31

69 3 0
                                    


"Lionel!" hampas ko sa noo niya at agad naman siyang humalakhak. Hinawakan ko ang pulupulsuhan ko. "Ano ba? Siraulo ka. Pakyu."

Lalo naman lumakas ang tawa niya dahil sa pagmumura ko. Natawa na lang din ako at hinampas siya ng unan.

"Lionel, tumigil ka na nga," hampas ko sa braso niya. Natigilan agad ako dahil sa tigas ng braso niya.

"Hmmm," asar niya sa'kin kaya nahampas ko ang hita niya. Lalo siyang tumawa. Nagulat ako nang hilahin niya ang bewang ko dahilan para mapaupo ako sa isa niyang hita at mapahawak sa balikat niya. Napalunok ako nang tingalain niya 'ko.

Napatili naman ako nang pumulupot ang mga binti niya sa katawan ko at ihiga ako sa sahig na parang nire-wrestling.

"Lionel!" pilit kong hampas sa mukha niya. Tawa lang naman siya nang tawa. "Para kang gago."

"I've never heard you say those words again ever since he was born," dapa niya at nangalumbaba. Nakagat ko ang labi ko nang bahagya nang bumaba sa labi niya ang mata ko. Sinilip ko ang mga nag-iinumang sumusulyap-sulyap lang sa'min.

"No, ever since I found out that I'm pregnant with him. Baka kasi marinig niya, pero ngayon kasi, mahimbing ang tulog niya," turo ko sa anak naming katabi ni Nanay Selya.

Napatingin ako sa katabi kong hinahaplos ang tiyan ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng palad niyang tumatagos sa tela ng damit ko.

"Why?" tanong ko sa kanya at bumangon.

"Nothing, just weird na parang kahapon lang pinapanood kita iluwal 'yong bata. Ngayon, ang laki-laki na niya."

Nginitian ko siya, ang bilis nga ng panahon. Dati hindi ko makita ang sarili ko na magmahal ng isang tao, ngayon, masasabi kong sobrang lapit na niya sa puso ko. Nakagat ko ang labi ko, kahit ilang beses ko pa itanggi sa sarili ko, alam kong mahal ko na siya. Malungkot lang na hindi kami pareho ng nararamdaman.

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at kinuha sa kama ang jacket na pamalit niya.

"Magpalit ka na, oorder na lang tayo bukas ng underwear mo," ngiti ko sa kanya.

"Meron ako sa kotse na extra. Hindi ko lang dinala kasi baka mabasa ng ulan. Bihis na 'ko," pisil niya sa baba ko. Hindi naman nagtagal at lumabas siyang CR suot ang jacket ko, kagaya nga ng inantisipa ko, bitin sa kanya ang jogging pants ko. Agad kong iniwas ang paningin ko nang napunta sa pagitan ng hita niya ang mata ko. Medyo bakat.

Agad kong sinampal ang pisngi ko. Kung ano-ano na namang naiisip ko.

"Lincoln," tawag ni Nanay Selya sa batang biglang bumangon. Kinusot niya ang mga mata niya at agad na itinaas ang mga braso nang maaninag siguro ang ama. Mabilis na lumapit sa kanya si Lionel at binuhat siya. Hindi naman na nagsalita pa si Lincoln, parang pinili niya lang talagang matulog sa braso ng ama.

"Diyan ka na matulog sa kama, tabihan mo siya," ngiti ko kay Lionel at nagsimula akong maglatag ng foam dito sa baba. Kulang na rin kasi ang kama. "Sa sahig na lang kami ni Nanay Selya, okay lang naman sa'yo 'yon, Nay 'no? Kung ayaw mo, kayo ang magtabi ni Lionel," tawa ko.

"Ay oo naman, sa sahig na lang ako tapos doon ka kay Sir Lionel," upo ni Nanay Selya sa tabi ko.

"Ayoko nga," pagtanggi ko. "Nay, magslumber party tayo. Girl's night!" aniko sa matanda na agad naman tumawa. Napangiti ako lalo nang maalala kung paano niya 'ko suportahan at alagaan noong pagkapanganak ko. Dahil kay Nanay Selya, hindi ko naramdaman ang hirap na walang magulang na kasama sa pagpapalaki ng anak.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon