17

64 3 0
                                    


| LIONEL |

"Paano kapag nagkalat?" tanong ko sa sarili ko kaya naman nilabas ko kaagad ang cellphone ko. Naghanap ako ng video na nagtuturo kung paano magpalit ng diaper. Ipinatong ko ang cellphone sa ulunan ng bata.

"Argh, don't do that," bulong ko habang pilit na nilalayo ang cellphone ko mula sa kamay ng anak kong napakalikot. Ipinatong ko na lang ito sa pagitan ng hita ko. Sinimulan ko nang tanggalin ang sa wari ko ay tape sa gilid ng diaper niya.

"Eew," agad akong nagpaypay ng paligid ko dahil sa amoy ng dumi niya. "Ano bang kinakain mo, ba't kulay green?" nakangiwi kong tanong sa bata na mas naglikot pa. Hindi na yata ako iinom pa ng avocado smoothie.

"Huwag kang malikot," pagpapatigil ko sa hita niya. Nagtiim ang bagang ko, pilit na pinipigilan ang sarili sa paghinga habang ang bata ay tawa lang nang tawa at galaw nang galaw.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong bumuntong-hininga sa kalikutan ng batang ito. Ilang beses ko rin pinaalala sa sarili ko na anak ko siya.

"Kadiri," tapon ko ng baby wipes sa basurahan. Napalitan ko rin siya ng diaper at ang kulang na lang ay i-tape ito. Tila ba tumigil ang mundo ko nang muli siyang dumumi.

Masasapo ko na sana ang noo ko nang maalala kong hindi pa 'ko nakakapaghugas ng kamay at pinunasan ko lang ng wipes ang dumi ng batang dumikit sa kamay ko. I'll treat Shan nicely, I'll buy her anything she wants. She's so good at this, how?!

"Excuse me," nakangiting pagpapatabi sa'kin ni Shan at umupo sa sofa. Walang kahirap-hirap niyang pinunasan ulit ang puwitan ni Lincoln. Hindi man lang siya nadiri, nahiya tuloy ako.

"Good morning, Mahal ko," malambing niyang bati sa bata na tinitigan muna siya bago tumawa. "Aga-aga pinapahirapan mo si Daddy," tawa niya.

"I'm sorry, I didn't mean to wake you up," paghingi ko ng pasensya. Agad akong lumuhod at itinupi nang maayos ang gamit na diaper ng bata bago ito itinapon sa basurahan.

"It's okay. You're doing a great job," puri niya sa'kin. "You want to finish it?" alok niya sa'kin, ite-tape na lang naman ang diaper kaya ako na ang pumalit sa pwesto ni Shan.

"Mahal ko, behave," bilin niya sa bata na nakatitig lang sa kanya.

"Should I start calling him 'Mahal ko' as well? Baka makinig siya sa'kin," biro ko at tumawa naman si Shan.

"Be careful," bilin ni Shan. "Nagiging hose siya minsan."

"Hose?" kunot ko ng noo. Shan really say things that don't make any sense to me. Literal na bumagal ang mundo ko nang may kung anong bumasa sa mukha ko. Napatingin ako sa batang nakahiga sa sofa, kinikilig pa sa pag-ihi. Itinikom ko ang bibig ko. Pilit kong pinapaalala sa sarili ko na anak ko 'to. Tiningnan ko si Shan, tila ba ay naaawa sa'kin pero nagpipigil ng tawa.

"You can laugh," pagbibigay ko ng permiso sa kanya at agad naman siyang tumawa nang malakas. Natawa na rin ako nang nakitawa ang bata. "Wala akong sinabing tumawa ka rin," pagpapatuloy ko sa pagpapalit niya ng diaper.

"We're done!" pagtutupi ko ng diaper niya. Itinapon ko na ito sa basurahan. Agad siyang binuhat ni Shan bago siya tumawa muli.

"Thank you daw," pagtatranslate ni Shan at pinupog ng halik ang bata. Napangiti na lang din ako bago lumabas ng kwarto para maligo.

• • •

"Tell Lolo I can't come to the office. Bahala ka na magdahilan, may sakit ako or what not. Just move my meetings that are scheduled for today. Thank you."

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon