26

57 1 0
                                    


| LIONEL |

"Waaaahhh!"

"Lincoln, stop it," sita ni Shaniya sa anak naming ginagaya ang mga sanggol na nag-iiyakan dito sa simbahan. Agad siyang tumawa at nagsimulang tumakbo sa aisle ng simbahan. Agad rin naman siyang napaupo at tumayo muli.

"Ano ba naman 'tong batang 'to, napakalikot," habol ni Lolo sa bata. Tuwang-tuwa namang tumakbo muli ang bata na akala yata ay nakikipaghabulan sa kanya ang lolo niya. Muntik na siyang magsungasob sa sahig nang mahuli siya ng lolo niya.

Nagkatinginan na lang kami ni Shan at sabay na natawa. May trabaho na si Shan pero nagtataka ako kung saan siya kumukuha ng energy na kahit pagod na siya magtrabaho, may oras pa rin siya kay Lincoln.

"Waaahh!" panggagaya ni Lincoln sa isang batang iyak nang iyak. Tumahimik naman ang batang ginagaya niya.

"Sorry po," paghingi ng pasensya ni Lolo sa mga magulang na natawa lang din. Muling tumakbo ang anak namin at umakyat sa may altar. Napakalikot na niya.

"Hi," bati sa'min ni Arvin at Damian na sabay pumasok dito. Kinawayan naman sila ni Shan. Inalalayan ko na si Shan sa pwesto namin sa harap ng simbahan bago siya tabihan.

"Ang likot-likot talaga," naiiling niyang puna sa bata.

"Oh, baka madapa ka," hawak ng pari kay Lincoln. Agad hinawakan ni Lolo ang kamay niya pero hinila niya lang 'yon. Sa halip ay kinuha niya ang kamay ng pari at nagmano.

"Bwess," tawa niya at saka pa lang sumama sa lolo niya pabalik sa pwesto, dahilan para magtawanan ang mga nagsisimba. Syempre, hindi rin kami makakaiwas sa mga mapanghusgang mata ng nakakatanda.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang misa. Gaganapin ang binyagan sa gitna ng misa. Nakinig kami sa sermon ng pari habang si Lincoln ay hindi na naman mapirmi. Umatras ako nang sumilip si Shan sa kabilang ibayo ng simbahan. Sinisilip niya si Lincoln na katabi ng mag-asawang may pabibinyagan rin.

"Bakit nandoon 'yon?" tanong sa'min ni Arvin. Nagkibit-balikat na lang kami ni Shan. Hindi namin alam, sobrang likot niya ngayon pakiramdam ko alas nueve pa lang gusto ko nang matulog sa pagod.

"Dada ko," pagpapakilala niya sa'kin doon sa mag-asawang tinabihan niya. Nginitian ko na lang sila.

"Napakadaldal, manang-mana sa ina," komento ko at tinaasan lang ako ni Shan ng isang kilay niya. Natawa na lang ako.

"Mga magulang, tayo na po at atin nang babautismuhan ang ating mga anak," anunsyo ng pari. Agad naman tinawag ni Shan ang anak naming agad nagpabuhat sa ina.

Kinuha ko kay Shan ang bata dahil halatang nahihirapan na siya sa pagkalong.

"Ang bigat mo na," bulong ko at agad na kumunot ang noo ng anak ko, dahilan para matawa ang katabi naming mag-asawa at ang pari na magbibinyag sa anak namin. Nailing na rin ako, sabi nila kamukha ko siya, pero baka nga totoo na kapag matagal-tagal mo nang nakakasama ang isang tao, nagkakapalit na kayo ng mukha.

"This is our faith. This is the faith of the Church. We are proud to profess it, in Christ Jesus our Lord."

"Amen," sabay-sabay naming sagot at agad naman akong nilingon ng anak ko.

"Is it your will that Sean Lincoln-"

"Po?" sagot ng anak namin nang marinig niya ang pangalan niya. Mariin ko na lang itinikom ang bibig ko at nilagay ang palad ko sa pagmumukha ng anak ko sa hiya. Maging ang pari ay bahagyang natatawa sa ginawa ng anak ko.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon