52

46 2 0
                                    


| MACY |

"Itutuloy ko 'yong kasal, huwag kang mag-alala," bulong ni Lionel. Napatingin ako sa lalaking malungkot na nakangiti sa kawalan. Mabilis na tumulo ang luha ko. Kahit ano talagang gawin ko, isa lang ako sa pamimilian ni Lionel at kahit kailan, hindi ako magiging una para sa kanya.

Buong buhay ko, inalay ko kay Lionel. Binuo ko si Macy sa pag-asang magugustuhan rin ako ni Lionel, pero hindi. Mali ako. Mananatiling isang Shaniya ang nasa puso niya. Napakalayo nga naman ng salitang Shaniya sa Macy.

Mapait akong natawa sa sarili ko, in the end, I'll only have Lionel because no one chose him. Dapat masaya ako kasi sa'kin pa rin pala siya mapupunta, pero hindi ko magawa dahil ang sakit.

"Damian!" sigaw ni Arvin at agad akong napalingon kay Damian na nanlilisik ang mga mata kay Lionel habang hawak ang kwelyo nito. Maging si Lionel ay nagulat rin sa inasta ni Damian.

"Damian," buhat ko sa damit ko para lapitan ang dalawa at paghiwalayin sila pero natigilan ako sa umiiyak na sigaw ni Damian.

"Ano bang tingin mo kay Macy? Safety net? When things didn't work for you, babalik ka sa kanya? You're so unfair! Hayaan mo namang sumaya si Macy."

Bakit? Bakit parang mas nasasaktan si Damian kaysa sa'kin? Okay lang naman ako kahit masakit. Kaya ko pa naman pero bakit si Damian? Bakit kung umasta siya parang siya ang nag-alay ng buong buhay niya kay Lionel?

"Kaya nga pakakasalan ko siya 'di ba?"

"Tingin mo sasaya siya sa ganoon?" tulak ni Damian kay Lionel. "Tingin mo, sasaya si Macy knowing na pinakasalan mo siya dahil napilitan ka lang? Knowing na hindi ka naman masaya sa kanya?"

Nagtama ang paningin namin ni Damian dahilan para magsimula akong umiyak. Ang sakit, ang bigat-bigat at ang sikip-sikip ng dibdib ko. Para bang lahat ng sakit na dapat iniyak ko na noon, nag-uunahan sa paglabas.

"Mabait si Macy... Matututunan ko rin siyang mahali—"

Agad kong tinakpan ang mga tenga ko. Ayokong marinig ang mga sinasabi ni Lionel. He's hurting me! I can't take it anymore, gusto ko na lang siya mawala sa harap ko. Nasasaktan ako, napapagod. Pagod na pagod na 'ko sa kanya at hindi na 'to tama! Binigay ko sa kanya lahat pero sa huli ganito lang ang halaga na meron ako kay Lionel. Tama na!

"Pwede ba! Tama na Lionel! Huwag mong idamay sa pagiging miserable ng buhay mo si Macy because she didn't deserve it! Sobra kang mahal noong tao na kahit masakit sa kanya, hinanap niya 'yong mag-ina mo. She tried to fix you! Ikaw ang naglagay sa sarili mo sa posisyong 'yan, bakit idadamay mo si Macy?"

"Damian, tama na," pigil ko kay Damian. The more he talks about the things I can't even speak about, the more it hurts me. "Tama na, okay lang ako."

"No!" harap niya sa'kin at malumanay na hinawakan ang mga pisngi ko. "Hindi ka okay... hindi ako okay. Hindi ako okay na ginaganyan-ganyan ka lang niya," iling niya sa'kin. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Muling nagtama ang paningin namin ni Damian.

"Okay lang ako doon sa hindi mo 'ko makita e, pero 'yong hindi mo makita ang halaga mo? 'Yong hindi mo makita kung gaano ka ka-espesyal, 'yon ang hindi ko matanggap. 'Yong palagi mong ibinababa ang sarili mo para sa taong hindi ka makita sa taas ng halaga na meron ka... hindi ko maintindihan."

"Damian, ganoon talaga," hawak ko sa mga kamay niyang nasa pisngi ko para pakalmahin siya. Pilit akong ngumiti sa lalaking patuloy na umiiyak. Ganoon naman talaga, meron at merong taong dadating na mas magaling sa'yo sa lahat ng bagay.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon