeng mahal ko, ang nag-iisang babaeng minahal ko buong buhay ko!"

Hindi ako makagalaw sa nasasaksihan ako. Mahigpit akong napahawak sa pantalon ko. Hindi ko alam na ganoon ang nararamdaman ni Damian para kay Macy. I feel guilty. Kung hindi pa sinabi ni Damian kanina, hindi ko rin mapagtatanto na ginagawa ko lang safety net si Macy. I didn't know, Macy is someone's direction like how Shan is to me.

Macy is a beautiful person with a good soul at hindi malabong may mahulog ang loob sa kanya. Macy is someone important to someone else, hindi ko man lang kinonsidera ang mararamdaman ng taong 'yon, nagmukha tuloy akong naglalaro lang.

"Damian!" habol ni Macy sa kaibigan namin na nagmamadaling umalis ng lugar, hindi nag-abalang lingunin ako. Naiwan na lang kami ni Arvin dito.

"Alam mo ba 'to Arvin?" tanong ko at agad siyang umiling. Hindi nagtagal ay natawa siya. Seryoso niya 'kong tiningnan bago nagsalita.

"Okay lang ba kung sabihin kong ganoon din kay Damian ang nararamdaman ko tungkol sa'yo? You became worse for the last 3 years, parang ligaw na ligaw ka," yuko niya. "Don't get me wrong Lionel. Magkaibigan pa rin tayo... pero ang toxic kasi ng ganito. Ang toxic-toxic mo and it feels like all you do is suck all the good energy we have and replace it with your bad energy."

Katulad ni Macy at Damian, umalis din kaagad si Arvin. Nahiga na lang ako sa couch at pinanood ang kisame. Pumikit ako at hindi na lang pinansin ang pagtulo ng mga luha ko. Naalala ko si Shan kahapon at ang sinabi ni Damian kanina. Kasalanan ko 'to lahat at tama si Damian. Napaka-unfair ko sa kanila dahil sa'kin ko lang pinaikot ang mundo ko.

Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa isang kasayahan na hindi naman dapat mawawala kung inalagaan ko. 'Yon ang mali ko, hinayaan kong mabuhay ang sarili ko sa nakaraan na hindi ko naman na mababago pa. Hindi ko inalagaan kung anong meron ako sa kasalukuyan, at ngayon nga, unti-unti na silang nawawala, unti-unti nang nawawala ang kinabukasan kong dapat ay maliwanag ngayon kung hindi ko binasag ang bumbilya— a good wife, a happy son, true friends.

"Lionel."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses, si Damian, sa likod niya ay si Arvin at Macy. Agad akong bumangon at pinahid ang luha ko.

"Pasensya ka na sa nasabi ko kanina," iwas niya ng tingin. "Nakakainis ka na kasi."

"You don't have to apologize," ngiti ko. Nagtama ang paningin naming dalawa. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

"Tama naman 'yong sinabi mo at nagpapasalamat ako na sinabi mo 'yon," bulong ko. "I need to move on nang ako lang. Hindi ko kayo pwedeng hilahin nang hilahin habang-buhay. You have your own lives, you have your own issues that you need to solve as well. Hindi pwedeng habang-buhay buhat-buhat ninyo 'ko."

"We can support you," alok ni Macy at natatawa akong umiling. Hindi ko rin maintindihan. Macy was there for me all along, she knows me more than anyone. She loves me in my ups and downs. Hindi ko maintindihan bakit hindi ko natutunan mahalin si Macy kahit katiting. Natawa ako sa nasabi ko kaninang matututunan ko rin siyang mahalin dahil alam kong hindi ko magagawa 'yon. I'm giving her false hope.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon