Wala sa sariling ako'y napayakap sa sarili kong katawan ng umihip ang panggabing malamig na hangin.Nandito ako ngayon sa balkonahe ng aking kwarto. Nakahilig sa riles habang nakatingala sa bilog na buwan.
Hindi ko alam kung ano ang meron ngayon at kung bakit parang may kakaiba sa buwan. Hindi ito 'yong tipong natural na full moon. Parang may mali dito na hindi ko maipaliwanag kung ano. Ang kulay kasi nito'y hindi kagaya no'ng kulay no'ng mga nakaraang buwan. Imbes kasi na dilaw ito, may kung anong shred ng pula ang kulay nito. Which really make me curious kung ano ang meron dito.
Actually, kanina pa ko dito sa labas. Kanina ko pa tinitignan ang buwan. Kanina ko pa rin pilit na inaalam kung ano ang nangyayari at kung bakit imbes na dilaw ay pula ang buwan.
''Is this what they called pink moon?" wala sa sariling kong bulas ng maalala ko 'yong nag trending na pink moon raw nitong nakaraan lang.
"Pero may pink bang pula?" kapagkuwan ay bulas ko rin ng mapagtanto kung may pink na pula?
Kung may nakakarinig lang sa akin ngayon, paniguradong iniisip na nito na nababaliw na 'ko kasi kinauusap ko ang sarili ko.
And maybe they're right, nababaliw na talaga siguro ako kasi pati buwan prino-problema ko na.
Napabuntong hininga ako dahil sa naisip. Kapagkuwan, ay napaayos ako ng tayo ng mapagtanto kong ilang minuto na rin ang nasayang ko dahil lang sa pagtitig sa buwan na iyon.
At ng maalala ko na maaga pa pala ako bukas sa trabaho'y napagpasyahan ko ng pumasok na sa loob ng aking kuwarto upang matulog.
Nang makapasok ay isinara ko na ang binding windows ng aking kuwarto. Sinunod ko rin sa pagsirado ang kurtina ng aking kwarto. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama ko upang makatulog na.
"There must be a scientific explanation about that moon," ang ani ko sa isip ko bago hinayaan ang sarili na lamunin ng dilim.
Ngunit hindi pa man ako tuluyang malamon ng dilim ay may kung ano akong naramdaman na mabigat na bagay na nakadagan sa akin. At ang mas nakakakilabot pa roon ay para itong tao.
Sinubukan kong imulat ang aking mata upang kumpirhamin ang nararamdaman ko. Ngunit kahit anong gawin ko'y hindi ko mamulat ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kung bakit hindi ko ito maimulat pero isa lamang ang alam ko at iyon ay ang parang may kung anong pumipigil sa akin.
Wala sa sariling ako'y napasinghap ng makaramdam ako ng matulis at malamig na bagay sa aking leeg. Malamig ang bagay na iyon ngunit ang hangin na tumatama sa leeg ko ay mainit na para bang isa itong hangin na galing sa bibig.
Ang pagsinghap na nagawa ko kanina ay nasundan pa ng isang pagsinghap ng maramdaman ko kung paano mas dumikit ang bagay na iyon sa balat ko.
Shit! What the hell is happening?
Sa ikalawang pagkakataon ay muli kong pinilit ang sarili ko na imulat ang mga mata ko. And luckily, this time, naimulat ko ito.
Hinihingal akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ko ng maimulat ko na ang mga mata ko. Habol-habol ko ang aking hininga habang nakahawak sa leeg ko.
"Shit! What was that?"
Ang mga kataga na iyon ay ang tanging naibulas ko habang hinahaplos ang leeg ko. Ang parte ng leeg ko na kung saa'y doon ko naramdaman ang matalim ngunit malamig na bagay na iyon. Para iyong patalim na hindi ko maipaliwanag kung ano.
Habang iniisip ko kung ano nga ba ang bagay na iyon na bigla na lang umano sa leeg ko'y wala sa sariling ako'y napatingin sa gawi ng balkonahe ng makaramdam ako ng lamig.
At hindi ko inaakalang gano'n-gano'n na lang ang pagtataka na mararamdaman ko ng makita ko kung paano inililipad ng hangin ang kurtina ng aking binding windows. At ng tignan ko kung bakit ito inililipad ay hindi ko inaakalang mas magtataka pa ako.
"Hindi ko ba naisara ang binding windows kanina?" nagtataka kong tanong sa aking sarili ng makita kong bukas ang binding windows ng aking kwarto.
Hindi ko ba ito naisara? Did I forget to close it? Mukhang naisara ko naman ata ah? Pero ewan, parang hindi naman ata. Kasi kung naisara ko ito bakit bukas ito?
Sa pagkakataon na ito'y para na akong baliw na tao dahil sa pagtataka na aking nararamdaman. Pagtataka kung naisara ko ba 'yon o hindi? Nakalimutan ko ba ito o hindi?
Nakakalito! Nakakalito dahil ugali ko kasi na i-lock talaga ang mga bintana, pintuan at binding windows ng kwarto ko bago ako matulog. Kaya naman hindi ko talaga ito nakakaligtaan. Ni isang beses ay hindi ko pa ito nakaligtaan na isara. So bakit this time, nakalimutan ko itong isara?
Nakakalito! Nakakalito kung ano sa mga iyon ang totoo. At bago pa man ako mabaliw dahil sa pagkalito ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko.
Tumayo ako at saka tinungo ang daan papunta sa binding windows. Ilang hakbang lang ang ginawa ko at narating ko na ito. Nang makarating ay isinara ko na ito at inilock na rin.
This time, I am one hundred percent sure na naka sara at naka lock na nga talaga ito.
Nang mailock na ito'y napabuntong hininga ako. Ini-on ko ang ilaw ng aking kwarto at saka tinungo ang daan papunta sa aking vanity mirror. Gusto ko kasing tignan kung may nangyari bang kakaiba sa leeg ko matapos kung maramdaman ang bagay na iyon sa leeg ko.
And just like that, hindi ko inaakalang mapasigaw ako ng pagkalakas-lakas dahil sa nakita ko sa leeg ko.
Tangina! Ano itong dalawang bilog sa leeg ko na para bang kagat ng isang nilalang na may pangil?
BINABASA MO ANG
His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)
VampireHIS BLOODLUST (also known as) C O M P L E T E D Synopsis Quincy doesn't believe in Vampires because for her, vampires are just a mere mythical creature na gawa-gawa ng mga matatanda upang ipanakot sa mga bata. 'Yon ang paniniwala niya not until she...