39

51 1 0
                                    


"Happy birthday, Lincoln!" bati ng mga tao sa anak kong tuwang-tuwang nakikipag-usap sa ama niya.

"Anong sasabihin mo?" tanong ni Lionel.

"Mamat!" sigaw ng bata sa mikropono na umani ng tawanan sa venue. Agad akong pumalakpak at sinundan 'yon ng masigabong palakpakan mula sa ibang mga tao dito.

"Taga-saang pamilya kaya ang napangasawa ni Lionel? Napakaswerte naman nila," narinig kong bulungan ng mga tao. Agad akong napayuko, the family I came from is a family that I cannot be proud of. Pakiramdam ko, pati si Lionel mahuhusgahan ng mga tao kapag nalaman nila ang pamilyang pinaggalingan ko.

"He sure changed a lot," komento ng isang matandang babae kay Lionel na sinasayaw ang anak namin. "Look at him smiling at his kid. Children in these kinds of events are banned for as long as I remember."

"Anak niya ba talaga 'yan? Baka naman nagkataon lang na kamukha niya."

"Ewan, only Lionel can confirm it."

"Shan," tawag ni Lolo sa atensyon ko at agad ko siyang nilingon. "Huwag mo silang pansinin. Ang mahalaga, masaya kayo ng apo ko."

Isang tango lang ang sinagot ko at muling ibinalik ang paningin sa mag-ama kong nakababa na sa stage, kausap ang ilang matataas na tao dito sa bansa na naimbitahan sa pagsasalong ito.

Bakit nga kaya hindi ako pinanganak sa magandang pamilya? Taas-noo siguro ako sa tabi niya. Hindi siguro ako matatakot na magsabi sa kanya ng tunay kong nararamdaman. I feel intimidated, mas maganda siguro kung sila na lang ni Macy ang nagkatuluyan.

"Shan," muling tawag sa'kin ni Lolo. Hindi ko siya sinagot ngayon at yumuko na lang. Napatingin ako sa matanda nang hawakan niya ang kamay ko. "You're amazing. You're an amazing mother and wife."

"Paano ninyo naman po 'yan nasabi?" naiilang kong pag-iwas.

"Why? Hindi ba totoo? You're like a mom to two kids, si Lincoln at si Lionel. You think I wouldn't notice? Habang tumatagal tumitino ang apo ko."

"Lolo naman, parang ewan," pag-iwas ko ng paningin at muling pinanood ang mag-ama kong may kausap na matandang mag-asawa.

"You can call me grandma, I'm your Lolo's cousin," pakilala niya at agad na nangunot ang noo ng anak ko sa ama niya.

"Tatay. She's referring to Tatay," paliwanag ni Lionel sa bata na agad lumaki ang mata at ngumanga na kinatuwa ng marami.

"Gam-ma? Danda!" puri ni Lincoln sa matanda na umani ng tawanan sa table. "Old like Tatay... but danda."

"Thank you! You are a charmer! Grow up so well young man and don't go breaking hearts, okay?" kurot ng matandang babae sa ilong ng anak ko.

"No," iling niya. "Abi mama, don'turt girls. Cheat im popery."

"Treat them properly," pagtatama ni Lionel. "If not, what will happen?"

"Mama sad," aniya. "I don't want sad Mama."

"Really? She taught you that. Where's your mommy?" linga ng matandang babae. Nagpalinga-linga din ang anak ko at hinanap ako.

"Mama?" hanap niya sa'kin kaya naman tumayo ako sa pagkakaupo. "Mama!" turo niya sa'kin. Ramdam na ramdam ko ang titig sa'kin ng mga tao. Napalunok ako ng laway.

"Yes po Mahal ko, Mama's here," kaway ko. Agad na bumaba si Lincoln sa pagkakabuhat sa ama at tumakbo sa'kin.

"Mama. Mama ko, danda," hila niya sa'kin sa mag-asawa at pinakilala ako. "Mama, danda ni Gam-ma."

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon