Up until now, hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ang mga bampira. All I thought kasi is they're just a mere mythical creature na gawa-gawa ng mga matanda upang may mapanakot sila sa mga bata sa tuwing nagkukulit ang mga bata.
Kasi gano'n naman talaga 'di ba? 'Pag may inuutos sa atin 'yong mga lola natin noon tapos hindi tayo sumusunod ay tinatakot tayo ng mga ito. Na keso raw may nampira, lobo, tikbalang, duwende o kung ano-ano pa man siyang creatures na gawa-gawa nila.
Pero all this time ay mali pala ang akala ko na iyon. Kasi nga, nakakita ako ng example ng isang bampira and the worst is nakidnap pa ako ng isa sa mga 'to.
Ayon sa kan'ya balak sana akong patayin at gawing kaisa no'ng creepy na vampire sa kanila dahil gusto raw ako nitong pakasalan dahil nga mate nga 'raw' ako nito.
At first, I really dont know what is the meaning of that mate thing but when I asked him doon ko nalaman ang sagot sa tanong ko.
Doon ko nalaman na ang mga bampira pala ay para rin lang lobo, may mate sila at sa oras na makita nila ang mate nila ay wala na silang dapat na palampasin pa. They need to kill it and make her one of them para mapakasalan na nila ito.
Hindi kasi allowed ang human and vampire relationship sa kanila for some unknown reason kaya need pa ni lang patayin ang mate nila at gawing isa sa kanila before sila pwede ng magpakasal.
And looks like kapag minamalas ka nga naman, ako pa raw ang natiyempuhan na mate no'ng isang bampira. Tangina lang.
Nang tanongin ko 'yong lalaki na kumidnap sa akin—na magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan kasi hindi niya naman sinabi sa akin—kung ano ang palatandaan na mate na nila 'yong isang tao?
Ang sabi nito'y mararamdaman lang daw nila ito. So when I asked him kung naranasan na niya rin ba ito ay hindi ko talaga inaasahan ang magiging reaksiyon ng pagmumukha niya. Bigla na lang kasi itong nandilim na tila may nasabi akong masama.
Kaya naman ang ginawa ko'y hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko na inulit pa na itanong ang mga kataga na iyon sa kan'ya.
At ang ginawa ko na lang ay iniba ko na lang topic at ang topic na iyon ay tinanong ko siya kung kilala niya ba ang creepy na bampira na iyon.
And according to him, yes kilala niya ito. Isa ito sa miyembro ng sanguinarian vampires na may mataas na ranggo at ang pangalan daw nito ay Rancho.
Napatango naman ako. Rancho. Rancho. Tangina mong rancho ka! Ginulo mo talaga ang buhay ko!
Tinanong ko rin sa kan'ya kung nasaan kami at doon ko nalaman na nasa palawan kami at itong tinitirhan namin ngayon ay ang isa sa mga pagmamay-ari niya.
Napili niya raw na dito ako dalhin dahil maliit lamang ang tiyansa na mahanap ako no'ng mga pambira na iyon dito. Dahil sino ba naman kasi ang mag-aakala na nandidito ako, 'diba?
After ng usapan na iyon ay lumabas at bumaba na ang lalaking iyon na nag kidnap sa akin. Kaya naman ang ending, naiwan akong nag-iisa rito sa kwarto.
Kaya naman ang ginawa ko'y inayos ko ang pinaghigaan ko at saka pumasok sa isang pintuan na naririto sa loob na sa palagay ko'y papunta sa banyo nitong cr.
And I am right dahil ang unang bumungad sa akin no'ng mabuksan ko na ang pintuan ay ang sink, isang bathtub, bowl at ang paliguan area.
Nang makita ko ang bathtub ay na temp akong maligo ngunit pinigilan ko ang sarili ko ng maalala ko na wala nga pala akong damit na dala dito—which mean, wala akong pamalit.
So what I did, imbes na maligo ay lumapit na lang ako sa gawi no'ng sink upang maghilamos. Naghilamos ako at pagkatapos ay lumabas na rin ako ng kwarto at bumaba.
Sa palagay ko'y itong bahay na kinaroroonan namin ngayon—ang bahay na pinagdalhan niya sa akin ay isang vacation house na may pagka modern. Magaganda kasi ang interior design at lahat bago. Magaganda rin 'yong mga painting, vase at kung ano-anong palamuti ng bahay na ito. At no'ng tumingin ako sa labas gamit ang bintana na nasa may hagdaan ay doon ko nakita ang malawak na asul na karagatan.
Which really make me think nga vacation house nga 'to.
Bumaba na ako gamit ang hagdanan na nasa aking harapan. At ng makababa na ako'y ang unang bumungad sa akin ay ang sala na walang ka tao-tao.
Pati sa sala ay magaganda rin ang palamuti na naririto ngunit ang iba ay may pagka antique na, na tila bay mula pa ang mga ito noong year 19's.
Sa sala ay may isang set ng sofa na sa palagay ko'y tanggapan niya sa tuwing may bisita siya. Sa gitna ng mga sofa ay ang isang mesa na gawa sa salamin. At sa ilalim ng mesa na iyon ay may mga libro na hindi ko alam kung ano ang pamagat at sa ituktok rin ng mesa na iyon ay may bulaklak na sa pagkakaalam ko ay ang pangalan ay tulips. At kulay puti ito.
Tulips? Shit, may tulips dito?! Oh my god that's my favorite flower!
Wala sa sariling ako'y napangiti dahil sa nakita. Lumapit ako sa gawi no'ng tulips at saka kinuha ito sa lalagyanan nito na vase.
Inamoy ko ito at wala sa sariling ako'y napapikit ng maamoy ko ang mabangong amoy nito.
Ang pagpikit ko na iyon ay nauwi rin lang sa pagmulat ng mata ng may maamoy akong kakaiba. Kakaiba na paniguradong hindi amoy ng tulips.
Mabango ito. Mas mabango pa ang amoy nito kesa sa tulips. At ang amoy na ito ay parang nanggagaling sa kusina ng bahay na ito. Nanlaki ang nga mata ko sa napagtanto. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung anong klaseng amoy itong naamot ko sa mga oras na ito.
Nakangiti kung ibinalik ang tulips sa lalagyanan nito. Kapagkuwan,bay tinungo ko ang daan papunta sa kusina nitong bahay.
At ng marating ko ang gawi nito'y doon ko nakumpirma ang hinala ko. Ang hinala ko na kung saay 'yong mabangong amoy na naamoy ko na iyon ay amoy ng isang ulam.
"Anong niluluto mo?" tanong ko sa lalaking sa pagkakataon na ito'y nakatalikod sa gawi ko habang busing-busy sa ginagawa nito.
"Steak," sagot nito sa tanong ko ng hindi man lang lumilingon sa gawi ko.
Nanlaki ang nga mata ko sa narinig.
Steak? Shit, paborito ko 'yan!
Gusto kung isigaw ang mga kataga na iyon. Gusto kung isigaw ang katotohanan na favourite ko ang steak ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil baka isipin ng kumag na ito na ang oa ko kung maka-react.
Bagkos ang ginawa ko na lamang ay umupo ako sa isang upuan at nanlumbaba sa mesa at mula rito ay pinagmasdan ko siya.
Hindi ko maiwasan ang huwag mapalunok habang pinagmamasdan siyang nagluluto. Sino ba naman kasi ang hindi mapapalunok kung ganito ka hot ang magluluto para sa'yo.
Likod pa lang kasi niya ulam na! Pano na kaya pag sa harap na?
Sa bawat galaw ng kamay niya ay ang bawat pagdedepina rin ng biceps niya at tangina isa lang ang masasabi ko, I need water!
I need water dahil legit talaga na nauhaw ako habang pinagmamasdan siya!
Napatingin ako sa gawi no'ng mga ref. Oo, mga, dahil dalawa ito. Kapagkuwan ay tumayo ako mula sa pagkakaupo ko dahil nga bigla na lang akong nakaramdam ng uhaw.
Nang makalapit sa gawi no'ng isa sa mga ref ay bubuksan ko na sana ito ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng marinig ko siyang magsalita.
"What are you doing?" he asked which made me stopped.
Wala sa sariling ako'y napalunok bago napalingon sa gawi niya. Hindi ko alam kung bakit ako napalunok, pero legit talaga na napalunok ako, "Ah iinom lang ng tubig," sagot ko sa tanog niya bago binuksan ang ref na nasa aking harapan.
May kung ano pa sana siyang sasabihin ngunit hindi ko na ito pinagtuonan pa ng pansin dahil itinuon ko na ang aking pansin sa laman ng ref na binuksan ko.
At hindi ko inaakalang ang galaw ko na iyon ay ang isa sa mga galaw na pagsisihan ko dahil pagkabukas na pagkabukas ko pa lang sa ref niya'y tumambad sa akin ang isang tanawin na siyang nagpagimbal talaga sa akin at sa natutulog ko na diwa.
Napasigaw ako ng malakas, "Ah!!!"
BINABASA MO ANG
His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)
VampirosHIS BLOODLUST (also known as) C O M P L E T E D Synopsis Quincy doesn't believe in Vampires because for her, vampires are just a mere mythical creature na gawa-gawa ng mga matatanda upang ipanakot sa mga bata. 'Yon ang paniniwala niya not until she...