18

62 2 0
                                    


"Tahan na, baby," natatarantang pagpapatahan ng mga katulong dito sa bahay habang ako naman ay hindi mapakaling tinatawagan si Damian, hindi siya sumasagot! Kanina pang tanghali iyak nang iyak si Lincoln, hindi ko alam ang nangyayari. Hindi ko naaalalang naging ganito kalala ang pag-iyak ng mga kapatid ko noon. Ayaw niya ring dumede o matulog. Tapos may rashes pa siya sa paligid ng bibig niya.

Napatingin ako sa anak ko na basang-basa na ng luha ang at pawis na para bang nagmamakaawa sa'kin. Nakagat ko ang labi ko, naiiyak na rin ako. Mabilis kong pinahid ang luha ko at binuhat ang anak kong hindi pa rin matigil sa pag-iyak.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, may event sa mansyon kaya naman wala si Lionel at si Nanay Selya. Hindi pa napapakilala si Lincoln sa pamilya kaya naman hindi pa kami makakasama, at wala rin akong balak sumama dahil nandoon si Macy at ang tatay niya. Nakagat ko na lang ang kuko ko at naiyak na rin.

"Hello? Sorry hindi ko nasagot, may procedure kasi ako," sagot ni Damian sa kabilang linya.

"Damian," tuluyan ko nang hagulhol.

"Shaniya?" tanong niya. "Shan, bakit ka umiiyak? Si Lincoln ba 'yong umiiyak din?"

"Hindi ko na alam ang gagawin ko," iyak ko. "Wala si Lionel, wala rin si Nanay Selya."

"Wait, calm down. Kalma, hindi kita maintindihan. Inhale, exhale," utos niya na ginawa ko. Bahagya akong kumalma. "Anong nangyari?"

Suminghot muna ako bago ako nagsalita, bahagya kong sinayaw ang anak kong iyak nang iyak. Ipapasa ko na sana siya sa katulong nang magwala siya kaya naman hinayaan ko na lang siyang umiyak habang buhat ko.

"He's been very irritated these past days, which is quite normal kasi may mga ganoon naman siyang moment in the past. But iba ngayon eh," hikbi ko.

"Why? What's different today?"

"This is the first time he started crying nonstop that he doesn't even want to drink milk. He doesn't want to sleep. He is also having diarrhea and rashes around his mouth."

"Okay, thank you. I'm coming over. Give me an hour. I'm not sure what is it pero kung may rubber ka diyan, o kahit ponkan, isubo mo muna sa kanya. Huwag mong babalatan 'yong ponkan. Just leave it as it is, okay."

"Okay, thank you," hikbi ko at bahagya naman siyang tumawa.

"Kalma, everything's going to be fine. See you later."

"Lincoln, say ah. Aaaahhh," ani Damian pero hindi siya pinapansin ng anak ko, abala siya sa ponkan na ginawa niyang bola. May kung ano siyang sinubo sa bibig ng bata na pilit na kinakagat ng bata. "Don't," natatawang iwas ni Damian sa bibig ng sanggol.

Natigil na rin sa pag-iyak ang anak ko nang bigyan namin siya ng ponkan na sinusubo niya kanina. Hindi ko alam kung anong nangyari, mugto na ang mata niya. Naaawa ako. Kung ano mang sakit niya, sana ako na lang ang nakaramdam.

"4 months na siya 'no," sulat ni Damian sa notebook niya. Agad akong umoo. Maya-maya ay naglabas siya ng ilang bote sa bag niya. Gamot.

"Lincoln, say ah," pisil ni Damian ng droplets. Tinitigan siya ng anak ko at agad itong umiling. Nilingon ako ni Damian. "Can you help?"

"Sure," sagot ko at agad na lumapit sa anak kong ginagawa nang bola ang ponkan. "Take your meds na, come here," pagbubuka ko ng bibig niya pero paulit-ulit siyang umiiwas hanggang sa umiyak na muli siya.

Makailang ulit nang natapon ang gamot sa damit niya. Ilang beses na rin niyang niluluwa ang gamot. Halos sabay na kami ni Damian na huminga nang malalim.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon