"IS she my mom, dad?"
Napalingon ako sa katabi ko dahil sa naging tanong nito. At roon ko nakita ang anak ko na naniningkit ang mga mata habang nakatingin sa babaeng kanina pa namin pinag mamasdan.
"Oo anak," simpleng sagot ko sa tanong niya bago ibinalik ang tingin sa tubig na nasa mesa.
Nasa isang fast food chain kami ngayon. Nakaupo sa isang sulok habang pinagmamasdan mula sa malayo ang asawa kong busing-busy sa kinakain nito habang nakikipag-usap sa kaibigan niyang babae na sa pagkakaalala ko'y Lyca ang pangalan. Oo, asawa ko siya pero ako lamang ang may alam na asawa ko siya.
But that's okay, pasaaaan ba't malalaman niya rin naman na ako ang asawa niya.
Matagal ko na siyang sinusundan at pinasupasundan. Mga ilang taon ko na rin siyang pinapasundan at sinusundan kaya naman alam na alam ko na ang mga whereabouts niya. Kung saan siya madalas pumupunta after ng klase nila at kung sino ang madalas na kasama niya. Yes, para na akong creepy stalker na ginagawa ko pero wala akong pakialam dahil ang tanging pakialam ko lamang ay ang masigurado ang kaligtasan niya at ang mapawi ng kahiy konti ang pagka miss na nararamdaman ko para sa kanya.
At dahil nga alam ko na kung nasaan ang mga whereabouts niya'y hindi na ako nahirapan pang hanapin siya. Mostly kasi, after class nila, kung hindi siya umuuwi ng diretso sa bahay nila ay nagpupunta siya rito sa restaurant na ito kasama ang kaibigan niya.
Kaya naman ng makita namin ng anak ko na wala siya sa bahay nila ay agad kung napagtanto na nandidito siya sa restaurant na ito. Favourite restaurant niya kasi ito e.
Kaya heto nga kami ngayon, nang sta-stalk na naman sa kan'ya na parang creepy stalker.
Actually, ako lang sana ang mag sta-stalk sa kanya sa araw na ito pero dahil ayaw magpaawat ng anak ko dahil nga gusto nga niya raw makita ang mama niya because she's been longing since then to seer ay pinasama ko na lang rin siya.
Actually, kanina pa kami pinagtitinginan rito. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang dahil ito aa kadahilanang kanina pa kami naririto sa fast food chain and up until now wala pa rin kaming ini-order.
Naka ilang balik na nga 'yomg waiter dito sa gawi namin e actually. Nakailang balik na ito upang tanongin kung ano ang order namin.
Pero dahil nga bampira kami at hindi kami kumakain ng pagkain ng tao ay wala akong maisagot sa tanong niya na iyon. Gusto ko sanang mag order ng isang plastic bag ng dugo pero hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng maalala kung pang tao pala ang fast food chain na ito at hindi pang bampira. Kaya naman, instead of ordering blood, I just ordered a water. And up until now, ang tubig na inorder namin na iyon ay hindi pa rin nababawasan.
"She looks younger than me dad," komento ng katabi ko na siyang naging dahilan kung bakit napatitig na naman ako sa gawi ng asawa ko ng wala sa oras.
Yes, my daughter is right. She looks younger than her—no let me rephrase it dahil she is literally younger than her.
Pa'no ba namang hindi magiging younger, e reincarnated nga 'tong asawa ko. Samantalang itong anak ko naman ay nabuhay na ng ilan taong.
Kung hindi lang sana siya namatay noon paniguradong ka edad ko lang siya ngayon at paniguradong nasabayan rin niya ang paglaki ng nag-iisa naming anak na babae.
Pero wala e, hindi niya kinaya kaya namatay siya. At ang mas masama pa roon ay ang katotohanan na kasalanan ko iyon.
Kasalanan 'pagkat kung sinunod ko lamang ang utos ng mga nakakataas paniguradong hindi sana siya namatay.
"Hindi looks anak, dahil mas bata pa talaga siya kesa sa'yo," ang ani ko sa anak ko na siyang nagpatawa rito.
"Yeah dad pero ang weird dad 'no? Ang weird na ang mama ko is mas bata pa sa akin?" natatawang tanong niya na iyon.
BINABASA MO ANG
His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)
VampiroHIS BLOODLUST (also known as) C O M P L E T E D Synopsis Quincy doesn't believe in Vampires because for her, vampires are just a mere mythical creature na gawa-gawa ng mga matatanda upang ipanakot sa mga bata. 'Yon ang paniniwala niya not until she...