Chapter 19 Dahil mahal ko siya(Mirko's POV)

32 3 0
                                    


"I'm no one's okay?!Didn't I made it clear sa simula palang?Walang nagmamay-ari sakin,walang pwedeng mag may-ari sakin.Kaya don't act as if sayo ako!I'm not a freaking toy na pinag-aagawan ng mga nakakainis na bata!" sabay alis ni Driana

"Hindi mo dapat sinabi yun Mirko!Look what happened!Naman! stop being immature kasi!Stop acting as if you're like the jealous boyfriend!" Galit na bulyaw sakin ni Yannie.

"immature?Immature ba ang tawag mo sa taong nagmamahal lang naman?!!" napatahimik si Yannie.

I know that I have no right to claim Driana as mine pero anong magagawa ko?nagseselos ako!

The mere thought na hindi niya ako kayang mahalin dahil unti-unti na siyang natututong magmahal ng ibang lalaki ay sadyang dinudurog ang puso ko.

Ang sakit sakit kasi matagal ko nang hinintay ito eh!Matagal ko na hinintay yung pagkakataon na mabuksan niya na ang puso niya.Pero yung malaman na hindi naman ako yung rason kung bakit natutunan niyang buksan yun...napakasaklap lang!

bumalik nga ako para suyuin na talaga siya pero mukhang nahuli na pala ako ng dating.

I knew that the very moment I saw the way she looks at him.And the way he does the same to her.The way they stare at each other like there's something between them .

Nung una akala ko namamalik-mata lang ako at mali lang ang kutob ko pero nung tumagal na unti-unti kong nararamdaman na tama nga ang hinala ko.

The way that guy Keith looks at her and the way she tries her best not to look back.

Kung hindi ako nagkakamali,she refuses to look back at him not because ayaw niya sa kanya at hindi siya interesado sa kanya kundi ay dahil may nararamdaman siya kapag nagtatama ang mga mata nila.

Kanina nakita ko sila...

They were looking at each other intensely.

Yung tingin nayun...alam ko kung ano yun.Pero natatakot akong iconfirm yun dahil baka ito na ang tuluyang bumasag sa puso ko.

Sinira ni Keith ang katahimikan at nagsimula silang mag-uusap at mayamaya't biglang hinigit ni Keith yung isa niyang eraphone at hineram ito.She should have rejected,she should have shood him right away.Hinintay kong gawin niya yun pero hindi yun nangyari.

I hated the fact that they looked so perfect listening together sharing one's earphones.Gusto ko ngang agawin sa lalaking yun yung earphone na gamit niya para ako na lang ang kasama ni Drianang makinig ng kung ano mang pinakikinggan niya pero natakot ako.

I remembered the first time I tried to do that.Napansin kong nahilig pala siya ng music pero ayaw niya yun iparinig sa iba kaya naman isang araw sinubukan kong higitin ang kanang earphone niya para makapakinig ng mg musikang pinakikinggan niya ngunit bigla niya ako itinulak ng malakas.Nagalit siya sakin at ipinagtabuyan niya ako.Wag na wag ko daw gagawin iyon ulit.Hindi daw pwede.Bawal kailan man.

Kaya sobra akong nagtaka nung mga oras na 'yon.Ang dami kong tanong sa isip ko

Kung bakit hindi siya nagalit sa kanya,kung bakit hindi niya siya pinagalitan,kung bakit hindi niya siya pinagbawalan at kung bakit hindi niya siya ipinagtabuyan katulad ng ginawa niya sa akin at sa lahat ng taong nagtangkang gumawa nun noon.

Kung bakit nga ba pinayagan niya ang lalaking iyon.Kung bakit yung lalaking iyon ay pwede...

Pinagmamasdan ko pa sila nun hanggang sa makatulog si Keith.Ni hindi man lang namalayan ni Driana na nandun ako sa tabi niya't pinagmamasdan siya habang hinihimas-himas niya ang buhok nung lalaking iyon at pinagmamasdan ito habang tulog.

Sobra akong nasaktan sa nakita ko.

The way she looks,the way she caress his hair,the way she seems like she really cares...

It was never like that.Like she was intimidated to a guy.She was never like that.

Unless...unless may pagtingin na nga siya sa lalaking iyon.

Nung sinabi naman ng Keith na yun
kanina na may bagay siyang kinukumpirma,naalala ko nanaman lahat ng nakita kong yun.

Bigla na lang nanguna ang mga emosyon ko.

Galit.Pangamba.Panghihinayan.Takot.

Paano kung may gusto din siya kay Dri?

Nung sinabi kong diretsuhin niya na kami sinabi niya na baka kung ano ang iniisip ko yun na nga yun.Nanguna talaga ang takot ko sa mga oras na yon kaya nagawa kong hilahin palapit sakin si Driana at paghawakin ang mga kamay namin.

Natakot kasi akong baka agawin niya siya sakin.

Natakot akong maagaw niya sakin yung babaeng matagal ko ng pinapangarap.Ang babaeng pinagsisikapan ko ngayong makuha.

Kaya naman nung itinaboy ni Driana ang kamay ko at nagalit hindi ko na mapigilang sabihin ang mga salitang hindi ko dapat sinabi.Galit at selos ang nangingibabaw at dahil din dun galit sakin ang taong pinakamamahal ko.

Naiinis ako sa sarili ko!Naging makasarili ako!Inangkin ko siya kahit hindi naman talaga siya sakin!

Napasabunot na lang ako sa buhok ko.

Argh!Nakakainis!!

Ano bang dapat kong gawin?Mahal ko siya eh...

kung kailangan masaktan ako ng paulit-ulit gagawin ko basta makita lang siyang masaya.Hindi na ako magiging makasarili.Kung anuman ang desisyon niya ay rerespetuhin ko ito.Kung ayaw niya talaga sakin at wala talaga siyang nararamdamang pagmamahal para sakin maluwag kong tatanggapin pero kung sakali namang matutunan niya akong mahalin ay mas mabuti.

Pero I'm willing to let her go if that's what it means for her to be truly happy with her real true love kung sakaling hindi nga ako yun.

Kahit mahirap,kahit masakit..Kakayanin ko,titiisin ko.Para sa kanya..DAHIL MAHAL KO SIYA at gagawin ko ang lahat para maging maligaya siya.

I'm not into loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon