Malalim ang falls na iyon pero dahil marunong naman kaming lumangoy ay hindi namin ininda ang lalim.
Kung kahapo'y mainit ang tubig dahil sa dagat kami naligo. Ngayon nama'y sobrang lamig ng tubig dahil dito kami sa falls naliligo. Tangina lang.
Ilang oras na simula ng maligo kami rito sa falls at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin kami umaahon. At ewan ko ba kung bakit, pero nag e-enjoy kasi talaga akong maligo dito.
Dahilan, kung bakit parang ayaw ko ng umahon. Ilang oras na simula ng maligo kami at sa loob ng ilang oras na iyon ay panay kain lang sa hinanda niyang pagkain ang ginawa ko. Samantalang siya naman ay panay inom lang rin sa hinanda niyang dugo.
Pa minsan-minsan ay nag-uusap rin kami tungkol sa mga bagay-bagay. Pero kalimitan, ay naghaharutan kami. I don't know if harutan ba itong ginagawa namin or sadyang malisyo lang ako.
May pagkakataon kasi na lalangoy ako tapos hahabulin niya ako at kapag naabutan niya ako'y hahapitin niya ako sa bewang ko bago ako kikilitiin kaya ang ending nauuwi ako sa pagtawa.
May pagkakataon rin naman na siya yong lalangoy palayo at ako ang maghahabol sa kan'ya. At sa tuwing nahahabol ko siya'y doon ko napagtanto na ang unfair niya dahil hindi ko siya makikiliti. Pano ko ba naman siya makikiliti kung hahapitin niya ako palapit sa kan'ya bago yayakapin ng mahigpit?
Kaya ang ending napapanguso na lang ako bago siya hinahayaan na yakapin ako. Kahit ang puso ko'y hindi na magkamayaw sa pagtibok.
Kagaya na lang ngayon, parang lalabas na ang puso ko sa rib cage nito dahil yakap-yakap niya na naman ako. I don't know why but everytime he hugs me, he never failed to let my heart beat so fast.
Akala ko'y sa puso ko lang may epekto itong ginagawa niyang pagyakap sa akin. Pero mukhang meron rin pala sa kan'ya dahil no'ng ihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya'y doon ko narinig ang malakas na pagtambol ng puso niya.
"Red," tawag ko sa kan'ya. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na maganda naman pala ang pangalan niya at kakulay pa ng mata niya ang pangalan niya.
"Hmm?" ani nito habang nakayakap pa rin sa akin.
"Tumitibok rin pala ang puso ng mga pambira? Akala ko kasi hindi e," ang ani ko habang nakahilig pa rin ang ulo sa dibdib niya.
Malamig ang tubig pero dahil sa magkadikit naming katawan ay pawang mainit ito. Tanging bra at panty lang kasi ang suot ko ngayon. Samantalang siya naman ay tanging shorts lang ang suot, kaya naman ramdam na ramdam talaga namin ang init na hatid ng aming mga katawan.
Hindi ko alam kung may nakakatawa ba sa tanong ko na iyon dahil bigla na lang siyang napatawa. And take note, hindi 'yon normal na pagtawa ha, ang lakas ng tawa niya. Dahilan,kung bakit napaalis ako sa yakap niya ng wala sa oras.
Ipinagkrus ko ang dalawang kamay ko habang nakataas kilay na pinagmasdan ang tawang-tawa na siya.
Ang lakas ng tawa niya, super. Kung tutuo rin ang mga engkanto at nandidito sila ngayon ay paniguradong na engkanto na ang isang 'to dahil sa ang lakas ng tawa niya.
Hinayaan ko lang siya na tumawa ng tumawa. Hindi ko siya inawat or ano, pinagmasdan ko lang talaga siya hanggang sa natapos siya sa pagtawa niya.
"I'm s-orry," natatawa pa rin nitong ani. "I-m sorry, but anong akala mo sa aming mga bampira patay na kaya hindi tumitibok ang puso?" tanong nito habang tumatawa pa rin.
Mas lalong umisa ang kilay ko. Obviously, lumalabas na naman ang pagiging mataray ko.
"Malay ko ba!" asik kung sagot sa tanong niya. Malay ko ba kung tumitibok pa rin ang puso nila! All I thought kasi is hindi na tumitibok ang puso nila. E kasi diba, namamatay sila bago tuluyang nagiging pambira?
BINABASA MO ANG
His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)
VampireHIS BLOODLUST (also known as) C O M P L E T E D Synopsis Quincy doesn't believe in Vampires because for her, vampires are just a mere mythical creature na gawa-gawa ng mga matatanda upang ipanakot sa mga bata. 'Yon ang paniniwala niya not until she...