Kabanata 10

1.5K 25 0
                                        

"I, Mariah Medina, take you Red Yssach Lim  to be my lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part," ang ani ko habang nakangiting nakatitig sa lalaking mahal ko. At habang sinasambit ko ang mga kataga na iyon ay dahan-dahan kung ipinasok sa kamay niya ang singsing na hawak-hawak ko. Sing-sing na tanda siyang tanda ng aming pagmamahalan.

"Its your turn, Mr Lim, take this ring and state your vow." Napatingin ako sa gawi ng pari ng magsalita ito. Nginitian ko siya ng magtama ang paningin namin na siyang sinuklian niya rin naman ng pagngiti.

"I Red Ysaach Lim," paninimulang ani ng lalaking mahal ko dahilan kung bakit nailipat ko ang tingin ko sa gawi niya, "Take you Mariah Medinato be my lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part," he also added while puting the ring in my fingers.

And while he is saying those words, kitang-kita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano tumulo ang luha mula sa mga mata niya.

"And now I hereby pronounce you as husband and wife," the priest said after saying those words.

At kasabay ng pagsambit niya sa mga kataga na iyon ay ang pagdagundong ng malalakas na palakpakan at sigawan dahilan kung bakit napalingon ako sa gawi ng mga ito. At doon ko nakita ang napakaraming mga tao na kapwa may ngiti sa mga labi. Na tila ba'y masaya sila para sa aming dalawa ni Ysaach.

"You may now kiss the bride." Mula sa pagtitingin sa mga bisita namin ay muli akong napatingin sa gawi ng lalaking mahal ko gawa ng sinabi ng pari.

At roon ko nakita ang lalaking mahal ko na abot langit ang ngiti habang nakatingin sa labi ko. Wala sa sariling ako'y napangiti ng matamis at saka napapikit ng makita ko ang dahan-dahan nitong pagyuko at bago pa man lumapat ang labi nito sa labi ko ay hinihingal na akong napabalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga ko.

"What was that?" ang hinihingal kong tanong habang sapo-sapo ang did-dib.

Ano iyon? Ano ang panaginip ko na iyon? At bakit ang weird naman ata? Tangina, ano ang ibig sabihin panaginip ko na iyon at bakit kinakasal ako doon?

Hindi ko man maalala ang buong detalye ng panaginip ko na iyon ngunit sigurado ako, na ako ang babaeng iyon na kinakasal pero ang groom ko do'n ay hindi ko kilala. Dahil blurred ang mukha nito. Oo, sa panaginip ko'y hindi ito blurred pero ng magising ako'y blurred na ito sa memorya ko at hindi ko alam kung bakit!

Hindi ko tuloy maalala kung sino ang groom sa panaginip ko na iyon!

Tangina, ano ba ang panaginip ko na iyon at tungkol saan iyon?

Sabi nila hindi daw mangyayari sa totoong buhay ang mga nangyari sa panaginip mo. So don't tell me na tatanda akong dalaga dahil sa panaginip ko na iyon?

Tangina, mukha nga akong tatandang dalaga. Dahil 24 na ako, at magpahanggang ngayon ay wala pa rin akong jowa at never ko rin naranasan na magkajowa kahit na noong nag-aaral pa ako sa college.

Hindi ako nagkajowa noong nag-aaral pa ako sa college kasi wala namang nanligaw sa akin. At ewan ko ba kung bakit, pero siguro pangit talaga ako kaya ganoon.

Noong medyo kumalma na ang malakas na pagtambol ng puso ko'y napagpasyahan ko na bumangon na mula sa pagkakaupo ko. Nakaramdam kasi ako ng pagkauhaw e.

Lumabas ako sa kwarto ko at saka bumaba. Nang makababa na'y tinungo ko ang daan papunta sa kusina upang uminom. 'Yong ikalawang ref ang binuksan ko dahil andoon ang mga tubig at kung ano-ano pa. Hindi 'yong unang ref ang binuksan ko dahil doon ko nakita kanina ang mga naka fridge na dugo na siyang inumin niya.

His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon