58

118 5 0
                                    

| LIONEL |

"Pasalamat ka..."

"Pasalamat ako kasi?" tanong ko sa kanya na nang-aasar at sinubuan siya ng hotdog na mula sa spaghetti. Umupo ako sa katabi kong upuan, hindi na 'ko bata kaya naman nangangalay na rin ako sa katatayo.

Shan and I are still friends. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may guhit pa rin na naghihiwalay sa'min, pero kung ano man 'yon, nirerespeto ko 'yon. Aaminin ko, hindi pa rin ako handa na pumasok sa relasyon, pero kung gugustuhin man niya na maging Ignacio, ipipikit ko na lang ang mga mata ko at magpapatihulog sa kanya. Bahala na kung saan ako pulutin sa pagtalon ko sa bangin.

Marami akong natutunan sa nagdaang taon. Magsisiyam na taon na ang anak namin, ibig sabihin, magsa-sampung taon na kaming magkakilala. Hindi ko masasabing mabilis ang panahon. Mabilis kapag kasama ko sila, pero sa tuwing nahihiwalay ako sa kanila, bumabagal bigla ang oras.

Masaya ako sa kung ano man na relasyon ang mayroon kami ni Shan, romantic love man 'yan o platonic love. Masaya ako dahil sabi niya nga noon, we're not a broken family.

"We're a complete family, just a little complicated," natatawa kong bulong sa sarili ko.

Nagulat ako nang hawiin ni Shan ang hita ko at ipatong ang tuhod niya sa pagitan nito.

"Shan—"

Naputol ang tawag ko sa pangalan niyang 'yon nang hilahin niya ang kwelyo ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong nakalapat ang labi niya sa labi ko.

Hindi ako makagalaw, naririnig ko ang tilian at hiyawan ng mga tao dito sa bulwagan pero hindi ko magawang gumalaw. Ibinukas niya ang mga mata niya bago tuluyang humiwalay sa labi ko. May kinuha siyang envelope na brown at inabot sa'kin 'yon.

Agad ko 'yong binuksan at tiningnan isa-isa ang laman— birth certificates naming dalawa, cedula, 2x2 na pictures at CENOMAR.

Napalunok ako ng laway nang tingnan ko ang huling papel, Application Form for Marriage License at nakapirma na si Shan. Agad akong napatingala sa babaeng nakangiti sa'kin.

"Pasalamat ka... mahal na mahal kita," nakangiti niyang pagluha. "Will you sign... that contract? Pinag-isipan ko na 'yan, promise."

Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita. Mabilis akong tumayo para yakapin ang babae na tuluyan na ngang umiyak. Napuno ng hiyawan at palakpakan ang lugar. "Hindi na, promise..." umiiyak na halik ko sa noo niya bago pagdikitin ang mga ito. "I will never breach the contract again."

Inalis ko ang kwintas ko sa leeg ko at ang singsing ng lola kong nakapalawit doon. Dahan-dahan kong sinuot kay Shan ang singsing na 'yon. Ang tagal-tagal kong pinangarap na makita sa daliri niya ito.

Matamis ang naging ngiti ni Shan at muli, inangkin ko ang labi niya.

"I love you," bulong niya. Hinalikan ko ang noo niya.

"I love you too."

"Congrats!" lapit ni Macy at mahigpit na niyakap si Shan bago ako lingunin. Matamis siyang ngumiti.

"Congrats, Lionel! Malaki ka na!" tumatalon-talon na yakap sa'kin ni Arvin at Damian.

"Ako din," yakap ni Macy sa'kin bago ako tingalain. "I guess... everyone has a different need in terms of love 'no?" ngiti niya sa'kin. "What I may be needing is something you cannot give... but Damian is so good at it... and what she may be needing... is surely something you're good at. Congratulations Kuya Lionel," ngiti niya.

"Mama, magpapakasal na kayo?" tuwang-tuwang lapit sa'min ni Lincoln nang bumalik sa upuan sina Macy, at mabilis kaming tumango. "Yehey! Magkaka-baby na ulit tayo!"

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon