22

63 2 0
                                    


Nakapaligo na ang mag-ama kong abala ngayon kumain ng cookies dito sa sala habang pinag-uusapan naman namin ang magiging binyag ni Lincoln dalawang buwan mula ngayon.

"Try it, it's good," putol ni Lionel ng biscuit at sinubuan muli si Lincoln. "Isa pa?"

"Hey, baka mabilaukan 'yan, painumin mo muna," sita ko kay Lionel, siya namang pag-ubo ni Lincoln, mukhang nabilaukan na nga. Agad nagkagulo sa sala pero kalmado lang si Damian na kinuha ang bata na hinagod ang likod.

"Malinis kamay mo?" tanong ni Damian kay Lionel na nagpapanic na naman. "Sungkitin mo," pilit niyang buka sa bibig ng anak ko.

"Anong susungkitin ko?!"

"'Yong biscuit, ano pa ba? Bilis, may ngipin na 'tong anak mo, alam mo ba kung gaano siya kasakit mangagat? Try mo next time. Shan, pahagod ng likod."

Agad akong sumunod sa utos ni Damian. Malalim akong bumuntong-hininga. Kung may isa man akong natutunan sa pagiging doktor ni Damian sa pamilya namin, 'yon ay ang hindi ako magpanic basta-basta.

Agad na sumuka ang anak namin nang matanggal ni Lionel ang biscuit. Pumalahaw na naman agad ng iyak si Lincoln.

"It's okay na," yakap ko sa bata at tinapik ang likod niya. Nanatili ang atensyon ko sa bata na hindi ko na napansin pa si Lionel na tahimik na nakatayo. Nakayuko siya.

"Okay lang 'yan bro," tapik ni Damian sa balikat ni Lionel na para bang walang lakas. "Nangyayari talaga 'yan sa mga tatay. First time dad ka pa naman kaya hindi mo pa alam."

"Padedehin mo muna, Shan," utos ni Damian sa'kin. Agad akong umupo sa sofa para padedehin si Lincoln. Saka ko lang napansin na hinarangan kami ni Lionel. Tahimik pa rin siyang nakayuko habang nakaluhod sa harap ko.

"Lionel?" tawag ko sa lalaki. Natahimik ang paligid nang hindi siya sumagot. Inangat ko ang mukha niya pero umiwas siya sa kamay ko. Yumuko lang siya ulit. Basa ang daliri ko. Umiiyak ba siya?

"Lionel."

"Galit ka ba? Galit ka ba sa'kin?" bulong niya.

"No, hindi ako galit. Bakit ako magagalit sa'yo?" taranta kong hawak sa baba niya para iangat ang mukha niya. Tinakpan na lang niya ang mukha niya gamit ang palad niya bago yumuko sa hita ko.

"I'm sorry."

"Lionel, hindi ako nagagalit sa'yo," aniko. Tiningnan ko nang masama si Damian at Arvin na nagpipigil ng tawa.

"Bro, promise hindi kami natatawa," biro pa ni Arvin. Napairap na lang ako. Agad na tumayo si Lionel at nagpahid ng luha, parang batang nakanguso.

"Lionel," hawak ko sa kamay niya. Tumingin lang siya nang masama sa'kin kaya napalunok ako. Natahimik ang paligid at nagsipag-iwas sila ng paningin sa'kin.

"Dada!" tawag ni Lincoln sa ama niya.

"Oh tawag ka, buhatin mo," utos ko at agad naman niyang kinuha ang bata. Umupo siya sa tabi ko.

"Dada," pahid ni Lincoln sa luha ng tatay niya na bahagyang nagulat. "Mako," aniya at yumakap nang mahigpit sa tatay niya. Napangiti na lang ako at hinaplos ang balikat ng ama niya.

"Dada... mako," lambing ng bata sa ama niya kaya naman niyakap niya ito nang mahigpit.

"Lincoln, Connie!" tawag ni Damian sa bata na agad kumaway sa kanya. "Kiss mo si Daddy dito," turo niya sa pisngi niya. "We also call that Mahal."

Tinitigan naman ng bata ang kanyang ama. Walang emosyon ito pero nilapit ni Lionel ang pisngi niya sa bata. Agad naman itong humalik sa pisngi ng ama na halos mapunit na ang mukha sa laki ng ngiti. Nakagat ko ang labi ko, napakasarap nilang pagmasdan.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon