54

55 3 0
                                    


| SHANIYA |

"Bye po! Balik kayo Sir Lionel! Ingat!" kaway ng anak ko sa lalaking naglalakad papunta sa kotse niya. Muli siyang lumingon sa'min at nakangiting kumaway.

Bakit hindi ko magawa? Masaya ako kanina nang dumating si Lionel, dahil buo na ang desisyon ko. Tama si Mama, karapatan ng anak ko na malamang si Lionel ang ama niya. Hindi namin kailangang magsama ulit pero gusto ko siyang ipakilala kay Lincoln, dahil sigurado akong matutuwa siya pero merong ibig sabihin ang malungkot na ngiting 'yon ni Lionel. May ibig sabihin ang mga katagang binibitawan niya. Ayaw niya. Ayaw niyang ipakilala ang sarili sa anak namin.

Hindi ako nakatulog nang gabing 'yon. Parang may mali pero hindi ko alam. Hanggang sa umagahan ay hindi ako mapakali. Paulit-ulit na pumapasok si Lionel sa isip ko. Napatingin ako sa Business TV, si Lionel, pero replay lang ang episode ngayon. Nangunot ang noo ko nang maalala ang envelope.

"Mama, hatid mo 'ko ah," bungisngis sa'kin ng anak ko. Tipid ko siyang nginitian.

"Mag gagawin lang muna si Mama," paalam ko at pumasok sa kwarto. Agad kong isinara ang pinto ng kwarto ko at ginupit ang envelope— sari-saring papel na nakatupi. Natutop ko ang bibig ko sa nakita ko. Lahat 'to ay certificates na nagpapatunay na inililipat niya ang stocks niya sa pangalan ni Lincoln Spencer Fajardo at ni Ciana Fajardo.

"Lionel..." pahid ko sa luha ko nang makita ang original last will testament na pinirmahan niya mag-aapat na taon na ang nakakaraan na nagsasabing kung sakali man na may mangyari sa kanya, 75% ng ari-arian niya ang mapupunta kay Lincoln at ang 25% ay sa'kin.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang dating numero ni Lionel na binigay niya sa'kin. Nag-aalala ako. No longer active.

Bakit ba hindi namin ni Lionel kayang magtagpo sa gitna? Bakit kailangang may lumalapit at lumalayo? Muli kong kinuha ang cellphone ko at sinubukang tawagan ang dating numero ni Lolo, baka sakali.

"Hello?" sagot niya sa kabila dahilan para mapahagulhol ako. Na-miss ko ang boses niya. Mabilis na bumalik sa isip ko ang mga alaala ko sa bahay na 'yon.

"Lolo..." hikbi ko.

"Shan? Shan ikaw nga!" may galak sa boses niya. "Kumusta ka na?"

"Si Lionel? Nasaan si Lionel?!" natataranta kong kinuha ang bag ko. "Alam ninyo po ba kung nasaan si Lionel?" hikbi ko.

"Hindi, umalis na siya kagabi pa dito. Nasubukan mo bang tawagan ang number niya? Hindi naman siya nagpalit ng number."

"No longer active, Lolo," nawawalan ako ng pag-asa. "May idea ka ba kung nasaan siya?" paglabas ko ng kwarto at agad na humalik sa anak kong abala sa pagbabasa.

"Saan ka pupunta? Umiiyak ka, baka mapaano ka," pagtayo niya sa upuan niya.

"Pahatid ka muna kay Tita, may kailangan lang akong puntahan," paalam ko at tinalikuran siya.

"Ingat ka ha!" rinig kong sigaw niya at pumara ng taxi na dumaan.

"May idea kayo?" tanong niya sa kabilang linya, narinig ko ang boses ni Arvin at Damian.

"May listahan si Macy ng properties ni Lionel na pwede niyang tulugan. I'll contact her," ani Arvin.

"No," sagot ni Damian na nagpatahimik sa kanila. "Sabi ni Macy pinabenta na ni Lionel lahat ng properties niya, effective yesterday, kaya nga sobrang busy niya rin dahil napakademanding ni Lionel. I don't think he'll stay on any of those houses. Turn over na rin ng bahay sa Tagaytay kaya baka nandoon siya ngayon."

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon