48

58 4 0
                                    


| DAMIAN |

"Ano 'yan?" tanong ko sa kanya noon at agad niyang tinago ang laruan sa likod niya. Napangisi ako, natatandaan ko ang laruang 'yon. Kinuntsaba ko noon si Arvin na yayain si Lionel na mag-ice cream sa mall dahil nalaman ko kay Macy na papuntang baby store ang assistant ng tatay niya. Ang laruang hawak ni Lionel ang laruang nahulog ni Shan na si Lionel mismo ang pumulot. Hindi ko alam kung natunugan na niyang iyon ang laruang 'yon.

Tiningnan ko ang batang nasa loob ng nursery at binalik ang mata sa pinsan ko. Titig na titig siya sa batang kamukha niya at para bang hindi makapaniwala na isang bata ang niluwal ng kaibigan niya.

"He's small," aniya na parang wala siyang kasama. Idinikit niya ang palad niya sa salamin na para bang pilit na inaabot ang bata. "Parang ang laki-laki niya kanina noong pinapanganak siya ng nanay niya. Eww," nandidiri niyang iling. Mukhang naalala niya kung paano inilabas ni Shan ang bata.

"But he's cute, he looks like you," komento ko dahil 'yon ang nakikita ko.

"Yeah, he does look cute," matamis na ngiti niya. Noong mga oras na 'yon, alam ko na. Pinanganak si Lincoln para baguhin ang ama niya. Mukhang hindi lang kami ni Arvin ang gusto sumaya si Lionel dahil para bang nagpantay ang mga bituin at pinagkrus ang landas ng dalawang taong nakatakdang baguhin ang buhay ng isa't isa. Nagkakilala sila ni Shaniya sa tamang panahon.

"Sana mapahamak si Lincoln na kakailanganin ka ni Shaniya, like blood transfusion," sipa ko sa sahig nang maalala ko ang kontrata nila na tatawag lang si Shan kapag hindi naging successful ang pagkakaroon niya ng anak.

"Gago ka ba?" siko sa dibdib ko ni Lionel. Napahawak ako sa dibdib ko. Pwede namang sigawan na lang ako, bakit siko pa? "Bakit mo hihilingin 'yon para sa inaanak mo? Anak ko 'yon. Kahit wala siya sa tabi ko, sa puder ko, anak ko 'yon, dugo't laman ko 'yon."

"Akala mo ba hindi ko alam na balak mong gawing tagapagmana 'yong magiging anak ko!" tulak ko sa kanya. "Sinabi sa'kin ni Shan noon, wala kang pake sa mararamdaman niya dahil hindi mo naman siya anak at hindi mo siya mahal. Nasa itlog ko pa nga lang siya, planado mo na 'yong masalimuot niyang buhay? How dare you?!"

"Ang pangit mo, ayusin mo 'yang mukha mo," siko niya sa mukha ko. "Buhay pa rin anak mo kahit masalimuot ang kabataan niya, 'yong anak ko, ang hiling mo kapahamakan," reklamo niya. "Because that's your contract," aniko at natigilan siya. "Hindi mo ba natandaan? The only time she will contact you is if something happened to her son, na ginawa niya unang beses noong manganganak na siya."

"Kahit na," iling niya. "Kung ganoon lang ang paraan para makita ko sila, then huwag na lang. Mas gugustuhin kong ako 'yong nagtitiis kaysa anak ko, kaysa si Shan. Para namang hindi mo kilala si Shan kapag nagkakasakit si Lincoln. Ayoko siyang mag-alala sa anak namin. Huwag na lang silang magpakita sa'kin basta malusog ang anak ko. 'Yon na lang ang panalangin ko sa Diyos kung totoo man Siya."

"Huwag ka kasing ganyan," bulong ko at yumuko. "Huwag mo kasi kaming pinag-aalala. Hindi na namin malaman kung anong iniisip mo, kung nasa katinuan ka pa ba? Kung nasa katinuan ka pa ba? Sumusuko ka na ba dahil magpapakamatay ka na ba o sumusuko ka na at gusto mo lang magpahinga o alam mo lang kung kailan ka dapat sumuko na. Alam naming mahal mo ang mag-ina mo... pero mahal ka rin namin... Kuya," pagsuko ko.

Nilingon ko ang lalaking tahimik na nakatitig sa'kin. Malalim akong huminga bago napahilamos.

"Ang hirap hanapin ng taong ayaw magpahanap," inis kong komento. Naiinis na rin ako. Napapagod na rin ako maghanap. "What if sa maling lugar na pala tayo naghahanap? What if wala na pala tayong hinahanap?" may takot na tanong ko sa pinsan ko. Napansin ko ang biglang pagkislap ng mata niya. Naisip niya rin 'yon.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon