EPILOGUE

115 4 0
                                    


| LINCOLN |

"Mr. Ignacio," kamay sa'kin ng pinakamayamang negosyante sa buong mundo. Agad kong kinuha ang kamay niya. Hindi ko alam kung anong meron at sa halip na ako ang lumapit sa kanya ay siya ang lumapit sa'kin para maging investor.

"Take a seat," alok ko sa upuan. "I still can't believe the fact na kayo ang lumapit sa'kin. I'm a bit flattered."

"Don't be. Sino ba ang hindi nakakakilala sa potensyal ng noon ay labing-dalawang taong gulang na si Lincoln Ignacio," pag-upo niya na agad namang nagpangiti sa'kin. "You are turning 24 this year, sa galing na meron ka, sigurado ako na mas marami ka nang alam ngayon kumpara noong 12 years old ka pa lang, o mas maganda sigurong sabihing, noong apat na taon ka pa lang."

"You're giving me too much compliment. Oo nga pala, ano pong gusto ninyo? I'll prepare the drink for you. My assistant is out until the noon so ako muna," pagtayo ko pero agad kaming napatingin nang malakas na bumukas ang pinto— si Lara, ang assistant ko. Iba na ang suot niya ngayon, iba rin ang aura na mayroon siya.

"Lara?" takang tanong namin ng investor.

"Kilala ninyo si Lara?" tanong ko sa lalaking nagtataka rin sa itinanong ko.

"Do you know her?" tanong niya.

"She's my assistant," sagot ko at binalik ang paningin sa dalagang nakalapit na sa'min. Muli akong umupo.

"Kinukuha ko na ang mana ko Dad," aniya sa matandang lalaki na madilim ang paningin. Si Lara, anak ng isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa mundo? She told me that she's a breadwinner from a poor family kaya naman naging magaan ang loob ko sa kanya. Breadwinner din ang ina ko noon.

"What are you doing? Umuwi ka sa bahay. Dadating ang anak ni Don Anselmo para pag-usapan ang kasal mo sa anak niya. Stop making a scandal in front of Mr. Ignacio."

"Dad, ilang beses ko ba sasabihin sa'yo? Hindi ako produkto na pwede mo lang i-barter kung kani-kaninong anak. Why not give me a chance, patutunayan ko sa'yo na kaya ko rin makipagsabayan kay Kuya."

"Lara, tama na. Umuwi ka na," malalim ang boses ng lalaki bago ako lingunin ulit. "Pasensya ka na Mr. Ignacio. I hope we can reschedule this meeting sooner."

"Of course," tipid kong ngiti sa matandang lalaki bago tumayo na sa upuan.

"Mr. Ignacio," hawak ni Lara sa braso ko. "I want to compete with my father to be your business partner. Will you give me a chance to present to you my proposal?"

"Can you leave us in the meantime?" ngiti ko sa matandang lalaki na agad namang lumabas. Muli kong nilingon ang babaeng nagsusumamo ang mga mata sa'kin.

"Lara," tanggal ko sa kamay niya sa braso ko. "That is a hard request to fulfill... after what you've done."

"I swear, hindi ka magsisisi sa proposal ko, just give me a chance. Ayokong makasal sa hindi ko naman gusto."

"It's not about your proposal, Ms. Lara, I know you have potential," aniko. "It's about your ethics. How can I trust you to be my business partner kung 'yong identity mo pa lang sinikreto mo na? You lied to us. You deceived the whole company. I cannot just trust the well-being of the company my great-grandfathers started to someone who casually lies about her life. Libo-libong pamilya ang umaasa sa'kin. Hindi ko pwedeng ipagsawalang-bahala 'yon."

"I'm sorry," bulong niya. Napatingala na lang ako at napahawak sa bewang ko bago ibalik ang paningin sa babaeng nagkukutkot ng kuko niya, bagay na ginagawa niya kapag natatakot siya. Malalim akong napabuntong-hininga. Ano bang gagawin ko dito?

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon