34

67 2 0
                                    


| LIONEL |

Bumalik ako sa sofa at nagbasa na lang, baka sakaling makatulog ako. Hindi pa man lumalalim ang tulog ko ay nakarinig ako ng kaluskos.

"Where are you going?" tawag ko sa babaeng nasa may pintuan na. Napatingin ako sa siwang ng kurtina, maliwanag na. Dahan-dahan siyang humarap sa'kin, maputla pa. Agad akong lumapit sa kanya at hinila siya pabalik sa kama pero agad niyang binawi sa'kin ang kamay niya.

"I'm going to Lincoln."

"You stay. May sakit ka. Lincoln is doing much better than you," pamamalita ko. Napakunot ang noo ko nang padabog siyang pumunta sa sofa kung saan ako nakaupo kanina.

"But I'm feeling better now," reklamo niya. Nilapitan ko siya at tinabihan sa sofa. "I really want to see my son. I miss him. Can't I?"

"Pagaling na siya, gusto mong mahawa siya ulit sa'yo?" sermon ko sa kanya. Hindi na siya sumagot pa, sa halip ay sumandal siya sa balikat ko.

"What are you reading?" tanong niya. Pinakita ko sa kanya ang cover ng librong binabasa ko. Nanghihina man ay natawa siya. "How to be a good dad and husband? Why are you still reading that? You're doing great as his dad."

"As a husband? Do you think I'm doing a good job?" tanong ko sa kanya. Napalunok siya ng laway niya, namumungay ang mga mata na nakapirmi sa labi ko. Nagtama ang mga mata namin nang haplusin niya ang labi ko. Malumanay kong kinagat ang hinlalaki niyang nasa labi ko.

"You're so good," ngiti niya at pinagdikit ang noo namin. "Minsan natatakot ako dahil baka mawala ka bigla. Nasanay na 'ko na kasama ka. Minsan natatakot ako kasi ang daming magagandang bagay ang nangyari sa'kin. Nakakatakot kasi baka hindi ko kayanin ang halaga ng kapalit. You always make me feel safe... kahit noong wala pa si Lincoln sa'tin."

Mahigpit ko siyang niyakap. Mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya nang umupo siya sa hita ko. Bumaon ang mukha ko sa leeg niya at agad na gumala ang kamay niya sa leeg at baba ko. Napapikit na lang ako, inaantok na 'ko.

"Shan," bulong ko sa tenga niya. Hindi siya nagsalita kaya naman sinilip ko siya. Mahimbing na siyang natutulog ulit. Napalunok ako ng laway nang napunta sa labi niya ang mga mata ko.

Naaalala ko ang unang beses na hinalikan ako ng lasing na Shan sa bar. That was the first and last kiss we shared at hindi ko pa nagustuhan 'yon. Binasa ko ang labi ko at kinagat ang pang-ibaba kong labi bago ilapat 'yon sa malambot na labi ni Shan.

Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Niluwa noon si Lolo kasama ang anak kong mas mukha nang maayos ang pakiramdam, may hawak siyang laruan at sa tingin ko ay orange para sa ina niya. Humiwalay ako sa pagkakahalik ko kay Shan at sinandal siya sa balikat ko bago ko nilagay ang hintuturo ko sa labi ko.

Tahimik na lumapit sa'min ang anak namin at pinatong ang orange sa maliit na mesa sa harap ko.

"Mama's still sick, how do you feel?" tanong ko sa bata na sinisilip ang mukha ng ina.

"Giging na. Dada mal Mama dito," turo niya sa labi niya.

"Oo, sabi ko sa'yo kaya kong gawin lahat e," pagmamayabang ko at nginiwian lang ako ng anak ko. Tinapik niya ang hita ng ina niya.

"Giging ka," bilin niya at agad na tumakbo papunta sa Lolo niyang nakangiti sa'kin. Nginitian ko lang din siya bago ibinalik ang paningin kay Shan bago hawiin ang buhok niya.

Si Lincoln na rin mismo ang humila ng pinto para isara ito.

• • •

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon