Kung kanina'y ang libro na binasa ko ay para sa mga bampira. Ngayon nama'y tungkol ito sa mga reincarnation.
Yes, reincarnation. Tungkol lahat sa reincarnation ang nakasulat sa libro nito.
At dahil dito marami akong natutunan tungkol sa reincarnation. Kabilang na doon ang katotohanang, kung may peklat ka raw or scar na nandiyan na simula no'ng sanggol ka pa'y posible daw na ang scar na iyon ay ang simbolo kung bakit namatay sa past life mo.
For example, may scar ka sa dibdib, posible daw na no'ng sa past life moy sinaksak ka sa dibdib at 'yon ang ikinamatay mo.
Nabasa ko rin sa aklat ng reincarnation ang tungkol do'n sa sinabi ni Red na panaginip. Panaginip na parang nangyari na noon pero 'yon pala ay hindi pa. Hindi pa, sa pagkat malaki ang posibilidad na 'yong panaginip mo na iyon ay happenings sa past life.
Marami rin akong nabasa sa aklat na mga cases, cases na nagpapatunay na totoo 'yong reincarnation. And honestly, 'yong iba do'n sa cases na iyon ay kapani-kapaniwala, samantalang 'yong iba naman ay hindi.
Gabi na no'ng matapos na ako sa pagbabasa. Hindi ko kasi ito tinigilan hangga't sa hindi ko ito natatapos e. Ang intersting kasi kaya ganoon.
At dahil gabi na no'ng matapos ako'y napagpasyahan ko na magluto ng makakain para sa hapunan ko.
Tortang talong lamang ang kinain ko. Hindi talong na burat ah. Kundi, talong talaga na kulay violet.
After kung makaluto ay kumain na ako. Magpahanggang ngayon ay wala pa rin si Red. Gabi na at isang araw na siyang wala. Kaya naman hindi ko naiwasan ang huwag kabahan habang kumakain.
At hindi ko inaakalang mas kakabahan ako ng maisip ko na delikado nga pala 'yong pupuntahan nila.
Shit! Baka kung ano na ang nangyari sa isang iyon!
Nang dahil sa kaba na nararamdaman ko at dahil na rin sa kaisipan na baka may masamang nangyari na sa kan'yay mabilis ko lang natapos ang pagkain ko. Hindi kasi ako makapag concentrate e, kaya binilisan ko na lang. Baka kasi maisama ko pa sa paglunok ko 'yong spoon na hawak-hawak kom Matapos ang mabilisang pagkain ay mabilisan ko rin hinugasan ang mga pinagkainan ko.
After no'n ay bumalik na naman ako sa sala at doon hinintay ang pagdating niya. Hoping this time ay walang nangyaring masama sa kan'ya at makakauwi na siya dahil isang araw na siyang nawawala at alalang-alala na talaga ako tungkol sa kanya.
Kahit hindi ako sigurado kung gagana ba ang dasal ko dahil ang idinasal ko ay tungkol sa kaligtasan ng pambirang iyon ay nagdasal pa rin ako. Nagdasal pa rin ako na sana'y makauwi na siya at sana'y ligtas rin siya. Hindi ako sigurado kung gagana ba ang dasal ko na iyon e kasi nga diyos 'yong dinasalan ko samantalang 'yong ipinagdadasal ko naman ay gawa ni tanas.
Ngunit malaki ang paniniwala at pananalig ko sa kanya na tutuparin niya ang dasal ko na iyon.
Sa kalagitnaan ng malalim kung pag-iisip ay napatigil ako ng makarinig ako ng pagkatok. Sa kaisipang baka siya na iyon ay dali-dali akong napatayo mula sa pagkakaupo ko at saka napalakad do'n sa gawi ng pinto.
Bubuksan ko na sana ito pero ng maalala ko ang pinaparating no'ng ibinilin niya sa akin bago siya umalis hindi ko na naipagpatuloy pa ang balak ko pa sana. Bagkos ay gamit ang maliit na butas na nasa pinto'y sinilip ko kung sino ang nasa labas.
I just want to make sure kasi kung siya na ba talaga itong kumakatok. Baka kasi iba e. So I really need to make sure, at saka isa pa, what I'm doing is for my own good, so there's no issue there.
Nang makitang siya na nga 'yong kumatok ay dali-dali kung binuksan ang pintuan at hindi ko inaakalang pagkabukas na pagkabukas ko pa lang sa pintuan ay agad na siyang natumba for unknown reason.
Kaya naman bilang mabait na bata ay sinalo ko siya mula sa pagkakatumba. So imbes na sa matigas at malamig na semento siya tumama ay sa katawan ko siya tumama.
Napangiwi ako ng maramdaman ko ang bigat ng katawan niya at muntikan rin akong matumba dahil tangina, ang bigat niya nga. Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko dahil kung hindi baka natumba na kami.
"Hey, what happened?" nag-aalala kong tanong rito sabay tapik sa likod nito and obviously I got no answer from him. Kaya ang ginawa ko na lamang is binuhos ko ang lahat ng makakaya ko para maitayo siya ng matuwid upang maakay ko siya.
At sa awa ng diyos ay naitayo ko naman siya ng matuwid, pero 'yon nga mukhang mababaluktok ko ito.
Inakay ko siya papasok sa loob ng mansion. Kapagkuwan, ay isinara ko muna 'yong pintuan nitong mansion bago siya tuluyang inakay papunta sa sofa.
Hirap na hirap ako sa pag-akay ko sa kanya dahil sa ang bigat niya. Hirap na hirap ako pero mabuti na lamang ay naitawid ko ang paghihirap ko na iyon.
Naituwid ko ito dahil naihiga ko siya ng matiwasay sa sofa.
"Argh," I heard him groaned ng maihiga ko na siya ng matiwasay.
Napatayo naman ako ng matuwid bago napa, "Ho!"
Tangina parang nabali yong mga buto ko sa likod dahil doon ah! Nagsitunogan kasi ito ng tumayo ako ng matuwid.
"Hey, are you okay?" tanong ko rito ng makita kong bahagya itong nanginginig.
Yumuko ako at saka linapat ang palad ko sa noo niya. Malakas kasi ang kutob ko na linalagnat siya kaya siya nagkakaganito.
At tama nga ang kutob ko na iyon dahil tangina ang init niya. Mukhang hindi nga 'to normal na lagnat itong nararamdaman niya dahil parang mainit na tubig na kumukulo ang init niya.
Shit, I'd never thought na nilalagnat rin pala ang mga pambira. Hindi ko kasi ito nabasa do'n sa libro na tungkol sa kanila.
Hindi ako nurse kaya wala akong kaalaman kong ano ang gagawin ko sa tanong may lagnat. Pero may alam ako ng kunti, dahil kapag nagkakasakit ako ay ang bagay na iyon ay ang ginagawa sa akin ni mama.
Ang bagay na kung saan ay lalapatan ng basang towel ang noo ko.
Sa naisip ay napatayo ako ng matuwid. Tinalikuran ko ang gawi niya upang makakuha na ng basang towel.
Hahakbang na sana ako palayo sa gawi niya ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.
"Where are you going my love?" I heard him asked, using his deep baritone voice.
Hindi ako sigurado kung ako ba ang tinatawag niyang my love, pero dahil ako lang naman ang nag-iisang tao na naririto baka gano'n nga.
"Kukuha ng basang bimpo para may maipamunas sa'yo," sagot ko rito habang nakalingon sa gawi nito.
"Okay, my love. Balik ka agad ah? Tas yakapin mo ako. I need your hug kasi mahal e para bumalik na ang lakas ko."
BINABASA MO ANG
His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)
VampiroHIS BLOODLUST (also known as) C O M P L E T E D Synopsis Quincy doesn't believe in Vampires because for her, vampires are just a mere mythical creature na gawa-gawa ng mga matatanda upang ipanakot sa mga bata. 'Yon ang paniniwala niya not until she...