Kabanata 22

586 14 3
                                    

Just like what he said, after naming kumain ay agad akong umakyat sa itaas upang maligo. Matapos maligo ay nagbihis na ako ng panlabas na damit bago bumaba sa ibaba.

And obviously, hindi naman ata halata na excited ako diba?

I don't know where we're heading. Hindi ko alam kung saan kami patungo. All I know is that ng makababa na ako ay inaya niya na akong lumabas ng bahay. At no'ng makalabas na kami'y isang magarang sasakyan na ang nakabang sa amin.

Oo, magara ito dahil isa itong sports car na may logo ng dalawang kabayo.

Sumakay na kami sa sasakyan na iyon at hindi ko inaakalang may pagka gentlemen rin pala ang pambirang ito dahil pinagbuksan at pinagsarduhan niya pa talaga ako ng pintuan.

Gusto ko sanang itanong sa kan'ya kung bakit pa kami nag kotse kung pwede namang gamitin niya na lang 'yong ability niyang kagaya no'ng ability ni Flash. Mas accurate and resilient kasi kung 'yon ang gagamitin namin dahil makaka save siya ng gasolina at oras kahit na'y ang kapalit naman ay ang pasusuka ko.

Gusto ko sanang imungkahi ang mga iyon sa kanya ngunit hindi ko na ito ipinagpatuloy pa ng mapagtanto ko na baka matao 'yong pupuntahan namin.

Ang hinala kung matao 'yong pupuntahan namin ay napatunayan ko na tama ng sabihin niya sa akin na fiesta ang pupuntahan namin.

Tinanong ko kasi siya kung saan kami pupunta ng hindi ko na mapigilan pa ang kuryusidad na nararamdaman ko.

Noong una'y ayaw pa nitong sabihin sa akin kung saan kami pupunta dahil surprise daw. Pero dahil makulit ako'y nawalan siya ng choice kundi ang sabihin sa akin ang mga iyon.

Habang nasa biyahe papunta sa bayan na may fiesta raw ngayon ay napag-usapan namin ang tungkol sa nangyari sa kanya no'ng mawala siya ng ilang araw.

At roon ko nalaman na 'yong Damon pala is tinambangan no'ng mga sanggurian vampire. Binugbog ng mga pambirang iyon si Damon at ng hindi ma kontento'y kinidnap pa ng mga pambirang iyon si Damon.

At iyon ang rason kung bakit hindi siya nakauwi agad. Tri-nace pa kasi nila kung saan dinala ng mga pambirang iyon ang kaibigan nila at sa pag trace nilay medyo pahirapan talaga ang nangyari dahil 'yong relo ni Damon na may tracker ay sinira no'ng mga pambirang 'yon.

And yes hindi lang ordinaryo ang mga relo na suot-suot nila. Actually may tracker ito. At kapag nalagay sa panganib ang buhay mo all you need to do is pindutin 'yong relo at malalaman agad ng mga kasamahan mo kung ang kalagayan mo.

It's cool, right? But going back, 'yon nga nakidnap si Damon at medyo naging mahirap para sakanila ang pag track kung nasaan ito dahil sinira ng mga komag na pambirang iyon ang relo ni Damon. Pero mabuti na lamang at may IT expert pala silang kasamahan kaya ayon, na track agad nila kung nasaan si Damon sa pamamagitan ng mga CCTV's.

At roon nga sinagip nila si Damon at dahil hindi sila nagkaroon ng konkretong plano ay muntikan nang ma bokya 'yong pagsagip nila kay Damon.

At sa pagsagip kay Damon niya rin nakuha ang mga sugat niya. Hindi niya ganoong idinitalye kung saan niya nakuha ang mga sugat niya kaya wala akong masiyadong information do'n.

At dahil nag kwe-kwentuhan na rin naman kami tungkol do'n ay hindi ko na rin pinaglapas ang huwag siyang tanongin tungkol do'n sa nakita ko kagabi—'yong kusang paghilom ng mgsa sugat ko.

At roon ko nalaman na aside sa ability ng mga bampira na mabilis tumakbo. Ay may isa pa silang ability na taglay. Ngunit ang ability na iyon ay iba-iba kada bampira. For example, 'yong sa kan'ya is self healing. 'Yong kay Damon naman is invisibility. Ganoon.

And isa lamang ang masasabi ko at iyon ay ang cool pa lang maging pambira! Parang gusto ko rin tuloy magpakagat.

Nalaman ko rin mula sa kanya na it is possible pala para sa kanila na mag taglay ng mas marami pang ability. Sa katunayan nga daw 'yong iba sa mga pambira id tig da-dalawa o hindi kaya'y tig ta-tatlo ang ability na meron.

It's really pretty cool, right?

Marami pa sana akong itatanong sa kan'ya tungkol sa ability niya na iyon pero hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng marating na namin ang bayan na tinutukoy niya.

At gaya nga ng inaasahan ko'y matao ang fiesta. Makulay rin ito gawa ng mga bandaretas. Maingay rin rito gawa ng mga nagkakantahan at nagsasayawan na mga tao.

Ipinark namin ang sasakyan niya sa isang tapat ng bahay na pagmamay-ari no'ng matandang nagngangalang Rosa. At oo kakilala niya ito.

Nang maipark na ito'y saka pa lamang kami bumaba. At kagaya kanina, pinagbuksan at pinagsaraduhan pa ko nito ng pintuan.

Then, wala sa sariling nahigit ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. He hold my hands then he entirwined it. Napatingin tuloy ako ng wala sa oras sa kamay naming magkasaklop.

"Lets go?" he asked dahilan kung bakit napa angat ako ng tingin at bago pa man ako makapagsalita ay kinaladkad na ako nito papunta do'n sa mga nagsasayawan kaya naman hindi ko na naipagpatuloy pa ang balak ko pa sanang sasabihin.

HINDI talaga nawawala sa fiesta ang mga taong nagsasayawan sa daan. At dahil roon ay nakisabay rin kami.

Oo, nakisabay kami sa mga taong nagsasayawan at isa lamang ang masasabi ko at iyon ay ang saya-saya pala.

Sa buong sayawan namin ay panay lang pagtawa ang ginawa ko. Hindi ko kasi talaga mapigilan ang sarili ko e. Ang saya kasi. Para akong nakalaya sa halwa.

Ang bampira na kasama ko ay ganoon rin ang ginagawa nito. Tawa rin ito ng tawa habang sumasayaw.

Indak dito. Indak doon. Kembot dito. Kembot doon. Tawa dito. Tawa doon.

Ang mga 'yan ay ang ginawa ko lang sa mga oras na iyon. At natigil lamang ako ng makaramdam ako ng pagod.

Nang makaramdam ng pagod ay tumigil na 'ko sa pagsasayaw. Habang 'yong pambira naman na kasama ko ay panay pa rin ang sayaw na tila ba'y wala man lanh itong kapaguran sa katawan.

Kunsabagay bampira nga siya at hindi tao.

Napatigil ito sa ginagawa nitong pagsayaw ng makita ako nitong tumigil na, "Ayaw mo na?" kapagkuwan ay tanong nito na siyang tinanguan ko naman.

"Oo, pagod na kasi ako e. Pero kung gusto mo pang sumayaw diyan, sige lang sumayaw ka lang diyan. Dito lang ako," sagot ko sa tanong nito.

Kumunot ang noo ko ng makita kong imbes na ipagpatuloy niya 'yong naudlot niyang pagsasayaw dahil sa iminungkahi ko sa kan'ya ay bagkos tinawid nito ang distansiya na namamagitna sa aming dalawa.

"Oh? Bakit tumigil ka?" taka kong tanong rito ng makalapit na ito sa gawi ko.

"Ayaw ko na rin e, pagod na ako," sagot nito sa tanong ko sabay hawak sa kamay ko. At habang sinasambit niya ang mga kataga na iyon ay hinihingal siya, isang indikasyon na pagod na nga siya.

Well, sino ba naman kasi ang hindi mapapagod kung halos mag-iisang oras ka rin nakasayaw? 'Diba?

His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon