33

64 3 0
                                    


| LIONEL |

"Huwag mong kinikwestyon ang desisyon ko, coach," malamig 'yon. "Sa product ka lang mas magaling sa'kin, pero wala kang alam sa pagiging magulang ko. Let me clear things out to you. I don't care about how all of you feel. Wala akong pake kung malungkot kayo dahil hindi ninyo ako laging nakakasama. Your opinion is irrelevant because you're not a parent. And if you are a parent, then how unlucky your child is because you're irresponsible."

"Ang sakit mo naman magsalita. Pwede kitang papelan dahil sa sinabi mo. Baka wala ka nang balikan na trabaho," banta ng TL niya. Ipinasa ko si Lincoln kay Nanay Selya na kinumpirmang papunta na si Damian sa mansyon.

"Go ahead! I don't care. COO ang tatay ng anak ko ng Ignacio Group of Companies, hindi ko kailangang tiisin 'yang ugali mo para sa katiting na pera na mas malaki pa ang child support niya."

"Wow, wala ka man lang utang na loob sa coach na nagtiyaga sa'yo dahil wala kang experience sa trabaho mo. Ganyan ka ba sa lahat ng—"

Hindi ko na siya pinatapos pa at agad kong pinalapat ang palad ko sa mukha niya. Dahilan para mahulog siya sa pool.

"You don't get to talk to her like that," pameywang ko sa lalaking nasa tubig na hindi pa yata maabot ang sahig ng pool. "Don't question her motherhood, that's the number one rule for having an agent who is a mother. Ahente rin ako 20 years ago. You do not know what she went through para lang maipanganak ng maayos ang anak namin."

"Huwag kang nagmamalinis!" sigaw niya sa'kin. "Kailangan niyang manganak kasi binuntis mo siya!

"Which is my decision! Bakit ka ba nangingialam sa mga ginagawa ko sa buhay ko?" sabat ni Shaniya. "Lionel, tapos ka na ba makipag-away? Umalis na tayo, mas importante ang anak natin kaysa 'yang pride mo."

Natahimik ako sa sinabi niya pero tama siya. Tumango ako at pinaakyat na si Nanay Selya para mapalitan na ng damit si Lincoln.

"Maligo ka na, tatapusin ko lang 'to," baba ko sa pool at agad na hinawakan ang ulo ng TL niyang manyakis at inilubog siya.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa pangangatal. Nagmamaneho ako ngayon pauwi sa mansyon at hindi pa ako nakakaligo. Sinuotan lang ako ni Shaniya ng tuyong T-shirt bago sumakay sa kotse.

"Sabi ko naman sa'yo, tapusin mo na 'yon agad para hindi tayo nagagahol. Hindi ka tuloy nakaligo," sermon ni Shaniya sa'kin, nasa labas ang paningin niya. Nagpula ang stoplight kaya naman pinreno ko kaagad ang kotse. Hinipan ko ang mga kamay ko para mainitan ito. Agad naman kinuha ni Shan ang kamay ko. Mainit ang kamay niya.

"Does it help?"

"Yeah, ito ding isa," abot ko ng isa kong kamay. Napatingin kami pareho sa likod nang umiyak ang anak namin sa sama ng pakiramdam niya. Pinatatahan naman siya ni Nanay Selya.

"Sorry, mahal ko, Dada cannot drive faster," pahayag ko pero iyak lang siya nang iyak. Itinuro ni Shan ang stoplight kaya naman bumalik ako sa pagmamaneho.

"Sir Lionel," tawag sa'kin ni Nanay Selya. "Nandoon na daw si Damian. Naghihintay siya.

"Good," sinulyapan ko si Shaniya na halatang nag-aalala sa anak namin. Simula noong nagngipin si Lincoln, hindi na nagkasakit ang anak namin, alagang-alaga siya ng ina niya kaya naman naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon.

"Don't worry, Lincoln is a strong boy, nothing bad will happen to him as long as we're here," hawak ko sa kamay niya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"I guess," ilang niyang tawa. "Be honest with me. Do you also think I'm overreacting?"

"No," inis kong sagot nang maalala ang TL ni Shan. "He's our son. I watched you battle death noong nanganak ka. It's normal for you to feel that way. Isa pa, you've always wanted a child and you know I won't let you go over the same process again."

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon