Chapter 25 Just wait okay?

40 2 3
                                    

"hey Iana,are you still listening to me?" kasalukuyan kaming nasa rooftop ni Yanyan and she's telling me something pero hindi maprocess ng utak ko kasi feeling ko lumilipad ito.Natutulala nanaman ako..

"Pardon..." huminga naman ng malalim  si Yanyan

"Ano na bang nangyayari sayo?" kahit ako hindi ko din alam eh,so paano ko sasagutin ang tanong niya?

"maybe I'm just tired" I tried my best to sound convincing but guess I failed..

"At tired naman sa ano aber?sa kakaisip sa kanya?" kumunot naman ang noo ko.

"no,asa.Ba't ko naman iisipin yung lalaking yun" at sino namang niloloko ko?siya lang naman talaga ang taong nakakagawa sakin ng ganito eh...
siya lang naman ang nag-iisang tao na  ayaw bumitiw sa utak ko.

"parang ang bilis naman yata ng sagot mo ah atsaka sino ba sa akala mo yung tinutukoy ko?wala naman akong nabanggit na pangalan pero may naisip ka na agad" ayan nanaman ang malisyosong ngiti niya,naisahan niya ako dun ah.

"tss" tumawa naman siya.

"Tara na nga't bumalik ng classroom".

Pagbaba namin ng rooftop nakasalubong namin ang isang babaeng umiiyak habang tumatakbo.

Penelope?

Hindi ako pweseng magkamali,it's her..

"What happened?"rinig kong tanong ni Yanyan sa isa niyang kaklase

"She assumed na may something sila Keith but then early this morning nakita niyang maykahalikan si Keith na ibang babae.She consoled him about this and keith just shrugged her off telling her na hindi naman sila .Hindi ko nga lang alam kung sino si girl na kahalikan ni Keith."ako alam ko.It was Leila na kaklase naming pareho ni Keith.

I saw them too...

Kaninang umaga habang hinihintay ko si Yannie,napadaan ako sa locker room at nakita ko sila...

Alam kong that time he saw me.He was looking at me pero parang wala siyang pake na nakikita ko sila.Somehow nainis ako.

Naiiinis ako sa isang hindi ko alam na dahilan.Naiinis ako sa kanya.

Tumingin naman sakin si Yanyan na parang tila ba may sinasabi gamit ang kanyang mata...I know what she's trying to say.

Dumeretso naman kami sa classroom niya pero bago pa man siya tuluyang pumasok sa classroom niya may sinabi siya.

"Iana,pakatatag ka lang ah.I know Keith has an explanation for all of this.Don't worry,everything's gonna be fine.Just trust him" hindi ko na siya pinansin at tumuloy nadin sa sarili kong classroom.

Don't worry,everything's gonna be fine.Just trust him"

Ang daling sabihin at ang daliing isipin.Ang sarap din pakinggan pero mahirap naman panindigan.

Lalo na't isang malalim na salita na ang pinag-uusapan.TRUST.

Pano ko naman pagkakatiwalaan ang isang katulad niya kung sarili ko nga hindi ko kayang pagkatiwalaan sa mga kakaibang nararamdaman ko ngayon.

Dumeretso na ako sa classroom at sinubukang makalimot pero parang nasira ang ideya kong iyon ng biglang pagpasok ko ng classroom siya agad ang unang nasilayan ng mga mata ko.Hindi ko alam kung nagkataon lang o talagang sinadya ito.

Nagkatinginan kami pero ako na ang unang umiwas ng tingin.

Parang may tumutusok sa dibdib ko at tila ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

I'm not into loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon