42

57 4 0
                                    


"Dada!" sigaw ni Lincoln at akmang tatakbo nang hawakan ko ang balikat niya. Nagtataka siyang lumingon sa'kin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko. Pasensya ka na, Anak.

"1 na 'ko Dada!" sigaw niya sa ama niyang nasa akin lang ang titig. Naglakas-loob akong lumapit sa kanya. Hinila ko mula sa leeg ko ang kwintas kung nasaan ang singsing na bigay niya sa'kin noong pasko. Agad kong inabot ito sa kamay niya.

"Keep it."

"Bakit pa?" tanong ko sa kanya at lumunok ng laway. Gusto ko siyang yakapin, magmakaawa muli, pero masyado nang nakakababa 'yon.

"Ayaw mo na, Lionel," iling ko. "Kalakip ng singsing na 'yan ang pangako mo sa'kin na hindi ka aalis sa tabi namin ng anak ko... ano man ang mangyari," piyok ko. "So bakit ko itatabi 'yan kung ayaw mo na?"

"Shan..." hawak niya sa kamay ko na agad kong binawi. Umiwas siya ng tingin sa'kin. "Kumain muna kayo. I don't want us to end this way."

Pilit kong pinipigilan ang sarili na umiyak sa harap niya.

"I want us to end in good terms, katulad noon after the procedu—"

Malakas ko siyang sinampal at hindi na pinigilan ang sarili ko na maiyak, hindi naman ganoon kasimple 'yon! Hindi katulad noon, hindi siya kilala ng anak namin, hindi niya kilala si Lincoln, at wala akong nararamdaman sa kanya. We were strangers.

Hindi siya nagsalita, wala siyang kahit na anong emosyon. Napahilamos na lang ako.

"One more time, Lionel... gusto ko 'yong totoo," hagulhol ko at muling lumuhod sa harap niya. "Ano ba talagang gusto mo? Ano bang gusto mo para sa'tin... sa'tin ng pamilya natin. Huwag mong isipin 'yong iba... Isipin mo 'yong atin."

"I'm sorry," malungkot niyang pahayag. "Hindi ko sinasadyang guluhin ang buhay mo. Hindi ko talaga kaya Shaniya. I can't stay with you. Akala ko rin mahal kita... akala ko rin kaya ko maging ama sa anak mo. I'm sorry."

Mariin kong pinikit ang mga mata ko bago tumayo. Tinalikuran ko siya pero agad niyang kinuha ang braso ko.

"Shan—"

"I hate you," nanggigigil na bulong ko na nagpabitaw sa kanya. "I hate you, Lionel. Sana hindi ka na lang nagpakilala sa kanya kung gaganituhin mo rin lang siya."

Agad kong pinahid ang luha kong patuloy na umaagos at tinalikuran ang lalaki. Malungkot na nakatingin sa'kin si Damian at Arvin na nilalaro ng anak kong inosente sa mga nangyayari.

"Shan," iling ni Macy sa'kin. Tumingin ako sa kisame. Ginawa ko na lahat. Ginawa ko na lahat para kay Lincoln, para sa'kin. Kung ayaw na niya, wala akong magagawa. Kasalanan mo 'to Shaniya. Hindi ka dapat nahulog kay Lionel. Hindi sana masakit ngayon.

Dumating nawa ang panahon na mapatawad ako ng anak ko sa nagawa kong panggugulo sa buhay niya. Gusto ko lang magkaroon ng anak. I just wanted to come home to someone. I was greedy. Dapat nakuntento na 'ko sa kanya.

"Dada! Hindi ka sama?" takbo ni Lincoln palapit sa ama. Agad umupo si Lionel para yakapin ang bata pero agad kong binuhat si Lincoln palayo sa kanya.

"Mama?" nagtatakang tanong niya sa'kin. "'Di pa ko ababay kay Dada."

"He doesn't need it," pilit kong ngiti.

"I-mahal ko muna si Dada," nguso niya.

"He doesn't need it too, and please... don't call him Dada anymore. Stop looking for Dada," pigil ko sa luha ko.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon