Driana's POV
Pauwi na ako,as usual dadaan nanaman ako sa may parking lot dahil may way din naman doon palabas ng school and not to mention less people and less riot.
Nasa parking lot na ako't naglalakad nang biglang isang tao ang nakita ko na siyang nagpahinto sakin.
Si keith nakahinto din at nakatingin sakin.
Siya ang naunang umiwas ng tangin atsaka nilagpasan ako.Nainis naman ako,tumalikod ako para nakaharap ako sa likod niya.
"Keith ganito na lang ba talaga tayo?" hindi ko na napigilang itanong.
Huminto naman siya pero ilang sandali lang ay magtatangka na sanang maglakad uli pero nagsalita uli ako.
"Ano bang nangyari satin?" humarap naman siya sakin.Satingin ko mga dalawang metro ang layo namin sa isa't-isa.
Lumapit siya hanggat yung dalawang metrong layo namin kanina ay parang tila ba naging 4 inches na lang.
Hindi ako makahinga ng maayos...feeling ko nasusuffocate ako.Sobrang lapit niya na parang nagkakadikit na ata ang mga ilong namin.
lumayo naman ako sa kanya.
"Ano nga bang nangyari satin,Heart?"
paglapit niya uli."wag mong ibalik sakin ang tanong ko, Kit" inis na sagot ko sa kanya.Lumapit naman siya uli at bumulong .
"Ano bang meron satin Driana,hindi bat wala naman?" hindi ko na talaga kinaya,tinulak ko siya palayo.
"lu-lumayo ka nga sakin" bakas sa mukha niya ang pagka-inis.
"ganun naman talaga lagi diba?Siya pwedeng lumapit pero ako hindi!" ano?
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Wag ka ng mag maang-maangan.Nakita ko kayo ni Mirko last time.Magkayakap!Pero pinalampas ko yun dahil alam kong siya naman ang nag initiate ng hug nayun pero kanina lang Driana...kanina lang nakita kong ikaw mismo ang yumakap sa kanya!What the heck is that?!Bakit siya na naman?Bakit siya pa?" parang tila umatras naman ang dila ko.
"Yu-yun ay dahil..." hindi ko matapos ang sasabihin ko,hindi ko alam kung anong sasabihin ko.Kinakabahan ako...no,I think naduduwag ako.
"Dahil ano?Wag ka nang magsinungaling!Tama na!sawang-sawa na ako sa mga kasinungalingan mo!Mas mabuti pa ngang bumalik ka na dun sa Mirkong yun,sigurado akong namimiss mo ng landiin siya,dun naman kayo magaling diba?ang landiin ang isa't-isa!Hindi man lang kayo mahiy-" bago niya pa matapos ang sasabihin niya sinampal ko na agad siya.
"A-ang kapal mo!Wala kang karapatang sabihin yan!Wala kang alam!" kung siya galit na galit,ako din.Sobra pa yata.
Ang kapal niyang sabihing lumalandi ako kay Mirko eh siya nga tong kung sino-sino ang nilalanding babae!Ang lakas ng loob niyang sakin pa itapon ang bintang na yun!
"You have no right to judge and throw me those kinds of accuses because you don't even know the reason behind it!You don't even know the REAL reason why I ended up in his arms instead of yours!" napalakas ata ako ng boses pero wala na akong pakielam.Sawang sawa na ko sa ganito.Sawang sawa na akong mapagbintanggan,mahusgaan at mamisinterpret ng ibang tao.
"Edi ipaintindi mo sakin!Mahirap ba yun?Bakit,satingin mo ba makitid ang utak ko at hindi ko kayang intindihin ang explanations mo?Ganoon na lang ba talaga kababaw ang tingin mo sa isang tulad ko?!I maybe a jerk but I'm not stupid!"
BINABASA MO ANG
I'm not into love
RomanceA story about a girl who doesn't believe in fairytales,doesn't believe in destiny,doesn't believe in such things especially love. Meet her,Driana Heart Lopez.Everything in her life changed when this Keith Valdez came.Some things happened to her that...