45

56 1 0
                                    

| LIONEL |

"Sigurado ka na ba na gusto mo nang ibenta ang bahay?"

Ibinalik ko ang paningin ko sa Lolo ko na nakatingin sa malaking litrato sa sala ng bahay na 'to. Litrato namin nina Shaniya noong binyag ni Lincoln. Malungkot akong napangiti at hinaplos ang frame ng litrato.

"Wala naman nang gagamit, sayang lang."

"Ako. Titira ako dito," upo ni Lolo sa sofa at sumandal. Umismid ako kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.

"Dapat sa mansyon ka lang. Mahirap kung sa malayo ka pa titira, hindi kita maaasikaso, matanda ka na."

Napahalakhak na lang ako nang hampasin niya ako ng tungkod niya. Natigil din 'yon nang tumayo siya. Nagpaalam na siya na uuwi na siya. Naiwan ako sa bahay para pamahalaan ang pag-aalis ng gamit.

"Saan po namin 'to ilalagay?" tanong ng lalaki sa larawan na tinanggal niya.

"Diyan mo na lang muna sa gilid," nguso ko sa sahig bago tumungo sa kwarto kung saan noon nanunuluyan si Shan. Pagpasok ko pa lang ay sinalubong na agad ako ng alaala ng mag-ina ko. Agad kong pinahid ang luha ko at dumiretso sa kama at nahiga. Agad rin akong napatayo nang may mahigaan akong kung anong bagay sa ilalim ng kumot, pacifier.

"Kumusta ka na? Masaya ka ba ngayon, Mahal ko?" kausap ko sa naiwang gamit ng anak ko at hinalikan ito. "Okay ba kayo ng Mama mo?"

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto, wala akong pinabago dito. Kung ano ang hitsura nang umalis sila, ito pa rin 'yon. Kaya ko na nga ba? Kaya ko na nga ba bitawan ang alaala ng mag-ina ko.

Tumayo ako at umupo sa sofa kung saan ko unang beses na pinalitan ng diaper si Lincoln. Nakapatong dito ang photo album na niregalo sa'kin ni Shaniya sa'kin noong una at huling pasko naming magkasama.

Agad kong pinahid ang luha ko na tumulo sa picture ni Lincoln na pinapaliguan ni Shan sa planggana.

"Apo, oo nga pala—"

Agad kong pinahid ang luha ko nang pumasok ang Lolo ko sa kwarto. Umupo ako nang maayos at nginitian ang matanda.

"Ano po 'yon?" tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko. Binuklat niya rin ang photo album.

"Hindi mo naman kailangang ibenta ang bahay. Hindi lang basta bahay 'to para sa'yo. Buong alaala ng mag-ina mo nandito."

"Ikakasal na kami ni Macy, Lolo," tipid kong ngiti sa matanda. "Halata namang ayaw na ni Shan magpakita sa'kin. Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga siya mahanap."

"Pasensya ka na. Kung alam ko lang kung nasaan sila, sasabihin ko kaagad sa'yo."

"Okay lang," ngiti ko. "Hindi mo kasalanan. Lahat 'to kasalanan ko."

Hindi rin nagtagal at umalis na si Lolo, naiwan ako sa kwarto. Kahit saang sulok ng kwartong 'to, naaalala ko silang dalawa.

"I'm sorry," bulong ko sa unan na dating ginagamit ni Shan. "Miss ko na kayo. I'm sorry. Ibibigay ko lahat para makita lang kayo. Hindi mo na 'ko kailangang tanggapin, gusto ko lang na makita na ayos na kayo," hikbi ko habang inaalala ang huling pagkikita namin.

"Tatay!" agad akong napatingin sa may pintuan nang marinig ko ang pagbati ng anak ko sa Lolo. Agad kong pinahid ang luha ko at niyakap ang tuhod ko. Nasaktan ko si Shaniya kagabi, hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko sa kanya. Hindi siya ang naiisip ko sa mga sinabi ko kagabi. Hindi siya ganoong klase ng tao, alam kong hindi gold-digger si Shaniya.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon