12

59 4 0
                                    


| LIONEL |

"Malapit na po tayo, pakihawakan lang siya nang maayos," lingon ko sa mag-asawang kapit-bahay ni Shan. May kasama rin kaming midwife na inaalagaan si Shan sa likod.

Tumunog na muli ang telepono ko, hindi ko alam kung ilang beses na itong tumunog, hindi ko matawagan si Damian. Namatay ang tawag pero muli itong tumunog. Inis kong sinagot ang telepono.

"What?!"

"Lionel, ako 'to, Lolo mo, baka hindi mo nakita ang pangalan ko."

"I know!"

"Then what are you shouting for?!" sigaw niya sa'kin pabalik. "Alam mo naman palang ako 'to."

"I'm busy! Let's just talk later when I get home. I'm trying to contact Damian but you keep on interfering, why don't you do me a favor instead? Call Damian for me at pumunta siya kamo sa ospital dito sa may Santa Clara. Sabihin mo manganganak na si Shan, alam niya na 'yon."

Agad kong pinatay ang cellphone ko para hindi na nila ako matawagan. Natigilan kaming lahat nang mamatay ang makina ng kotse ko, malalim na ang baha, hindi na kinakaya ng sasakyan ko.

Agad akong kumuha ng pera sa wallet ko at inabot 'yon sa mag-asawa. Dali-dali kong tinanggal ang seatbelt ko at bumaba ng kotse, hanggang hita ko na ang taas ng tubig.

"Sumakay na po kayo ng ibang sasakyan pabalik sa evacuation area, baka mapahamak pa kayo. Ako na ang bahala kay Shaniya," kuha ko sa walang malay na kaibigan ko.

"Sigurado ka ba hijo? Sasamahan ko kayo," alok ng matandang lalaki. Agad akong umiling.

"Alalahanin ninyo po ang mag-ina ninyo. Ako na ang bahala sa'kin," pahayag ko. Hindi na nakipagtalo pa sa'kin ang matanda at bumaba na sila ng asawa't anak niya, habang sinamahan naman ako ng midwife papunta sa malapit na ospital.

"Emergency, manganganak na siya," baba ko kay Shan sa isang stretcher.

"Sir, kaano-ano po sila?" tanong sa'kin ng nurse.

"Kaibigan," lunok ko ng laway. "Kaibigan niya 'ko."

"Hanggang dito na lang po tayo, Sir. Close relatives lang po ang pwedeng pumasok sa loob ng delivery room."

Pinagsarahan na nila ako ng pinto. Napasandal ako sa pader, did I make it on time? Nanginginig na ang binti ko. Nanlalambot ako. Napaluhod ako sa sahig pero isang lalaki ang sumalo sa'kin.

"Buti na lang dito ako naka-station ngayon," bulong ni Damian. "Anong ginagawa mo dito, pumasok ka sa loob, kailangan ka niya ngayon."

"Hindi... nila 'ko pinapapasok," bulong ko at umiling.

"Anong hindi? E ikaw ang tatay noon."

Pumasok na kami ni Damian sa delivery room nang makapagpalit ako ng malinis na damit at lab gown. Walang malay si Shaniya na nakahiga sa kama na napapalibutan ng mga doktor at nurse.

"Sir, hindi po kayo pwedeng pumasok dito," harang sa'kin ng nurse na humarang sa'kin kanina.

"It's fine," pigil ni Damian sa nurse na lalaki bago tumingin sa'kin. "He's the in denial father. Let him stay."

Sinuotan na ng gown si Damian ng mga nurse at inayos ang gloves niya bago lumapit kay Shan.

"Kumusta ang vitals niya? Na-check ninyo na ba kung ilang centimeters na siyang dilated?"

"Requesting for CS po sila, Doc," ani isang nurse. Pumasok si Damian sa ilalim ng kumot ni Shaniya.

"Kung magigising natin siya, there's no need, ulo ng bata ang nasa cervix. Gisingin ninyo na para ma-ire na niya si mini-Lionel~" kanta niya at sumulyap sa'kin nang nakakaloko.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon