Kinabukasay, nagising ako ng may maramdaman akong mata na matamanang nakatitig sa akin.
At hindi ko inaakalang ang kulay pula na mga mata ang unang bubungad sa akin pagkamulat ko. Dahilan, kung bakit nahigit ko ang aking sariling hininga bago napabalikwas agad mula sa pagkakahiga ko.
"Sino ka?"
Ang mga kataga na iyon ay ang una kung naibulas ng makita ko ang kabubuang pagmumukha ng lalaki na nasa harapan ko.
Pogi ito, oo. Maputi ito na tila bay umubos ito ng ilang sako ng gluta drip. May mapula rin itong mga mata na tila bay may suot-suot itong contact lense. Pero hindi ang mga iyon ang problema dito, kundi ang katotohanang hindi ko ito kilala at hindi rin ito pamilyar sa akin.
"Nasaan ako?"
Ang tanong na iyon ay ang ikalawang tanong na naibulas ko ng mapagtanto ko na wala ako sa kuwarto ko. Na itong kinaroroonan ko ngayon ay hindi ang kuwarto ko at hindi rin ito pamilyar sa akin. Pink kasi ang kulay ng kwarto ko tapos ito, ay kulay black. Obviously lalaki ang may ari ng kwarto na ito at mukhang ang lalaki na iyon ay itong lalaki na nasa harapan ko.
"Inuulit ko, sino ka at nasaan ako?" ulit kong tanong sa kan'ya ng mapagtanto ko na mukhang wala itong balak na sagutin ang mga nauna kong tanong.
"Don't you remember anything?" he asked.
Napakurap-kurap naman ako dahil sa narinig. Napakurap-kurap ako dahil hindi ako makapaniwala na ang ganitong klaseng mukha ay nagmamay-ari ng ganoon kaganda at kalalim na boses.
Barakong barako ang boses niya na tila bay sa ilalim pa ng balon niya kinukuha ang boses niya.
Wala sa sariling napaisip rin ako sa sinabi niya at roon nga bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari kagabi.
"V-ampire," ang namumutlang wala sa sarili kung bulas ng maalala ko na ang nangyari kagabi.
Dumagundong ang kaba sa dibdib ko at nangatal rin ako. Ang l-alaking iyon, 'yong may mata na kulay pula at may mahahabang ngipin na sa palagay ko'y pangil.
T-hat guy! T-hat guy is a vampire!
Pero, does vampire really exist? Obviously yes, self! Wala ng pero-pero dahil ang mga nakita mismo ng dalawang mata mo kagabi ay ang pruweba!
Mas lalo pa akong nangatal ng maisip ko rin kung paano ako mawala sa sariling ulirat dahil sa ginawa ng lalaking nasa harap ko ngayon.
Takot. Rumehistro ang takot sa mukha ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Lalo na ng maalala ko ang ginawa niya sa batok ko dahilan kung bakit ako nawala sa sariling ulirat.
"W-hat did you do to me?" ang nauutal ko na tanong, obviously dahil sa takot.
"Nasaan ako at sino ka?" Sa pagkakataon na ito ay nagsisimula na akong mag hysterical.
At imbes na sagutin ang tanong ko upang matigil ako sa pag hy-hysterical aba'y ang gago tumayo ito mula sa pagkakaupo nito kama.
"Inuulit ko, sino ka at nasaan ako?" Sa pagkakataon na ito'y nag hy-hysterical na talaga ako dahil sa matinding takot, kaba at pangangatal na nararamdaman ko.
"You're in my house," ang tanging sagot nito bago lumapit sa gawi no'ng bintana ng kwarto niya.
Wala sa sariling napapikit ako sa mga mata ko ng tumambad sa akin ang sikat ng araw. Nakakasilaw kasi e.
'Saka ko pa lamang muling iminulat ang mga mata ko ng makapag-adjust na ito sa sinag ng araw.
"Your house?" tanong ko rito na siyang tinanguan nito.
BINABASA MO ANG
His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)
VampireHIS BLOODLUST (also known as) C O M P L E T E D Synopsis Quincy doesn't believe in Vampires because for her, vampires are just a mere mythical creature na gawa-gawa ng mga matatanda upang ipanakot sa mga bata. 'Yon ang paniniwala niya not until she...