23

70 2 0
                                    


| LIONEL |

"Tagal mong hindi pumunta dito, may problema ka ba?" abot sa'kin ni Arvin ng alak. Nandito ako muli sa bar niya. Ayokong umuwi ng mansyon at ilang linggo na rin akong hindi umuuwi kay Shan, masyado akong abala sa kompanya ngayon.

"May tanong ako sa'yo. Ikaw ba ay wala pang nararamdamang malalim kay Baby Momma?" usisa niya. Nagpalinga-linga ako para masigurong ako ang kausap niya. Agad naman tumawa si Arvin.

"Hindi kita naiintindihan. And what you ask me is impossible."

"Alam mo kung anong problema sa'yo? Palagi mong binababa ang sarili mo," pagtabi sa'kin ni Arvin. "Palagi mong sinasabi na, 'hindi ko 'to deserve, hindi ko deserve maging masaya'. Dude, matagal na 'yon. At saka ibang-iba kayo ni Shan sa mga magulang mo. Anong kinakatakot mo?"

Hindi ko siya sinagot. Hindi naman ako natatakot. Kung meron man, masaya ako at kontento ako sa kung anong meron kami ng mag-ina ko. Pero hindi ko rin maitanggi na unti-unti na 'kong nalulunod kay Shan, nasasanay na 'ko sa kanya.

"May kausap ba 'ko?" tanong ni Arvin pero tinawanan ko lang siya. "Aminin mo na kasi. Hindi rin naman maiksi ang anim na buwan, sobra pa nga doon dahil ilang buwan rin nating kasama si Shaniya dito. Sino bang hindi mahuhulog kay Shaniya, ang bait niya kaya. Kung ayaw mo sa kanya, akin na lang," bulong niya kaya naman nilingon ko siya.

"Oh, huwag mo 'kong titigan nang masama. Anong feeling? Anong feeling na may nagtatangkang umangkin kay Shan. Sakit dito 'di ba," palo niya sa dibdib ko bago siya tumawa. "Nakakabwisit 'no, gusto mo 'kong sakalin?"

"Sira. Huwag mong ginaganon si Shan. She deserves the best," ngiti ko, because it's the truth.

"Hey bro!" sigaw ni Damian pagpasok. Agad silang nag-fist bump ni Arvin. "Anong meron?"

"Itong kaibigan natin, sawi," sagot ni Arvin. "Kausapin mo."

"Sawi? Eh 'di ba noong umalis tayo doon ay parang ayos naman sila?" upo ni Damian.

"Akala ko rin e," ani Arvin. Agad ko siyang binugahan ng usok, dahilan para maubo siya. Agad na tumawa si Damian.

"Imbento ka ng problema ko. Kung may problema man ako, si Lolo lang 'yon."

"Umamin ka nga. Wala ka talagang planong pakasalan si Shan? Sige ka, baka ako ang gumawa."

"Bahala ka," inis kong sagot kay Damian nang maalala ko ang nangyari sa anak namin dahil sa katangahan ko. Baka nga mas maalagaan niya pa si Shan at Lincoln.

Napatingin ako sa dalawang tahimik lang na nakatingin sa isa't isa.

"Nagalit siya sa'kin kanina, bakit sa'yo payag siya?" nguso ni Arvin.

"Bobo ka kasi," sagot naman ni Damian. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

"Hoy Arvin. Hindi ako nagalit sa'yo. It's just weird. At saka, I just want someone who will love my child and who can take care of him. 'Yon lang. At hindi ikaw 'yon, si Damian pa magpakasal kay Shan, pwede."

"Hindi bro, what I mean is, ikaw. Pakasalan kita, bro?" ani Damian at agad naman silang nagtawanan. Hindi ko talaga alam kung bakit kaibigan ko pa rin sila. Tumayo na ako at nag-iwan ng pera sa counter.

"Huy sandali, binibiro ka lang e," hila sa'kin ni Damian. "Ano bang nararamdaman mo. 'Yong totoo. Sabihin mo sa'min. Anong tingin mo kay Shan?"

"She's special," sagot ko. Natawa ako nang tampalin ni Arvin ang nguso ni Damian. "I mean, she understands me so much. She gave me a son, she basically changed my life for the better."

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon