30

58 2 0
                                    


Tatawa-tawa na lang kami ni Nanay Selyang nagkatinginan nang tumili si Lincoln. Kasama siya ng kabilang team na nagvivideoke. Nagsimula silang pumalakpak nang kumanta at sumayaw ulit si Lincoln ng alphabet. Nakisabay na rin kami sa palakpakan nila.

"Oy Shan, paano nga kayo nagkakilala ng tatay niya?" usisa ng isang babae dito na galing sa kabilang team.

"Kung binabalak mong gayahin huwag na," siko sa kanya ng isang lalaking ka-team niya.

"Bakit? Dahil maganda si Shan tapos pangit ako?" panlalaki niya ng mata. Naiiling akong uminom ng juice at tiningnan ang sinend na picture ni Lionel, tanghalian niya.

"Hindi. Mahirap 'yon, hindi ka basta-basta makakita ng lalaking papanagutan ka. Siraulo 'to. Nagkataon lang talaga na destiny sila," taas-baba niya ng kilay sa'kin dahilan para tumawa si Nanay Selya. "Oh tingnan mo, tumawa si Nanay!"

"Ewan ko sa'yo! Kung ano-anong sinasabi mo," natatawang bato ko sa kanya ng takip ng bote ng alak nila. Muli kong pinanood ang anak kong naka-diaper pa lang ay nakaakbay na sa mga matatanda.

"Sundan ninyo na, baka kalakihan niya na matatanda ang nasa paligid niya, hindi niya ma-enjoy ang pagiging bata niya," komento ng isa sa mga teammates ko nang mapansing nakatitig lang ako sa anak kong tuwang-tuwa makipaghalubilo sa mga taong matanda pa sa ina niya.

"Ayaw ni Sir," sagot ni Nanay Selya at tumingin sa'kin. Tipid akong napangiti bago yumuko. Tama na sa kanya si Lincoln, kasi magkaibigan lang naman kami.

"Bakit daw po? Ako nga gusto ko pang sundan ang anak ko kahit apat na sila. Mahal ko ang asawa ko e."

"May iba rin naman kasi tayo ng paraan ng pagmamahal," hawak ni Nanay Selya kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Matamis ang ngiti niya sa'kin. "Ayaw na ni Sir Lionel na sundan pa si Lincoln dahil ayaw na niyang dumaan pa sa parehas na proseso si Ma'am Shan."

Ibinalik ni Nanay Selya ang paningin niya sa mga nakikinig sa kanya, lalo na ng mga kababaihan dito na magulang na rin katulad ko.

"Napanood niyang mag-labor at mag-agaw-buhay sa panganganak si Ma'am Shan. Ayaw na niyang ulitin 'yon. Napaka-traumatizing daw. Napanood niya lumaki ang anak niya at ang lahat ng hirap na meron si Ma'am Shan sa pagiging magulang. Ang bawat puyat, ang bawat madaling araw na kailangan niyang bumangon para padedehin si Lincoln. Ayaw na niyang maranasan ni Ma'am Shan ang mga 'yon. Kung gusto man nilang magkaanak ulit, sa palagay ko ay mag-aampon na lang sila. Mahal ni Sir Lionel si Ma'am Shan sa ganoong paraan. Ayaw niyang masaktan ulit si Ma'am Shan."

Umani ng tilian sa mga babae ang kwento ni Nanay Selya. She put it in a way na mahal ako ni Lionel, kahit na ang totoo ay na-trauma lang si Lionel sa idea at ayaw niyang isugal ang buhay ko dahil gusto niyang ako ang kasama ng anak namin na lumaki.

"The standard! Ang taas, hindi ko maabot!"

"Hihingi agad ako ng tawad sa asawa ko pag-uwi natin," inom ng isang teammate namin. "Tapos itatapon ko na 'yong mga anak naming nagpapasakit sa ulo ng Mama nila," pagdadrama niya dahilan para magtawanan kaming lahat.

Napaigtad ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone sa kamay ko. Si Lionel, gusto makipag video call. Agad ko itong sinagot. Bumungad sa harap ko ang mukha ni Lionel, may makapal na siyang bigote.

"Sorry, hindi pa 'ko nakapag-shave," nahihiya niyang kamot ng batok niya. Napatingin naman ako sa mga katrabaho kong pigil ang tili. Halos matawa ako nang sinubo ni Kuya Melchor ang plastik ng tsitsirya dahil sa kilig.

"It's okay. Si Lincoln, tingnan mo," tapat ko ng camera sa anak naming nakaakbay pa rin sa mga katrabaho ko habang kumakanta ng nursery rhymes. Nakipag-toast pa siya sa kanila ng bote ng dede niya. Malakas na humalakhak si Lionel sa kabilang linya.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon