Kagabi, hindi ko alam kung bangungot ba iyong nangyari sa akin o hindi. Pero mukhang hindi talaga bangungot ang nangyari na iyon sa akin dahil sa pruweba na nasa leeg ko. Hindi naman kasi ata normal na bangungutin ka pero paggising mo ay may kung ano ka nang kagat sa leeg mo kaya malakas talaga ang pakiramdam ko na hindi isang bangungot iyong nangyari sa akin.
Malakas rin ang kutob ko na totoo nga talaga iyon. Na may dumagan sa akin na mabigat na bagay at may kung ano itong ginawa sa leeg ko. Probably, kinagat ako nito.
Pero ang nakakapagtaka lang bakit hindi ko agad naibuka 'yong mga mata ko ng sinubukan kung ibuka ito, unang beses pa lang?
May mali talaga. May kakaiba na hindi ko maipaliwanag kung ano.
Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin kung anong nilalang ang kumagat sa leeg ko.
Actually, hindi naman gano'n kalalim ang nagawa nitong kagat sa leeg ko. Para lang itong scratch kung tutuosin. But that is not the issue here, ang issue is kung ano 'yong kumagat sa leeg ko.
Kagabi, dahil sa ginawa kung pagsigaw ay nagising sila mama at papa sa mahimbing nilang pagkakatulog.
At dahil sa pag-aakalang may kung ano ng nangyaring masama sa akin, ay dali-daling napabalikwas ang mga ito at saka napapunta sa kwarto ko.
And doon nga nila ako nadatnan na gulat na gulat at takot na takot habang nakatingin sa leeg ko.
My mom asked me what happened at sinagot ko naman ang tanong niya na iyon tungkol sa bagay na nasa leeg ko.
Then, she told me na baga kagat lang daw ito ng insekto o hindi kaya daga.
Mag pro-protesta na sana ako kasi may insekto bang may kayang gawin ang bagay na ito sa leeg ko ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng sabihin ni mama ang mga kataga na ito,
"Don't mind that iha, it's just nothing," she said which made me sighed.
Sinigundahan naman ni papa ang sinabi niya na iyon, dahilan kung bakit napa sabi na lang ako sa mga katagang,
"Okay," nakanguso kong pag tugon sa mga sinabi nila.
Sinabi ko sa kanila na 'okay' pero deep inside hindi talaga okay. Hindi ako okay, sa pagkat hindi ako naniniwala na kagat lang ito ng insekto at ng daga. Kasi putang ina, limot na ba nila na may pest killer na nagpupunta sa bahay namin buwan-buwan para pumatay ng peste at mga daga sa bahay namin? Kaya paanong may daga o insekto sa bahay namin? Jusko!
"Friend, nakipag jugjugan ka kagabi 'no?"
Napatigil ako sa pag-iisip ko at saka natingin ako sa katabi ko dahil sa sinabi nito.
"Ha?" I asked her.
Bumuntong hininga ito bago mas inilapit ang sarili sa gawi ko, "Ang sabi ko, nakipagjugjugan ka kagabi no?"
Agad akong pinamulhanan sa mukha dahil sa mga sinabi niya, "Ha?! Hindi ah!" mabilis kung tanggi sa sinabi niya, sinabayan ko pa ito ng pag-iling para maniwala siya.
"Weh?" taas kilay nitong tanong habang nakangisi. Obviously, hindi siya naniwala sa naging pahayag ko.
I ignored her dahil alam kung kapag sinabayan ko ang pangungulit niya ay mas mangungulit pa siya. Pero mukhang nasa lahi na talaga ni Lyca ang kakulitan, dahil kahit hindi ko siya sinabayan ay kinulit pa rin talaga ako nito.
Akala ko pa naman na kapag hindi ko ito sinabayan sa pangungulit nito ay titigil ito! Pero, mukhang mas lumala pa ata.
"Weh?" ulit pa nitong sabi sabay sundot sa pisnge ko ng mapansin siguro nitong wala akong balak na sabayan 'yong unang pangungulit na ginawa niya.
BINABASA MO ANG
His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)
VampireHIS BLOODLUST (also known as) C O M P L E T E D Synopsis Quincy doesn't believe in Vampires because for her, vampires are just a mere mythical creature na gawa-gawa ng mga matatanda upang ipanakot sa mga bata. 'Yon ang paniniwala niya not until she...