13

61 3 0
                                    


Iminulat ko ang mga mata ko. Agad na kinuha ko ang cellphone ko dahil kanina pa ito nag-iingay sa isang tawag. Si Charlotte.

"Hello," sagot ko.

"Hoy, kanina pa kita tinatawagan, hindi ka sumasagot."

"Sorry Charlotte, tulog ako. Bakit?" tanong ko. Halos mapadaing na ako sa sakit ng ibaba ko nang subukan kong umupo nang maayos.

"Merry Christmas! Sama ka sa'min, Batanes."

"I can't, sorry," mabilis kong sagot. Katatapos lang tahiin ang baba ko tapos magba-Batanes ako, parang hindi naman yata tama 'yon.

"Sus, lagi ka namang ganyan, 'di ka rin sumama noong Christmas party. Bakit ba? Anong palusot mo this time?"

"I'm at the hospital," simpleng sagot ko.

"Ha? Bakit? Anong nangyari? Wait nga, icha-chat ko ang mga baccla."

"I just gave birth," simpleng sagot ko. Natahimik ang nasa kabilang linya.

"Ano? Seryoso? Gago, wag ka ngang imbento, VC tayo."

Binuhay ko na ang camera ko at tumambad ang pagmumukha ko sa screen. Sobrang putla ko. Tiningnan ko ang kalendaryo sa cellphone ko. December 30 na ng alas kwatro. So ibig sabihin, December 29 ang birthday ng anak ko."

"Uy ok ka lang? Anong sakit mo?"

"Sabi ko naman sa'yo. I gave birth. Nanganak ako. May baby na lumabas sa'kin. Bakit ba ayaw mo maniwala?" tanong ko sa kanya.

"Paano ako maniniwala? The last time na nagkita tayo ay last year sa reunion, mga ganitong panahon din 'yon at wala kang boyfriend noon. Nasaan ang baby. Kung totoo?"

"Nasa newborn screening," hikab ko.

"Huwag mo nga akong niloloko. Pwede mo naman sabihin na ayaw mong sumama, ganoon lang kasimple. Hindi 'yong gawa-gawa ka ng kwento—"

Hindi ko na narinig pa ang sinasabi ni Charlotte dahil biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Si Lionel, kasama ang isang matandang babae.

"I'll call you back," patay ko sa tawag kay Charlotte na magrereklamo pa sana.

"Can we talk?" ani Lionel. Agad kumunot ang noo ko. Anong pag-uusapan naman namin. "About the child," sagot niya sa tanong ko na para bang nababasa niya ang iniisip ko. Umupo siya sa kama sa may gilid ko.

"How do you feel?" usisa niya sa'kin. Napakamalumanay ng boses niya. Ganito ba siya noon pa? Hindi ko maalala, siguro dahil hindi naman siya madalas magsalita. Kalimitan ako ang nagsasalita pero ngayon, siya 'tong madaming tanong.

"Masakit pa," pag-amin ko. "What do we need to talk about the child?"

"Uhm. What's your plan?" naiilang niyang tanong.

"I'll raise him alone. I cut ties with my family so I can't expect anything from them. Oo nga pala, pasensya ka na kung ikaw ang tinawagan ko. I can't think of anyone at that time."

"It's okay," hawak niya sa kamay ko. "I'm glad that I was the one you called," kagat niya ng pang-ibaba niyang labi. Napalunok ako ng laway ko. Natahimik kami pareho.

"Are you here to verify kung hindi pa rin kita ipapakilala sa anak ko? No worries, I told you, it's just one time help, pasensya ka na talaga," paliwanag ko pero hindi siya sumagot. Mas tumagal ang katahimikan.

"May gusto ka bang sabihin? Say it," utos ko sa kanya. Lumunok muna siya ng laway at umubo bago nagsalita.

"This is Manang Selya—" turo niya sa matandang babaeng kasama niya sa pagpasok dito. "-she was my nanny, she's here so she can take care of you and the child properly."

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon