Kabanata 5

909 25 3
                                    

Kung ang iba ay makakaramdam ng galit sa oras na nalaman nila na kinidnap sila.

Well, ibahin niyo ako kasi imbes na magalit ay nakaramdam pa talaga ako ng saya at thankful. Saya, dahil siya ang kumidnap sa akin at thankful, dahil sa ginawa niyang pagkidnap sa akin ay nailigtas niya ang buhay ko at ang future ko. Future, dahil marami pa akong pangarap sa buhay ko na paniguradong mawawasak sa oras na maging pambira ako. So yeah, he literally save my future.

Yes, he save my life and my future by kidnapping me pero mukhang mamatay rin ako dito dahil sa heart attack.

Heart attact gawa ng gulat. Gulat na gawa no'ng pagkakita kobsa mga plastic bag na may laman na dugo na siyang tumambad sa akin pagkabukas na pagkabukas ko pa lang sa ref niya.

Sa palagay ko'y ang dugo na laman no'ng plastic bag na iyon ay ang dugo na iniinom niya.

Kanina, no'ng tumambad sa akin ang mga plastic bag na iyon ay halos mawalan ako ng malay dahil sa pagkagimbal at pagkagulat.

At halos matanggal rin 'yong lalamunan ko gawa ng malakas na pagsigaw ko.

Literal talaga na nagimbal ako dahil sa nasaksihan ko. 'Yong puso ko nga kanina e ay hindi na magkamayaw sa pagtibok dahil doon.

Kumalma lamang ito ng maramdaman ko ang pagyapos ng braso niya sa bewang ko habang ang isang kamay niya naman ay ginamit niya upang isara ang pintuan ng ref na nasa harapan namin.

Kumalma ako, nabawasan ang pagkagimbal na naramdaman ko pero 'yong puso ko ay hindi pa rin magkamayaw dahil sa sunod-sunod na pagtibok nito. Akala ko no'ng una dahil pa rin ito sa nakita ko pero mukhang hindi 'yon ang dahilan. Hindi, sa pagkat mukhang ang dahilan kung bakit ako kinakabahan ngayon ay dahil sa kamay niyang nakayapos sa akin.

May kung ano kasi akong naramdaman sa aking katawan no'ng maramdaman ko ang pagyapos niya. At ang naramdaman ko na iyon ay nagbigay sa akin ng ibang kilabot dahilan kung bakit ako kinabahan.

Nang hindi ko na kayanin pa ang tambol ng puso ko'y parang napapaso akong umalis mula sa pagkakayapos niya.

Kapagkuwan, ay hilaw akong napangiti ng makita ko ang pagkakunot sa noo niya sabay sabi sa mga katagang, "Kain na tayo, hihi," hilaw kung ani na sinabayan ko pa ng hilaw na tawa.

Umaasang sa pamamagitan niyon ay mawala itong uneasiness na nararamdaman ko.

"Okay," sabi nito bago ako tinalikuran at saka lumapit sa gawi no'ng niluluto niya.

"Umupo ka na diyan," aniya na siyang sinunod ko naman.

Umupo ako sa upuan na inupuan ko kanina gaya ng sinabi niya. At ewan ko ba kung bakit, pero 'yong uhaw na nararamdaman ko kanina'y naglaho ng parang bula dahil sa aking nasaksihan.

Nang maluto na niya ang steak na niluluto niya'y, inihain na niya ito. I watched him served the things that is need to be served.

Ngunit ang ipinagtaka ko ay bakit isang plato lang ang inilagay niya? Bakit parang para sa akin lamang ito at wala sa kan'ya?

"Hindi kaba kakain?" taka kong tanong sa kan'ya.

Napatigil siya sa ginagawang niyang pagsasalin ng tubig sa baso ko dahil sa tanong ko, "Yes," sagot nito bago ipinagpatuloy ang ginagawa nitong pagsasalin sa baso ko.

"Ha? Why?" taka kong tanong na siyang sinagot naman nito.

"I don't eat, I only drink blood," he answered which made me nodded.

Ahh oo nga pala, pambira nga pala ang isang 'to at hindi tao?

"Does it mean ba ang blood na iniinom niyo ang nagbibigay energy sainyo?" I asked again which made him nodded.

His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon