Kabanata 30

599 16 1
                                    

Hi, I want you to know that this is the last chapter of this book and maraming salamat dahil umabot ka hanggang dito.

Ang novel na ito ay ang pinakamabilis na novel na nasulat ko sa tanan' buhay ko. It just took me two days na isulat ito.

By the way, this story is just a start of something bigger. Because yes I am planning to make a new series na may kinalaman sa story na ito and that series ay ang sanguine series na pagbibidahan no'ng mga miyembro ng sanguine society. So huwag kayong mag-alala dahil hindi pa ito ang huli nating pagkikita.

By the way, I want to thank kwindimowns for pushing me na mag try ako ng pagsusulat ng ibang genre I also want to thank her for being so good to me and for allowing me na maka collab siya. Btw guys, try niyong i read ang mga stories niya dahil napaka worth it ng mga iyon.

So yeah, thank you so much for reading votes and comments. Enjoy reading!

_____

"Hey wife, are you okay?"

Mula sa malalim na pag-iisip ay napapitlag ako sa kinauupuan ko dahil sa katanongan na iyon.

Lumingon ako sa gawi niya at roon ko ito nakitang nag-aalalang nakatitig sa gawi ko.

"Hmm?" tanong ko rito.

Napanguso naman ito dahil sa naging tanong koz "Ang sabi ko ayos ka lang ba? Kanina ko pa kasi ikaw tinatawag at sinasabihan na nandito na tayo e pero ikaw, wala kang imik man lang. So, are you okay?"

Sa sinabi niya'y wala sa sariling napatingin ako sa labas at roon ko nga nakumpirma na nandito na nga kami sa destinasyon namin ngayon.

Destinasyon na kung saa'y nagsimula ang lahat.

"Oo ayos lang ako, may iniisip lang ako," sagot ko sa tanong nito matapos pasadahan ng tingin ang labas.

"Sure ka?" paninigurado nito.

Lumingon ako sa gawi niya. Kapagkuwan ay tumango ako, "Yes hundred percent sure. Sige na bumaba na tayo," ani rito.

At tila ang sinabi ko na iyon ay ang naging hudyat niya para bumaba na sa kotse.

Bumaba ito ng kotse bago umikot sa gawi ko upang pagbuksan ako ng pintuan.

Kung noo'y sobrang sweet nito sa akin kahit hindi pa naman kami, ngayon naman ay mas naging mas sweet pa ito sa akin pero 'yon nga lang wala pa rin kaming label.

Sabi nila, don't settle for less. In short, huwag kang mag settle sa lalaking hindi ka naman kayang bigyan ng label.

Pero ewan ko ba kung bakit, pero nag settle pa rin ako. Masaya kasi e, tsaka ko na pro-problemahin ang sakit, malayo pa naman 'yon.

Nang makalabas na sa kotse'y siya rin ang nagsirado ng pintuan para sa akin. After niyon ay hinawakan niya ang kamay ko bago niya ako inalalayang maglakad papunta sa mansion. Sa mansion dito sa palawan na kung saa'y nagsimula ang lahat.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin dito at kung bakit sa rami-rami ng lugar na pwede niya namang pagdalhan sa akin ay dito pa talaga sa lugar niya ako dinala.

Pero kahit ganoon pa man ay malakas ang kutob ko na kaya niya ako dinala dito dahil sa kadahilanang ang lugar na ito ay may sentimental para sa aming dalawa.

Pero ang ipinagtaka ko talaga is bakit need pa naming magbihis ng magara e dito lang rin naman ang punta namin? Naka dress kasi ako ngayon. Sinunod ko lang 'yong utos niya na mag dress ako.

His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon