Kabanata 29

1.1K 20 1
                                        

HINDI agad ako naniwala sa sinabi niya. I mean, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

Parang tumigil at humina ang pag proseso ng utak ko dahil sa sinabi niya na iyon.

Noong unay ayaw ko talagang maniwala kasi ayaw tanggapin ng sistema ko ang impormasyon na sinabi niya'ng iyon.

Pero ng sabihin niya sa akin ang mga dahilan niya kung bakit niya nasabi na ako ang reincarnation ng asawa niya at ng mapagtanto ko na 'yong mga sinabi niya ay tugma sa mga naranasan ko at sa panaginip ko ay doon na ako napasabi sa mga katagang,

"Holy fuvk."

Holy fvck dahil totoo nga pala talaga ang reincarnation at mukhang ang buhay na meron ako ngayon ay ang reincarnation ko.

Isa sa mga sinabi niyang dahilan na iyon ay ang pagkakapareho namin ng asawa niya in terms of dislike and likes sa mga bagay-bagay.

At iyon pala ang dahilan, kung bakit 'yong palagi niyang niluluto sa akin ay ang mga paborito kong pagkain at alam niya rin na tulips ang paborito kong bulaklak dahil nga pareho kami no'ng yumao niyang asawa.

Pinakita niya rin sa akin ang mga picture ng dati niyang asawa, dahilan kung bakit mas napaniwala niya pa ako.

Sino ba naman kasi ang hindi mapapaniwala do'n e 'yong babaeng nasa picture na asawa niya kuno ay kamukhang-kamukha ko. Tangina lang.

Pero you know what after kung malaman at maproseso ng utak ko ang mga impormasyon na iyon may naisip ako.

At ang naisip ko na iyon ay ang mahal niya ba ako dahil nasa katauhan ko ang namatay niyang asawa or mahal niya ako dahil sa kung ano ang meron ako ngayon.

Gusto kung itanong sa kan'ya ang mga kataga na iyon ngunit wala akong lakas kaya naman kinimkim ko na lang ito.

Ilang linggo na ang nakakaraan simula no'ng mangyari ang mga kaganapan na iyon. Ilang linggo na ang nakakaraan simula no'ng inatake kami ng mga bampira na iyon at ilang linggo na rin ang nakakaraan simula ng malaman ko ang rebelasyon na ang babaeng pinagseselosan ko ay anak niya pala.

At sa loob ng ilang linggo na iyon ay marami ang nangyari at kabilang sa mga nangyari na iyon ay ang pagkakamabutihan naming dalawa.

Yes, nagkakamabutihan na kami pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming label. Oo, nag i-ilove you han na kami at klarong-klaro na sa amin ang nararamdaman namin para sa isa't-isa pero wala pa rin kaming label up until now. Hindi niya kasi ako tinanong ng will you be my girlfriend e kaya hindi pa kami official na kami na talaga.

Kabilang rin sa mga kaganapan na iyon ay ang pag-uwi ko na sa bahay. Yes after that incident is napagpasyahan kong umuwi na ng bahay dahil miss ko na sina mom at saka dad.

Noong una'y ayaw niya pa akong payagan na umuwi na dahil ma mi-miss niya daw ako pero ng sabihin ko sa kan'ya na pwede naman siyang bumisita sa bahay anytime ay napapayag ko siya. At saka isa pa, magkatapat lang kaya 'yong mga bahay namin. Kaya naman madali lang talaga para sa kanya ang pagbisita sa akin or ako ang bibisita sa kanila. At saka isa pa, wala nanamang dahilan pa para manatili ako rito dahil 'yong bampirang gustong umangkin sa akin ay nakakulong na sa mga oras na ito.

At 'yon nga, ang minungkahi ko sa kan'ya na pwede siyang bumisita sa bahay anytime ay tinupad niya. Ewan ko ba kung pagbisita pa ba 'tong matatawag e halos araw-araw rin naman siyang naririto.

At kung tinatanong niyo kung hindi ba nagagalit 'yong parents ko sa halos araw-araw niyang pagpunta rit ay hindi naman.

Sa katunayan nga'y iminungkahi pa ng mga ito na dito na lang patirahin si Red para magka-apo na daw sila dahil matanda na sila. Little did they know may apo na silang mas matanda pa sa akin.

Akala ko talaga noong una na magagalit sila sa akin kapag pinakilala ko sa kanila si Red. E kasi nga this is only the first time na nagdala ako ng lalaki dito sa bahay.

Pero mukhang ang lahat ng iyon ay maling akala ko lang dahil imbes na magalit ang mga ito'y tuwang-tuwa pa ang mga ito kay Red. Isama mo na rin na ang close-close nila sa isa't-isa. Para ngang si Red pa 'yong anak nila e kesa sa akin.

At ang mas kakatawa pa roon ay no'ng sinabihan ako ni mom na nasa kapitbahay raw ang true love.

Tangina lang, ang tanda-tanda na may nalalaman pang true love-love.

Nakilala ko na rin pala ang ama ni Red. Oo, ama lang dahil nga namatay 'yong mama ni Red kakapanganak sa kan'ya.

At nagkakilala na rin kami ni Mariah—ang anak ni Red—este, anak pala namin ni Red. Magkamuha kami ni Mariah kaya naman hindi talaga mapagkakailang mag-ina kami.

Up until now, hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ang reincarnation.

Napag-usapan na rin pala namin ni Red ang tungkol do'n sa ginawa niyang pagsakripisyo sa akin para lang masagip ang anak niya. Kinompronta ko kasi siya tungkol doon dahil gusto ko ng mawala itong nararamdaman kong bigat sa puso ko.

At roon nga'y nagkaliwagan kaming dalawa. He told me na ang paraan na iyon ay ang tanging paraan na naiisip niya para mailigtas kaming dalawa ni Mariah.

He told me na kung hahayaan niya lang si Mariah do'n at hindi niya ako ibibigay ay for sure sasaktan ni Rancho si Mariah.

Kung ako naman ang ibibigay niya kay Rancho ay paniguradong hindi ako sasaktan ni Rancho at ibibigay pa ni Rancho si Mariah sa kanya.

So he come up with that plan. At 'yong nangungusap pala na tingin na binitawan niya sa mga orad na iyon ay may pahiwatag ito at ang pahiwatig na iyon ay ang makisama ako sa plano niya.

He also told me na akala niya nakuha ko ang ibig niyang sabihin sa tingin na iyon kaya naman ganon-ganon na lang talaga ang pagkagulat na naramdaman niya ng malaman niyang nagseselos ako dahil sa anak namin.

Oo, anak namin. Dahil mommy na rin ang tawag ni Mariah sa akin, actually. Actually, naka ilang girls bonding na rin kami ni Mariah. Girls bonding na tinutukoy ko is yong mag sho-shopping at mag gala-gala sa kung saan.

Sa girls bonding namin ni Mariah ko pala nalaman na sa edad niyang 32 years old ay wala pa siyang jowa.

Kay Mariah ko rin nalaman na stalker ko rin pala ang tatay niya. Akala ko pa naman si Rancho lang ang nag sta-stalk sa akin. 'Yon naman pala mas matindi pa 'tong si Red.

Oo, matindi, dahil mula college pa pala ako nito binabantayan at ang mas nakakatawa pa roon is kaya naman pala walang nagtatangkang manligaw sa akin noong nag-aaral pa ako ay tinatakot niya ito.

Kaya naman pala kahit isang lalaki noong college pa ako ay walang nagbalak sa akin manligaw.

Nalaman ko rin mula sa kan'ya na 'yong pagligtas ni sa akin ay ang hindi namin unang pagkikita.

Actually, 'yong una raw naming pagkikita ni Red is no'ng high school pa raw kami. No'ng minsan kaming naggala ni Lyca sa isang mall.

From the moment that his eyes laid on me, he already know daw that I am the one, that I am his reincarnated wife.

At alam niyo 'yong mas nakakatawa? Iyong lalaking groom pala na nasa panaginip ko ay siya pala. Siya pala ang tinawag ko na Ysaach.

His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon