27

53 1 0
                                    


| LIONEL |

"Lionel," tawag sa'kin ni Shan at agad naman akong siniko ni Arvin. "Okay ka lang ba?" malumanay niyang tanong sa'kin.

"Oo," agad kong sagot at pinagpatuloy ang pagbabalasa. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Napakagat na lang ako ng labi ko.

"Napansin ko kasi na kanina ka pa nabubuwisit simula nang dumating ang mga kaibigan ko. Ayaw mo ba silang makasama? Pwede ko naman silang pauwiin."

"Huh?" lingon ko sa kanya na nakatingin lang sa paa niya. Napatingin rin ako sa paa niya. Maliit pala ang paa niya. Ano kayang size ng sapatos niya para ibili ko siya? "Bakit mo sila pauuwiin? We invited them for Lincoln's baptism."

"Syempre bahay mo 'to," ngiti niya sa'kin. "Ikaw ang may karapatang magdesisyon kung sinong mananatili sa bahay na 'to."

Ipinasa ko ang baraha kina Arvin at nag-focus sa babaeng katabi ko na nakatitig sa mukha ko.

"Why are you acting as if hindi ka pa mag-iisang taon dito? They call you Ma'am Shan. You are the owner of the house too."

"I'm not," natatawa niyang iling. "The only reason why I'm here is because we both want to be available for Lincoln most of the time. I'm here because Lincoln is your son. Other than that, magkaibigan lang tayo."

Pinilit kong lumunok ng laway ko dahil natutuyuan na ko ng lalamunan pero hindi ko magawa, tila ay may bukol. I don't know why I'm feeling this way. 'Magkaibigan lang tayo'. Whenever I say that, whenever I think about that, wala namang kakaiba. But when she says it, why does it sting?

"Ah oo nga pala, i-bring up ko na rin," aniya. "I'm planning to move out with Lincoln."

"Ha?" naitanong ko na lang, napansin ko rin ang pagtahimik ng mga kaibigan ko.

"Thank you for letting me stay, mababayaran ko rin lahat ng pagkakautang ko sa'yo," hawak niya sa kamay ko, matamis ang ngiti niya. Lumapat ang palad niya sa pisngi ko. "Salamat."

"Why? Did I do something?" tanong ko pero agad naman siyang tumawa at umiling.

"Bakit mo ba laging iniisip 'yan kapag may mga desisyon akong ginagawa? Wala kang nagawa. Gusto ko lang lumipat na at maging independent ulit, sa mas malapit sana sa opisina para hindi hassle, para mas may oras na ulit ako para kay Lincoln. Matagal ko rin 'tong pinag-isipan, sa palagay ko ito ang tamang gawin."

"Paano 'ko?" yuko ko. "Paano kami ng anak natin?"

"Ano ka ba?" natatawa niyang hampas sa braso ko. "Pwede ka namang bumisita sa kanya. Mas malapit nga 'yon sa mansyon at sa condo mo. Hihiwalay lang kami ng bahay pero pwede ninyo pa rin naman ni Lolo puntahan sa Lincoln."

Napatingin ako kay Jules na abalang makipagdaldalan sa mga kaibigan nila. Dahil ba 'to sa kanya? Siya ba ang dahilan ng pagdedesiyon na 'to ni Shan? Sila na ba?

"Hindi 'to tungkol kay Jules," pisil niya sa mga daliri ko kaya napatingin ako sa kanya. "Alam kong hindi mo gusto si Jules, kaya nga sinama ko siya dito para magkakilala kayo. Hindi siya masamang tao, mabait siya. Hindi mo kailangang alalahanin si Lincoln."

"Sasagutin mo na ba siya?" bulong ko.

"Hindi pa," ngiti niya sa'kin at tiningnan si Jules. Napangiwi na lang ako, nasusuka ako sa ideya.

"Hindi pa," ulit ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa grupo nina Jules na inaaya na ulit si Shan.

"Usap tayo mamaya," paalam ni Shan sa'kin at nagmamadaling umalis sa tabi ko. Hahabulin ko pa sana ang kamay niya pero wala rin naman akong sasabihin.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon