10

59 1 0
                                    


"Doc, kumusta na po ang baby ko?" tanong ko sa doktor na nag-asikaso sa'kin.

Pagkakita ko pa lang na may dugo sa underwear ko ay agad akong humingi ng tulong kina Mang Basilio, lalo pa 'kong nag-alala nang sumakit ang tiyan ko. Sabi nila delikado daw 'to sa second trimester, kalimitang nagkakaroon ng bleeding kapag nakipag-sex pero hindi ko naman 'yon ginawa. Mabuti na lang at malapit ang ospital kaya naisugod agad ako nina Mang Basilio.

"You have cervical erosion. For now, hindi mo kailangan mag-alala but you always have to watch yourself. It's not harmful to the child so there's no treatment needed. Kusa rin 'tong gagaling in 3-6 months after your child's birth. I'll just set up an expectation na maaaring mas mapaaga ang panganganak mo. January 12 ang due date mo, tama?" tanong niya at agad akong tumango.

"You can also expect that you might give birth as early as December. Makakatulong rin kung palagi kang may kasama na pwede kang alagaan. Huwag ka masyadong nagpapa-stress. 'Yon lang naman, maiwan na kita."

Awtomatikong lumapag ang palad ko sa tiyan ko. Nakagat ko na lang ang labi ko at naiyak.

"Sorry, anak. Pasensya ka na kung hindi ka maalagaan ni mama nang maayos," hikbi ko.

"Shan. Shaniya," narinig kong tawag ng isang pamilyar na boses. Natigilan siya nang makita akong umiiyak. Punong-puno nang pag-aalala ang mukha niya.

"Ate Shiela," hikbi ko at mabilis akong niyakap ng ate ko. Sa sobrang takot ko kanina ay agad akong napatawag sa kanya kahit wala akong planong makipag-usap pa sa kanila. "Natakot ako, akala ko kung ano na, akala ko mawawala na siya sa'kin."

"Anong sabi ng doktor?" tanong niya sa'kin at ikinwento ko naman ang sinabi ng doktor. "Wala ka naman na palang dapat ipag-alala e. Huwag ka mag-alala, mukha namang hindi ka iiwan ng anak mo kaagad."

"Alam ba nina Mama?" tanong ko. Umiling naman siya. Nakahinga ako nang maluwag.

"Hindi ko sinabi, sabi ko lang ay may pupuntahan akong kaibigan."

"Salamat, kumusta naman sila?" tanong ko sa kapatid kong pinagbabalat ako ng mansanas. Sandali niya 'kong tinitigan.

"Huwag na lang nating pag-usapan. Baka makasama sa'yo."

"Hindi 'yan maganda 'no," malungkot kong ngiti. "Hindi pa rin nila tanggap na magkakaroon na 'ko ng anak, tama?"

"Mahirap lang," sagot niya. "Kasi nag-aadjust pa ang lahat. Nasanay na may bigay ka kaagad e. Ngayon, pinaghihirapan na nilang lahat. Pero kakayanin naman, huwag kang mag-alala. Huwag ka nga pala munang magbubukas ng social media huh?" aniya. Nangunot naman agad ang noo ko sa tinuran niya.

"Pinag-uusapan ka kasi sa probinsiya na disgrasyada ka. Pero sabihin mo nga sa'kin, nasaan ang ama ng anak mo? Bakit hindi ka niya panagutan?" usisa niya. "Okay lang naman kung ayaw mong sabihin lahat, nag-aalala lang ako sa'yo dahil mag-isa ka. Kahit sabihin mong kaya mong mag-isa, na malakas ka, hindi mo maaalis sa'kin 'yon. Alam ko kung gaano kahirap magbuntis."

Napayuko ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya kung paano ako napunta sa ganitong desisyon. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

"Wala akong boyfriend. 'Yong tatay niya, nakilala ko sa isang bar. Hindi 'yong bar na puro party-party," mabilis kong pahayag nang mapansing nagbago ang timpla ng mukha niya. "Medyo high-end 'yong bar, bar na pinupuntahan ng mayayaman kalimitan."

"So mayaman ang tatay niya? Ba't hindi ka humingi ng suporta sa kanya, pakasalan ka. Sino ba 'yan, ipopost ko sa social media."

"Ate," pagpapakalma ko sa kanya. "Matagal ko nang gusto magkaanak, hindi ko lang magawa dahil sinusuportahan ko pa kayo nina Mama," aniko at natahimik naman siya. Umiwas siya ng tingin sa'kin, konsensya siguro?

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon