35

59 2 0
                                    


"Gapo ko," puna ng anak ko sa sarili sa salamin. Nakasuot siya ngayon ng Santa Claus na costume habang inaayos ko naman ang suot kong kulay berdeng costume ng elf. Inayos ko ang matulis na tenga ko bago ko sinuot ang kulay pulang elf hat.

"Hot mama!" puri sa'kin ng anak ko sa salamin dahilan para matawa ako. Agad ko siyang pinalapit sa'kin para isuot ang kulay puting kulot na balbas ni Santa Claus. Napatingin ako sa orasan, malapit na mag alas dose, magpapasko na.

Inilagay ko na ang mga regalo sa laruan niyang truck na hinihila niya palagi dito sa bahay.

"You're good na! Look at yourself!" pagpapaharap ko sa kanya sa salamin.

"Ho! Ho! Ho!" panggagaya niya kay Santa Claus sa mga napapanood niyang pelikulang pamasko. Kinuha ko na ang kamay niya at ginabayan siya palabas ng kwarto habang hinihila naman niya ang truck niya.

"Ho! Ho! Ho!" bati ng anak ko nang makarating kami sa sala. Agad siyang nagmano sa Lolo niyang naka-Snowman na costume. Nandito rin ang mga kaibigan ni Lionel, na lahat ay naka-reindeer costumes.

"Ang pogi naman ng Santa Claus namin," puri ni Nanay Selya kay Lincoln. Nakasuot siya ng Gingerbread costume, ang ibang mga katulong dito ay nakacostume na wari ay mga regalo at Christmas balls.

Mas lalo pang napuno ng masayang tili ni Lincoln ang paligid nang magpasabog si Lolo ng shredded papers sa paligid. Tuwang-tuwang humiga sa kalat ng papel ang bata at gumawa ng sa wari ko ay snow angel.

"Next year, sa ibang bansa tayo magpasko," ngiti sa'min ni Lolo nang makita ang apo na tuwang tuwa sa fake snow na ginagawa niya. "Napaka-environment unfriendly kasi kung bibili pa tayo ng artificial snow."

"Sige po, aasikusihin po namin agad ni Lionel ang passport niya," ngiti ko sa matanda at binalik ang paningin sa anak kong nakikipaglaro na kay Damian at Arvin.

"Kumusta ang relasyon niyo ni Lionel?" tanong ni Lolo. Nginitian ko lang siya. Ganoon pa rin. Naglakas-loob ako na lumapit, na tawirin ang guhit na naghihiwalay sa'min pero hindi ko magawa, may invisible wall pa pala si Lionel. Parang nakasama pa nga yata ang ginawa ko dahil pakiramdam ko, mas lumayo si Lionel sa'kin.

"Huwag mong sukuan si Lionel," hawak niya sa kamay ko. "Kailangan niya ng taong hindi siya susukuan."

Hindi ko na lang sinagot 'yon, parang ang hirap naman. Ang hirap umasa sa isang bagay na halata namang wala kang pag-asa. Masasaktan lang ako lalo kapag hinayaan kong lumalim ang nararamdaman ko kay Lionel.

"Dada!" sigaw ni Lincoln at sinalubong ang ama na nakakulay-brown na sweater habang may headband na sungay ng reindeer, kulay pula ang ilong. Mukhang siya si Rudolf. Nagtama ang paningin naming dalawa at tipid siyang ngumiti sa'kin at kinaway sa'kin ang dala niyang star ng Christmas tree.

"Malapit na mag-pasko, halina kayo sa Christmas tree," aya sa'min ni Nanay Selya.

"Merry Christmas, Rudolf," bati ko kay Lionel nang lumapit siya sa'kin kasama ang anak.

"Merry Christmas, Elf," ngiti niya bago sumama sa mga kaibigan niya na nakikipaglaro sa anak namin.

"He looks so happy," atras ni Lolo sa tabi ko. "This is his first time celebrating Christmas with his family. Normally, he just stays at his office. Ngayon, inubos niya talaga ang trabaho bago ang pasko para makasama kayong dalawa. Salamat, Apo," akbay niya sa'kin. Agad akong yumakap sa Lolo na mukhang nagulat.

"Merry Christmas po, Lolo. Salamat rin sa pagtanggap sa'min ng anak ko."

"Apo ko 'yan, sa inyo siya pinakamasaya, ano bang magagawa ko?" natatawa niyang balik sa'kin ng yakap.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon