08

62 2 1
                                    


"Shaniya, ako na niyan," tulong sa'kin ni Macy na magdala ng laptop sa office.

"I'm fine, magaan lang naman 'to."

"Nope, baka kung mapano kayo," bulong niya sa huling salita. Natawa na lang rin ako at sumunod na sa paglalakad. Masasabi kong mas naging malapit kaming dalawa sa isa't isa ni Macy, kaya naman lalo akong nakokonsensya sa ginawa ko.

"Binabasa mo ba 'yong mga librong pinadala ko sa apartment mo?" tanong niya sa'kin nang maibaba niya ang laptop sa mesa ko. Agad akong tumango. Binabasa ko naman ang mga libro, patago nga lang dahil sa bahay ko pa rin nakatira sina Ate Shiela.

"Ang liit ng tiyan mo, in fairness. Hindi ka mukhang buntis," puna niya at hinawakan ang tiyan ko.

"Hindi ko nga rin alam e," sagot ko at nagsimulang kumain ng dala kong manggang hilaw. Agad napangiwi si Macy.

"Nakikita ko pa lang, naaasiman na 'ko, paano mo nakakain 'yan?" aniya. Pabiro kong inilapit sa mukha niya ang mangga at agad naman siyang napatili. "Sure ka ba na okay lang siya? Ang liit kasi for 4 months."

"Okay naman daw siya sabi ng OB, healthy daw siya. Huwag ka mag-alala Ninang Macy," ngiti ko sa kanya at mas lumaki naman ang ngiti sa labi niya.

"Are you eating healthy foods? Huwag ka masyadong mag-fastfood, huwag rin ang processed. Do you exercise?"

"Oo nga, ginagawa ko 'yon lahat," ngiti ko sa kanya.

"Good. E kailan mo sasabihin sa pamilya mo na buntis ka?" tanong niya. Agad napawi ang ngiti ko. Tumingin na lang ako sa labas ng opisina. "Sooner or later, malalaman din nila. You have to tell it to them sooner so they'll be careful around you. Baka iniistress ka nila, makakasama sa inyo 'yan ng baby mo. Kailangan na rin nila magsimulang tumayo sa sarili nilang mga paa kasi may anak ka nang dapat suportahan dahil wala naman siyang tatay na tutulong sa'yo. You need your own personal space na. Do you want me to help you tell them?"

"It's okay," ngiti ko kay Macy. "I'll take care of it sooner. There's one thing I need help with."

"Sure, what is it?"

"Can you help me find a place where I can move? Hindi kasi pwede ang below 1 year old sa apartment ko. Kahit around the area lang para mas madali para sa'kin ang makapasok."

"No problem!"

"Pasensya ka na ah, alam ko kasing ikaw ang maaasahan ko sa ganitong mga bagay."

"Ano ka ba, wala 'yon. May budget ka ba?"

"10k to 15k will do for me. I don't need anything spacious naman or luxurious. Just the basics for a mom and one child. Maybe two bedrooms. Kung apartment man 'yan, sana may elevator. Okay lang din naman kung 1 floor lang."

"Noted."

• • •

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Pagpasok ko pa lang sa bahay, daig ko pa ang nasa gyera sa sobrang ingay ng mga tao dito. Nagkalat ang mga laruan ng mga pamangkin ko na kung hindi ka titingin sa dinadaanan mo ay mapapasigaw ka na lang sa sakit kapag naapakan mo ang mga turnilyo at lego pieces na nagkalat.

"Oh nandito na pala ang ating financer," kaway ni Mama sa'kin, nandito rin si Papa at ilang mga kaibigan nila. "Anak, pahiram naman ng ATM card mo, mag-withdraw lang kami ng pang-inom namin."

"Ma, bakit naman dito pa kayo nag-inom?"

"Okay lang 'yan, malawak naman ang apartment mo."

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon