15

60 2 0
                                    


| LIONEL |

"Promise, makakahanap rin agad ako ng trabaho. Kung okay lang sa'yo, manghihiram sana ako ng pera, ayokong gastusin 'yong savings ko para sa education ni Lincoln," aniya, nasa labas ng bintana ang mga mata. She submitted her resignation, mukhang hindi pa alam ni Mr. Cruz ang nangyari.

"It's okay. You can pay me back when you have enough," sagot ko. Napabuntong-hininga na lang ako bago ibinalik ang paningin sa rearview mirror. Tulog na tulog ang anak ko sa braso ni Nanay Selya. Bahagya akong napangiti.

Muli kong sinulyapan ang ina ng anak ko. Alam kong magkakilala sila. Sabi niya naikwento naman niya kay Macy na nagpa-IUI lang naman siya kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang magkasamaan ng loob. Una sa lahat, wala naman kaming relasyon so I don't think I cheated. Wala kaming relasyon ni Shan, we're purely friends na gusto maging mabuting magulang sa anak namin.

"Lionel, can I ask you something?" lingon niya sa'kin. Agad akong tumango. "Why? Why did you help me?"

Pumreno ako nang magpula ang ilaw ng stoplight. Ibinaling ko ang paningin ko sa kanya. Iniisip ko rin 'yan noon, bakit gusto ko siyang tulungan? Ibinalik ko ang paningin ko sa daan at piniling hindi sagutin ang tanong niya. Wala akong alam na isasagot. Hindi ko rin alam, o baka hindi ko na matandaan dahil bukod sa mag-iisang taon na 'yon ay lasing pa 'ko noon.

"Pakiramdam ko, ang selfish kong tao," aniya. Hindi ako sumagot. "I know that she likes Lionel Ignacio, pero si Lionel Ignacio pa rin ang pinili kong maging ama ng anak ko. How selfish."

"Huwag mong sisihin ang sarili mo."

"I could've stop this," aniya, sinulyapan ko siya. "I could've stop this if I chose a different guy. Kung hindi ikaw ang pinili ko."

"Magiging ganito ba kung si Arvin ang pinili kong maging sperm donor," bulong niya. Mabilis niyang pinahid ang luha niya. Hindi ako nagsalita. Hinigpitan ko ang hawak ko sa manibela.

Kung si Arvin ang pinili niya, will I be happy like this? Aaminin ko, hindi ko alam na magiging ganito ako kasaya sa pagdating ng anak ko sa buhay ko. Kung alam ko lang na ganito pala ang pakiramdam na may anak ka, sana simula pa lang sinamahan ko na si Shan, naalagaan ko sana si Shan habang nagdadalang-tao siya. Nanginginig man ang kamay ko ay hinawakan ko ang kamay niya. Gulat siyang napatingin sa'kin.

"Thank you for choosing me. Thank you for giving me a son," pisil ko daliri niya. "Hindi ko alam ang sasabihin ko para mapagaan ang nararamdaman mo. I just want you to stay with me, with our son. Huwag mo nang isipin ang ibang tao. Focus on us. Ang mahalaga... masaya tayo. Kumpleto ang pamilya natin."

A selfish request I have.

Matapos kong ihatid ang mag-ina ko sa bahay ko sa Tagaytay ay dalawang buwan akong hindi nakabisita. Naging abala ako sa trabaho ko, sa pagsalo ko sa mga galit ng Lolo ko.

"Nakikinig ka ba sa'kin?" tanong ng Lolo ko.

"Nakikinig po ako."

"Why are you so distracted? Hindi ka naman ganyan noon. Nagsimula 'yan noong may natanggap kang tawag noong conference."

Napalunok ako ng laway. Nami-miss ko na ang anak ko. Simula nang maipanganak siya, nakakatulog na 'ko nang maayos. Hindi ko na napapanaginipan ang tatay ko. Pero nitong nakaraang mga linggo, hindi na naman ako makatulog. Nami-miss ko na siya.

"Lionel."

"Pwedeng lumabas muna kayo, may pag-uusapan lang kami ng Lolo ko," utos ko sa ibang mga tao dito. Ilang sandali pa at naubos na ang mga tao. Ibinalik ko ang paningin ko sa lolo ko na masama ang tingin sa'kin.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon