Pagkarating sa gawi no'ng dagat ay wala na akong sinayang pa na pagkakataon, dali-dali ko ng inilublob ang katawan ko roon.
Mainit ang tubig dahil sa araw ngunit kahit ganoon pa man ay napakaganda pa rin nito sa pakiramdam.
"Hey, what are you waiting for? Come on, join me!" malakas komg sigaw sa kan'ya ng mapagtanto ko na ilang minuto na ang lumipas pero ang gago hindi pa rin sumusunod.
At ng tignan ko ang gawi nito'y doon ko ito nakitang nakatulala sa kawalan na para bang malalim ang iniisip nito. Dahilan, kung bakit ako napailing.
'Yan kasi 'e, ang hilig niyang mang tease, 'yan tuloy 'pag nabalikan, tutulala.
Weak!
Ang weak niya. Para do'n lang tutulala na siya? E samantalang no'ng siya ay hindi naman ako natulala.
Well, kunsabagay hindi niya siguro inaasahan na babalikan ko siya. Hindi niya siguro inaasahan na sasabihin ko sa kan'ya ang mga kataga na iyon. Hindi niya siguro inaasahan na kaya ko ring ibalik sa kan'ya ang mga kataga na sinabi niya.
Nang dahil sa sigaw ko na iyon ay natauhan ito. Napapitlag ito mula sa pagkakatulala at saka tumakbo rin sa gawi ko upang maligo na.
TANGHALI na ng matapos kami sa pagliligo namin sa dagat. Hindi namin namalayan ang oras kaya tinanghali na kami.
Sino ba naman kasi ang makakamalay sa oras, kung sa loob ng ilang oras na magkasama kayong naliligo kayo ay sobrang saya niyo?
Panay lang kasi kami tawa habang naliligo e. Panay tawa dahil sa mga topic niya na sinasabayan ko naman. Hindi ko ini-expect na may pagka joker rin pala ang isang 'to.
As in, napaka joker niya pala. Wala sa mukha niya ang pagiging joker niya kaya naman na shocked talaga ako ng slight.
Like as in ang rami niyang baon na joke. At ang rami niya ring baon na topic kaya naman nalibang talaga ako.
Habang naliligo kami ay marami kaming napag-usapan. Kabilang na doon ang tungkol sa orginasyon na kinabibilangan niya.
Yes, kabilang siya sa isang secrect organization na kung saa'y ang tungkulin nila ay sugpuin ang mga sanggurian vampire na walang ibang ginawa kundi ang kumitil ng buhay ng tao.
They're secret agents under the organization of sanguine vampire society. Na itinatag ng gobyerno upang sugpuin nga 'yong mga pambira na ang iniinom ay dugo ng mga tao.
At first, na shocked talaga ako kasi hindi ko ini-expect ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi ko ini-expect na alam pala ng gobyerno ang tungkol sa mga lahi nila. So all this time ay tinatago lang pala nila ang mga impormasyon na iyon sa mga tao? Hindi ko rin ini-expect na may secret organization rin pala ang mga pambirang 'to. Pero gaya nga ng sinabi nila, expect the unexpected.
Wala pa akong isang araw sa lugar na ito ngunit ang rami ko ng impormasyon na nalalaman. Ang rami ko ng kaalaman na nalaman.
Isa rin sa mga nalaman ko na iyon ay ang katotohanan na may asawa na pala ang isang 'to. Ngunit sa kasawiang palad, maagang kinuha ng diyos ang asawa niya dahil namatay ito kakapanganak sa anak nila.
So does it mean, na may anak na pala siya. No, wonder, kung bakit may pagka daddy figure siya.
Nang dahil sa nalaman ko'y medyo na disappoint ako. Hindi ko alam kung bakit pero na disappoint talaga ako ng malaman ko na may anak na pala siya. All I thought kasi single siya at wala pa siyang anak kasi hindi naman talaga halata na meron na siya. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, expect the unexpected.
Single dad siya, self kaya huwag kang mag-alala dahil may pag-asa pa!
Parang may kung anong Espiritu ang sumapi sa utak ko dahil sa naisip ko na iyon. Kaya napatampal ako sa noo ko. Jusko, ano ba 'tong pinag-iisip ko?
BINABASA MO ANG
His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)
VampireHIS BLOODLUST (also known as) C O M P L E T E D Synopsis Quincy doesn't believe in Vampires because for her, vampires are just a mere mythical creature na gawa-gawa ng mga matatanda upang ipanakot sa mga bata. 'Yon ang paniniwala niya not until she...