After namin kumain ay wala na kaming ginawa at mukhang wala na kaming gagawin kaya naman napagpasyahan ko na lang pumunta sa sala at doon tumambay.
May kung ano kasi akong nakitang libro do'n na may magandang book cover kaya naman napagpasyahan ko na basahin ito.
Nang marating ang gawi ng sala ay agad kung kinuha ang libro na nakita ko sa ilalim no'ng mesa na gawa sa salamin.
At ng makuha ko na ito'y sinimulan ko na ang pagbabasa ko.
Pero hindi pa man ako nakakalahati sa chapter na binabasa ko'y agad-agad akong napatigil ng marinig ko siyang magsalita.
"What are you reading?" tanong nito sa akin dahilan kung bakit ako napatigil at saka napa-angat ng tingin sa gawi nito.
"Book," casual ko namang sagot sa tanong nito.
Kumunot ang noo nito dahil sa narinig, "I mean, what book?"
Nang dahil sa tinanong nito'y doon ko pa lamang napagtanto na hindi ko pala alam ang title nitong binabasa ko. Kinuha ko kasi agad ito at saka binasa agad kaya hindi ko na napagtuonan pa ng pansin kung ano ang title nito.
"Dear Jhon," basa ko sa title nitong libro na hawak-hawak ko.
Napatango naman ang lalaki bago umupo sa gilid ko.
"Are you bored?" kapagkuwan ay tanong nito ng makaupo na.
Napaisip naman ako sa tanong nito. Honestly, medyo na bored ako kaya nga napagpasyahan ko na lang magbasa e. Pero dahil mabait ako hindi ako aamin na bored ako.
Umiling ako, "Hindi," pagsisinungaling ko kahit ang totoo medyo na bo-bored ako.
Pero mukhang human walking lie detector ata 'tong bampirang ito dahil agad-agad nitong nalaman na nagsisinungaling lang ako.
"Liar," asik nito. "I know you're bored and that's the reason why you read that book, right?" he also asked which made me nodded. Pero sa ka loob-looban ko'y gusto ko na siyang batukan kasi alam naman pala niya ang sagot sa tanong niya, bat pa siya nagtanong?! Tae lang!
"See? I told you, you're bored," ani nito bago tumayo mula sa pagkakaupo. Kapagkuwan, ay kinuha nito ang libro na hawak-hawak ko at saka ito inilapag sa mesa na gawa sa salamin.
Pagkatapos ay hinigit ako nito patayo.
"Where are we going?" tanong ko rito ng kaladkarin ako nito palabas ng mansion.
At imbes na sagutin ang tanong ko'y tanging ang mga katagang, "Just see." Lamang ang isinagot nito sa tanong nito.
At dahil mabait ako nanahimik na lamang ako at saka hinintay kung ano 'yang just see na tinutukoy niya.
Kinaladkad ako nito papunta sa likod ng mansion niya at dahil mabait ako'y nagpakaladkad rin ako.
Nang marating namin ang gawi no'ng likod ng mansion niya ay wala sa sariling nahigit ko ang aking hininga ng makita ko ang isang napakagandang tanawin. Tanawin na kung saay tulips ang bida.
Sa likod ng mansion niya'y naroroon ang taniman ng mga tulips na kulay puti.
"Woah," ang di mapigilan kong bigkas dulot ng pagkamangha. "Ang ganda," komento ko pa bago humakbang papalapit sa mga tulips na kay gandang pagmasdan.
Nang makalapit sa gawi nito'y hindi ko napigilan ang sarili ko na huwag hawakan ang mga ito.
"Did you plant all of this?" tanong ko habang nakahawak pa rin ang kamay sa mga tulips. Waring sinasamyo ng aking mga palad ang ganda nito.
"No, I hired someone to plant that," sagot nito sa akin na siyang nagpatango naman sa akin.
"Business mo ba 'to?" tanong ko ulit rito ng may maisip ako.
"Ha?" Kunot-noong tanong nito.
Mula sa paghahawak no'ng mga tulips ay tumayo ako ng matuwid at saka hinarap ang gawi niya, "I mean, ang pagtatanim ba ng ganito ang business mo?"
"No, hindi," agarang sagot nito ng makuha nito ang tanong ko. At ang kunot-noong nito ay tumawid ng wala sa oras dahil sa naging tanong ko.
"Kung ganoon bakit ka nagtanim ng ganito? I mean, tulips are quite expensive. Kaya naman kung hindi mo pala ito negosyo bakit ka nagtanim ng ganito?" I asked again. Paniguradong sa pagkakataon na ito'y sa kaloob-looban niya'y naiirita na siya dahil sa ang rami kung tanong.
Well, if that's the case sorry siya. Dahil marami talaga akong tanong lalo na pag litong-lito na ako. Actually, magmula pa man no'ng bata pa ako ay pala tanong na talaga ako, lalo na kapag hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyon ay magtatanong talaga ako.
Naalala ko pa, sa sobrang pala tanong ko noong bata pa ako'y minsan nga'y pinapagalitan na ako ni mama dahil ang bobo ko raw dahil tanong pa rin ako ng tanong kahit obvious naman ang sagot.
And aside from that, tama naman ako diba? Tulips are quite expensive. From the seedlings pa nito ay sobrang mahal na nito, how about kung kasama na rito ang pag-aalaga dito diba? Kaya naman kung hindi siya nagtanim ng ganito for business, why did he chose to plant these expensive flowers? Dont tell me dahil trip niya lang? Imposible. Dahil kung ganoon, trip niya rin pala magasta ng pera para sa mga walang katuturang bagay.
"Because it's my wife's favourite flower and these flowers reminds me of her," sagot niya sa tanong ko. Dahilan kung bakit naglaho ng parang bula ang ngiti na nakapaskil sa aking labi. Hindi ko alam kung bakit, pero medyo na disappoint ako sa sinabi niya. Akala ko kasi e he plant this for me, which is very impossible dahil hindi niya naman ako kilala para pagtaniman ng ganito, diba? I mean, for sure matagal na simula no'ng itanim ang nga tulips na ito. Ibig sabihin, hindi pa kami nagkakakilala no'n kaya naman bakit niya ako pagtataniman ng ganito? E, hindi niya nga alam kung anong favourite flower ko e. At saka isa pa, sino ba naman ako para pagtaniman ng ganito?
Mapait akong napangiti dahil sa naisip. So that explain why. Why, did he plant those expensive flowers.
But honestly, her wife and me has similarities in terms of flowers ha.
"Me and your wife has similarities in terms of likes flowers," biglaan kung ani habang ang tingin ay nakatanaw sa napakagandang mga tulips.
"Ha? What do you mean?" nagtataka nitong tanong, dahilan kung bakit ako napalingon sa gawi ko.
"I mean, I also love tulips. Actually my favourite flower is tulip," I answered at ewan ko ba kung ano pero ni isang bakas ng pagkagulat ay hindi ko man lang nakita sa mukha niya matapos kong sabihin ang mga kataga na iyon. Na tila ba'y inaasahan niya na ang tungkol sa bagay na iyon.
Oh baka naman sad'yang hindi lang talaga siya interesado sa sinabi ko.
"Oh, its good to know."
BINABASA MO ANG
His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)
VampireHIS BLOODLUST (also known as) C O M P L E T E D Synopsis Quincy doesn't believe in Vampires because for her, vampires are just a mere mythical creature na gawa-gawa ng mga matatanda upang ipanakot sa mga bata. 'Yon ang paniniwala niya not until she...