20

63 2 0
                                    


"Prrrp," may panggigil na halik ni Lionel sa pisngi ni Lincoln nang paulit-ulit. Agad kaming natawa ni Lionel nang umirap ang anak namin sa kanya.

Nandito kami ngayon sa kwarto, isang buwan na ang nakakaraan mula nang malaman kong nagngingipin na siya, mas kita na ngayon ang ngipin niya.

"Ako, pa-try ako," lapit ko ng labi ko sa tiyan ng anak ko. "Prrrp," laro ko tiyan niya at agad naman siyang tumawa. Takang tumingin sa'kin si Lionel bago halikan ang tiyan ng anak ko at inulit ang ginagawa namin. Muling tumawa ang anak ko, bago nagdesisyong dumapa.

"Ayaw mo na?" tanong ko sa kanya at mabilis siyang umiling. Hinalikan ko ang pisngi niya. "Prrrp."

Muli, umirap na naman ang anak namin. Sa tuwa namin ni Lionel ay nagsalitan kami ng halik sa pisngi ni Lincoln, dahilan para tuluyan na siyang mabwisit at simulan kaming hampasin ng teething ring niya.

"Hey, I'll just answer this call," paalam niya sa'kin nang may tumawag sa kanya. Hinalikan niya ang noo ng anak namin bago siya lumabas.

"Uhmu," hawak ng anak ko sa dibdib ko.

"Oh, you want to eat?" tanong ko sa kanya at kinalong siya, inilabas ko na ang dibdib ko at agad naman niyang sinubo ito. Titig na titig lang siya sa'kin. Matamis ko siyang nginitian.

Simula nang magkangipin siya, naging mas mapili siya sa kinakain niya, ayaw na niyang dumede sa bote kaya ang lahat ng pinapump kong gatas, sa halip na masira ay ibinebenta ko na lang sa mga ina na hindi kayang mag-breastfeed. At least, habang wala pa 'kong trabahong nakikita, may pinagkakakitaan ako kahit paano. Nakakatulong na rin sa'kin 'yon para naman hindi nananakit ang dibdib ko kapag hindi umiinom ng gatas ang anak ko.

"Ah! Aray, aray, aray!" nanggigil na kagat ng sanggol sa dibdib ko. Hindi naman ito ang unang beses na kinagat ako ni Lincoln. Kahit noong wala pa siyang ngipin ay ginagawa niya rin 'to, mas masakit lang siguro ngayon dahil may ngipin na siya.

"Huwag kang mangagat, Mahal ko," nguso ko pero tinitigan lang ako ng anak ko at nagpatuloy siya sa pagdede niya. Nagtaka naman ako bigla dahil muli niya 'kong kinagat.

"Nangangagat ka na lang e, hindi ka naman na umiinom ng gatas," pag-aayos ko ng damit ko nang talikuran ako ng bata. Kinuha niya ang teething ring niya at 'yon ang sinubo. Sandali niya 'kong tinitigan bago muling lumapit para dumede. Nangunot ang noo ko. Ilang ulit siyang dumede sa'kin pero wala naman akong nararamdamang lumalabas sa'kin, saka lang ako nakaramdam na para bang nananakit ang kanang dibdib ko na laging dinededehan ni Lincoln.

"Anak, try mo nga dito sa kabila," labas ko ng dibdib ko. Para bang naintindihan ako ng anak ko ay agad siyang dumede. Humiwalay din siya at napangiwi. Pinisil ko ang dibdib ko, may lumalabas naman. Mukhang ayaw niya talaga sa kaliwang dibdib ko, kung alin pa ang may maraming gatas.

"Nay," tawag ko sa matanda pero hindi siya pumasok. "Nay, pwede pong patulong?" muli kong tawag ngunit sa halip na si Nanay Selya ang pumasok ay si Lionel ang pumasok.

"Umalis si Nanay, what help do you need?" tanong niya at umupo sa kama. Sinimulan niyang masahihin ang matatabang hita ng anak namin.

"Uhm, ano. Si Nanay na lang," nahihiya kong pahayag. Nangunot ang noo niya.

"Is it not urgent? Kung hindi naman, can you wait until she's home? Baka mamayang 9 nandito na 'yon," aniya.

"9? 9PM?" paniniguro ko at agad siyang tumango. Kaya ko pa ba? Alas diyes pa lang ng umaga, ibig sabihin, hanggang gabi hindi kakain si Lincoln? 'Yong sakit, matitiis ko pero ang hindi kumain ang anak ko, hindi.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon